Makatatanggap ng P10,000 ang mga empleyadong nakakuha ng COVID-19 sa trabaho.
Ayon kay Alvin Garcia, senior information officer ng Employees’ Compensation Commission o ECC, bukod pa ang benepisyong ito mula sa Social Security System at government service insurance system.
Ani Garcia, sa ngayon ay naka-fixed sa sampung libong piso ang sickness claim habang P15,000 naman para sa death claim.
Maaari pa rin aniyang makapag-avail ng benepisyo ang mga manggagawang tinamaan ng COVID-19 noong nakaraang taon.