Pinag-iisipang baguhin ng DOLE o Department of Labor and Employment ang itsura ng Overseas Filipino Workers Identification card o OFW ID.
Ito’y matapos batikusin ng ilang netizens ang disensyo ng ID kung saan makikita ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, pag aaralan muna nila ang magiging komento ng mga OFW na makakatanggap ng ID bago nila ito desisyunan.
Dagdag pa ni Bello ikinukunsidera rin nila ang reaksyon ng publiko kaya naman bukas sila kung sakaling kailangan baguhin ang disenyo ng I.D.
Pero sa ngayon umano ay wala pa naman silang direktang nakukuhang reklamo mula sa mga OFW na nakatanggap na ng ID.