Sinong mag-aakala na nang dahil lang sa noodles ay mahahanap ng isang Chinese man ang kaniyang forever sa isang American woman? Matapos kasi ang chance encounter ng dalawa nang ihatid niya ang inorder nitong pagkain, nagsimula na ang kanilang whirlwind romance.
Kung ano ang buong detalye ng unexpected love story ng dalawa, eto.
Lumipat mula sa Alabama ang 30-anyos na nursery teacher na si Hannah Harris sa Shenyang, China para magturo ng english sa mga kindergarten students.
Isang araw, nagpa-deliver si Harris ng noodles na siya namang hinatid ng 27-anyos na delivery rider mula sa Liaoning province na si Liu.
Nang magkasalubong ang dalawa sa elevator, binati ni Liu si Harris ng, “Hello, I love you.” na siya namang tinawanan lang ng babae.
Ayon kay Liu, ‘yun lang ang nasabi niya kay Hannah dahil hindi siya gaanong marunong mag-english.
Sa hindi inaasahan nilang pagkikita, agad silang nagpalitan ng contact info at mabilis na nag-click.
Sa regular nilang pag-uusap, unti-unti nilang nadiskubre ang mga hilig ng isa’t isa pagdating sa pagkain, sports, at ang pagmamahal nila para sa mga hayop.
Ang getting to know stage ng dalawa, mas pinalalim pa sa pamamagitan ng pagpapakilala nila ng kaniya-kaniya nilang kultura at lengguwahe sa isa.
Si Liu kasi, ipinapasyal si Harris at isinasama pa sa pagde-deliver.
Ang chance encounter ng dalawa, naging whirlwind romance. Dahil sabi nga nila, kusa mo na lang mararamdaman kung nasa tamang tao ka na. Kaya nang mapagtanto ito ni Liu, wala itong pagdadalawang-isip na nag-rpopose kay harris.
Sa pamamagitan ng isang video, binasbasan ng mga magulang ni Harris mula sa U.S. ang pag-iisang didib nila ni Liu at ngayon ay nagsasama na sila kasama ang kanilang pet dog na si Pudding.
Sa ngayon, punung-puno ng simpleng pangarap ang pagsasama ng dalawa habang pinapatunayan na hindi masusukat ang pagibig sa pagkakaroon ng marangyang buhay.
Ikaw, mala-whirlwind romance rin ba ang kwento niyo ng partner mo? Pwede mo bang i-share kung paano kayo nagkakilala?