Binalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga dayuhang nasasangkot sa “palusot scam” o iligal na pagpasok sa bansa gamit ang mga pekeng dokumento.
Ito’y matapos makatanggap ng sumbong ang ahensya ukol sa iligal na gawain ng ilang dayuhan.
Ayon sa DFA, mahaharap sa karampatang parusa ang mga dayuhang magtatangkang gumawa nito.
Giit ng ahensya, walang anomang kinokolekta ang ahensya na kahit anong “travel exemption fee” kapalit ng madaling proseso ng pagpasok sa bansa.
Kaugnay nito, hinikayat ng DFA ang publiko na magsumbong sa DFA sa pamamagitan ng oca@dfa.gov.ph.