Binalaan ng Department of Health o DOH ang publiko kaugnay ng pagsasagawa ng self – medication at pag – inom ng mga anti – biotics nang walang prescription mula sa doktor.
Alinsunod ito sa pinirmahang kasunduan ng Pilipinas sa Anti Microbal Resistance (AMR) sa katatapos pa lamang na 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, kanilang inilunsad ang National Antibiotic Guidelines para magbigay ng karagdagang kalaaman sa paggamit o pag – inom ng mga anti – biotic.
Babala ni Duque, may malaking implikasyon sa kalagayan at kalusugan ng isang may sakit ang basta – bastang pag – inom ng anti – biotics nang walang prescriptions mula sa mga doktor dahil mas nagkakaroon ng impeksyon.
Dagdag ni Duque, nagkakaroon din ng anti – biotic resistance o kawalan ng epekto ng anti – biotic laban sa mga mikrobyo sa katawan ang basta – bastang pag – inom ng anti – biotics.