Hindi nangangamba ang DFA o Department of Foreign Affairs sa mga ulat na nagpapatuloy umano ang pagpapatayo ng China ng iba’t ibang pasilidad sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, mabuti na rin ito at walang bagong sinasakop ang China sa nabanggit na karagatan.
Paliwanag ni Cayetano, sa oras na matalakay na ang isinusulong na Code of Conduct ay hindi mawawala ang posibilidad na kaniya-kaniyang pagtatayo na ng pasilidad ang gagawin ng ibang bansang sangkot sa agawan ng teritoryo.
Tiniyak din ni Cayetano na walang isusukong teritoryo ang Pilipinas sa administrasyong Duterte.
Magugunitang kinumpirma ng Center for Strategic and International Studies at Asia Maritime Transparency Iniative na sa kasalukuyan ay tinatapos na ng China ang high-frequency radar station at iba pang pasilidad.