Inaasahang magiging ikalawa ang Pilipinas sa pinakamabilis ang pag-unlad ng ekonomiya sa Southeast Asia ngayon taon at sa 2025.
Batay ito sa taya ng moody ratings, sa gitna ng inaasahan na mananatiling Resilient ang Domestic Demand.
Kaugnay nito, maaaring umabot sa 5.95 % ang gross domestic product ng bansa ngayong taon, at 6% sa 2025.
Inaasahan naman na magiging pinakamabilis ang pag-unlad ng Vietnam sa Southeast Asia, dahil aabot sa 6 % ang GDP nito ngayong taon, at 6.5% para sa 2025. – sa panunulat ni Charles Laureta