Pinaeembestigahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ilang ticketing centers dahil umano sa pagbebenta ng passport appointment slots sa social media.
Tinukoy ng DFA ang ticketing center na canferz payment and ticketing center na nag-aalok ng passport appointment slots sa Facebook at i-book sa ilalim ng account ng Valesco-SMS Inc.
Ang Valesco-SMS Inc. ay isang licensed recruitment agency (LRA) na accredited ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at DFA.
Batay sa paunang imbestigayon, sa mga ofws lamang dapat mag-aalok ng appointment slots ang LRAs pero nag-aalok na rin ito maging sa hindi kwalipikadong aplikante.
Sa ngayon, ipinag-utos na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagdown sa ofw portal kasabay ng pagtanggap na ng walk-in applicants simula March 14.
Nagsampa na rin ng reklamo ang DFA laban sa Valesco-SMS Inc.—sa panulat ni Abby Malanday