Mariing tinutulan ng ECOP o Employers Confederation of the Philippines sa nakaambang taas-singil sa buwanang kontribusyon sa SSS o Social Security System.
Ayon kay ECOP President Donald Dee, hindi makatwirang itaas ang monthly contribution ng isang manggagawa para lamang tumaas ang makukuha nitong pension balang araw.
Nauna rito, sinabi ng SSS na posibleng ipatupad na sa susunod na taon ang 1.5% increase sa contribution rate.
Samantala hindi rin sang-ayon dito ang dating mambabatas at ngayo’y presidente ng NUPL o National Union of People’s Lawyers na si Atty. Neri Colmenares.
Giit ni Colmenares, dagdag pasakit lamang ito sa mga miyembro at nasa 20 bilyong piso lamang ang maidadagdag nito sa kita ng SSS.
Ayon sa SSS, ang ipatutupad na increase sa monthly contrubution ay dahil sa umiksi na fund life ng ahensya makaraang iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas sa P2,000 ang pensyon ng ilang SSS members.
—-