Nagpositibo sa COVID-19 si dating Senador Leila de Lima.
Ito ang kinumpirma mismo ni de Lima sa ipinadalang statement sa Senate Media.
Sinabi ni de Lima na kahapon nagpositibo siya sa antigen at RT-PCR tests.
Ipinaliwanag ng senador na matapos ang pagdalo niya sa kanyang mga pagdinig ay nakaramdam na siya ng pananakit ng katawan, lagnat, makating lalamunan, ubo at sipon.
Dahil dito, agad na siyang nagpasuri at saka nag-isolate at saka umiinom ng gamot na inireseta sa kanya ng kanyang doktor at sinasabayan niya ng dasal at pagbabasa ng nobela.
Pinayuhan din ng dating mambabataas ang lahat ng kanyang nakasalamuha noong November 4 hearing kasama na ang kanyang mga abogado, staff, prosecutors at mga court personnel gayundin ang kanyang PNP security escorts na mag-self monitoring.