Sumakabilang buhay na ang isa sa OPM legend at lead vocals ng novelty trio na “D’ Big 3 Sullivans” na si Mar Lopez sa edad na 85.
Pasado alas-9:30 kagabi nang kumpirmahin ng maybahay ni Kuya Mar na si Vicky O Madam V., ang pagpanaw ng novelty hit composer dahil sa cardiac arrest.
Isa si Kuya Mar o Martin Cacnio sa tunay na buhay, sa mga host ng DWIZ program na “Pasiklaban sa IZ” tuwing alas-4:30 ng hapon hanggang ala-6 ng gabi ng Linggo.
1960-1970 nang makilala rin si Mar bilang composer ng mga novelty hit songs na Butsiki, Magellan na inawit ni Yoyoy Villame at Pearly Shells na kinanta ng isa sa kanyang mga nadiskubreng talent noon na si Nora Aunor.
Kasalukuyang nakaburol ang labi ni Kuya Mar sa Saint Peter Chapels, Commowealth Avenue sa Quezon City habang itinakda ang libing nito sa Loyola Memorial Park, Marikina. —sa panulat ni Drew Nacino