Kulang na ang kapasidad ng Municipal Hospital sa Tupi, South Cotabato para sa mga biktima ng dengue sa lugar.
Dahil dito, ipinabatid ni Mayor Reynaldo Tamayo na dinadala na sa provincial hospital sa Koronadal ang iba pang mga nade-dengue.
Kaagad namang nagpalabas ng 1 milyong piso si Tamayo para sa kampanya kontra dengue matapos una nang ideklara ang state of calamity sa lugar.
Matapos ang outbreak, pinatutukan na rin ni Tamayo sa Municipal Health Office ang mga barangay gaya ng Poblacion, Bunao at Acmonan na pinagmulan ng mga biktima.
Apat na ang nasawi habang mahigit sa 200 pa ang dinala sa mga pagamutan.
By Judith Larino