Ibinabala ng Department of Health o DOH na karamihan sa mga na-o-ospital at dinadapuan ng sakit sa labas ng bansa dahil sa Delta variant ay hindi nabakunahan kontra COVID-19.
Bunga nito, muling nanawagan sa publiko si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na magpabakuna sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Vergeire, batay sa datos, 98%ng mga na-ospital sa Estados Unidos at nagkaroon ng malalang impeksiyon ay walang natanggap na bakuna laban sa coronavirus.
Sa Pilipinas, sinasabing sa labingwalong kaso ng Delta variant ay 16 ang walang bakuna habang dalawa naman ang fully-vaccinated.