Nangangailangan ng 500 tauhan ang Department of Health (DOH) para maging miyembro ng team na magsasagawa ng surveillance sa mga nabakunahan ng Dengvaxia Vaccines.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque the Third , hirap silang matukoy ang kinaroroonan ng mahigit 800,000 nabakunahan ng Dengvaxia.
Nalalaman na lang anila na nabiktima ang isang tao kapag ito ay nasa ospital na.
Paliwanag ni Duque, kukunin nila sa kanilang pondo ang pampa sweldo sa mga makukuhang miyembro ng surveillance team.
Batay sa datos ng DOH , aabot na sa 14 ang nasawi umano dahil sa Dengvaxia habang 26 naman ang nasa tala ng Public Attorneys Office.
RPE