Natanggap na ng Philippine Air Force (PAF) ang dalawang cobra attack helicopters mula sa pamahalaan ng Jordan.
Ayon kay National Defense Spokesperson Arsenio Andolong, malaki ang maitutulong ng nabanggit na mga helicopter para mapaigting pa ang kapasidad ng Philippine Air Force at mga sundalo sa ground.
Gagamitin aniya ang mga nabanggit na helicopter bilang air support sa mga operasyon ng militar para sa pagpapanatili ng seguridad sa bansa gayundin sa paglaban sa terorismo.
Samantala, tiniyak naman ni Andolong na apat na piloto ng Philippine Air Force ang sumailalim sa training para i-operate ang dalawang cobra helicopters kung saan dalawa ang maaaring maging instructor pilots.