Naging pugad o playground ng mga sindikatong kriminal ang Department of Public Works and Highways o DPWH.
Ito, ayon kay Senador Panfilo Lacson, makaraang matanggap ang bagong impormasyon sa mala-mafia na galaw ng mga engineering offices ng DPWH sa iba’t ibang parte ng bansa.
May impormasyon anya na sangkot ang mga DPWH officials sa iba pang maanomalyang flood control projects na hindi kasama sa naisumite ng report kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay Senador Lacson, pati ang Philippine Contractors Accreditation Board ay may kalokohan ding ginagawa.
Dagdag pa ng senador, ang mga “funder” o mga mambabatas na nagsusulong ng insertions para sa mga kwestiyonableng proyektong ito sa budget ay patuloy na lumalakas ang loob dahil walang transparency sa budget process, kaya hindi sila natutukoy bilang responsable.
—Sa panulat ni Daniela De Guzman