Idineklara ng Iloilo city government ang September 29 hanggang October 17 bilang mga araw nang pagluluksa para kay dating Senador Miriam Defensor Santiago
Ipinag utos ni Iloilo City Mayor Jed Patrick mabilog na ilagay sa half mast ang bandila sa mga nabanggit na petsa
Binigyang diin ni Mabilog na nagbigay ng karangalan si Santiago sa mga ilonggo sa pamamagitan nang pagsisilbi sa tatlong sangay ng gobyerno
Si Santiago ay nagsilbing Quezon City RTC Judge, Immigration Commissioner at Kalihim ng Department of Agrarian Reform at naging Senador
Samantala inalala naman ng pamunuan ng Iloilo National High School ang mga naging tulong ng dating Senador sa kaniyang alma mater na patuloy na nagbubunyi sa karangalang ibinigay nito sa paaralan
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang buong UP Visayas community sa pamilya ni Santiago
Ang dating Senador ay nagtapos bilang top honor student sa mga naturang institusyon
By: Judith Larino