Hindi naging matagumpay ang pag-uusap nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un hinggil sa denuclearization ng Korean Peninsula.
Ayon kay Trump, payag si Kim na tuluyan nang ipasara ang major nuclear facility na nasa Yongbyon.
Gayunman, inihirit naman ni Kim na tanggalin ang mga parusa laban sa Pyongyang, bagay na mariing tinutulan ng Amerika kaya’t walang nangyaring kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.
Nangako naman si Kim na wala munang testing of rockets and nuclear na magaganap sa kanilang bansa.
Sa kabila nito ay naging produktibo naman umano ang naging ikalawang pagpupulong nina Trump at Kim.
—-