Patuloy na inaayos ng Department of Transportation (DOTr) ang naging epekto ng aberya sa air traffic control system ng NAIA noong unang araw ng enero ng taong ito.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na balik-normal na ang operasyon sa NAIA Terminal 1 at 2.
Nag-normalize na tayo dito sa terminals 1 at saka terminal 2, sa terminal 3 at 4 ay mayroon pang konting congestion, ito ay epekto ng pagcacancel ng mga flights noong January 1 na ngayon palang nakakarecover,mas maraming pasahero dito sa dalawang terminal na ito kaya naman ang congestion dito ay nandyaan pa rin”.
Iginiit naman ni Bautista na natunton na nila ang dahilan ng technical glitch pero kailangan pa ito aniyang pag-aralang mabuti.
Pinag-aaralan namin or iniimbestigahan kung bakit hindi gumana ang pangalawang UPS nung bumigay ang UPS na ginagamit kasi ito ang back-up, dapat dito ay naging automatic iyong pagtransfer ng power from UPS to another. Iyong pangalawang dahilan naman ay kung bakit 380 volts ang pumasok doon sa UPS and ang lumabas ay 380 volts din”.
Ang tinig ni DOTr Secretary Jaime Bautista, sa panayam ng DWIZ