Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Dinagat Islands, isinailalim sa blue code alert status

by DWIZ 882 January 3, 2023 0 comment
dinagat

Isinailalim muli sa blue code alert status ang probinsya ng Dinagat Islands dahil sa banta ng Low Pressure Area (LPA).
Batay sa Executive Order No. 01-01, series of 2023 na inilabas kahapon, iniatas ang kautusan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council kasama ang Municipal at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council Emergency Operations Center.
Layon nito na matiyak na magiging mabilis ang pagresponde sa lahat ng pangangailangan ng mga lugar na apektado ng bagyo.
Sa ngayon, patuloy ang pag-monitor ng pamahalaan sa landslide at flood prone areas ng municipal at barangay DRRMC kasabay ng pagpapatupad ng pre-emptive evacuation.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment