Inisnab pa rin ni Senadora Leila de Lima ang ikatlong pagdinig ng mababang kapulungan ng Kongreso ukol sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay House Committee on Justice Chair Reynaldo Umali, pinadalhan nila ng imbitasyon sa pagdinig si De Lima makapagpaliwanag sa pamamayagpag ng illegal drug trade sa Bilibid sa ilalim ng panunungkulan nito bilang kalihim ng Department of Justice.
Gayunman, tumanggi aniya si De Lima na makipagtulungan sa pagdinig ng Kamara o kahit magpadala ng kanyang kinatawan.
Matatandaang isinasangkot si De Lima sa operasyon ng iligal na droga sa Bilibid kung saan ay kumukubra umano ang dating kalihim ng pera para sa kampanya nito noong 2016 national elections.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Reynaldo Umali
Bank accounts
Samantala, hinamon naman ni Secretary Leila de Lima si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ipa-freeze ang lahat ng kwestyonableng bank accounts na iniuugnay sa kanya.
Nanindigan si De Lima na wala siyang limpak-limpak na pera na mula sa operasyon ng iligal na droga at wala rin aniya siyang mga dummy.
Iginiit ng Senadora na nanalo siya sa pagka-senador nang malinis at batay sa malaking tiwala aniya sa kanya ng taumbayan.
By Ralph Obina