Madalas ka bang nakatutok sa cellphone o computer buong araw? Ingat, dahil maaari itong magdulot ng tinatawag na digital eye strain.
Ayon sa mga eksperto, ang sobrang paggamit ng gadgets ay nakakaapekto sa kalusugan ng mata na nagdudulot ng digital eye strain.
Karanasan ang panlalabo ng paningin, pangangati o pamumula ng mata, at madalas na pananakit ng ulo ang sintomas ng nasabing sakit.
Dagdag pa ng mga doktor na dahil sa matagal na pagtutok sa screen, bumababa ang ating pagkukurap, kaya natutuyo ang mga mata.
Kung pababayaan, maaari itong magdulot ng mas malalang problema sa paningin at makaapekto pa sa productivity sa trabaho o pag-aaral.
Kaya’t paalala ng mga eksperto, sundin ang 20-20-20 rule kung saan tuwing kada dalawampung minuto, tumingin sa bagay na dalawampung talampakan ang layo sa loob ng dalawampung segundo.
—Sa panulat ni Jem Arguel