Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang magwawakas ang communist insurgency sa susunod na taon.
Sa kanyang talumpati sa Camp Melchor Dela Cruz Sa Gamu, Isabela, inihayag ni Pangulong Duterte na ang patuloy na pagsuko ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa iba’t ibang bansa ang rason nang pagtatapos ng rebelyon.
Naniniwala rin ang punong ehekutibo na unti-onti nang nananalo sa digmaan ang pamahalaan lalo sa Mindanao kung saan maraming rebelde na ang sumuko.
Pinapurihan naman ni Pangulong Duterte ang 5th infantry division ng Philippine Army sa pakikipag-laban sa mga banta sa seguridad gaya ng NPA.
“Itong mga NPA, they are losing very fast. They are losing grounds sa Mindanao I’m happy to report you there are so many fronts na wala na or are in the throes of death. Kasi marami, malaki na ang nag surrender at pinagtuturo na sila. We are happy in this development kasi yung pagka yung mga political officers na matataas na they know everything.” Pahayag ni Duterte.