Dapat maging mas malinaw ang listahan ng mga infrastructure projects na pinopondohan sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP), lalo na sa mga susunod pang taon
Mungkahi ito ni Muntinlupa City Lone District Rep. Jaime Fresnedi upang maiwasan ang kalituhan at maling interpretasyon sa mga proyekto, sa gitna na rin ng maanomalyang flood control projects.
Magugunitang nagdulot ng kalituhan sa Senate Finance Committee hearing na pinamumunuan ni Senador Sherwin Gatchalian kaugnay sa 2026 DPWH budget ang sinasabing duplicate allocations ng Putatan Multipurpose Building sa Muntinlupa, na kalauna’y napatunayang lehitimo.
Bukod dito, ipinanawagan din ni Congressman Fresnedi ang pagkakaroon ng mas maayos na imbentaryo ng mga proyekto ang D.P.W.H., mapa-bagong proyekto man ito o para sa rehabilitasyon.




