Malaki na umano ang pangangailangan para taasan ng Social Security System (SSS) ang buwanang kontribusyon para sa mga miyembro nito.
Iyan ang inihayag ni SSS President Emmanuel Dooc makaraang i-ulat nito ang pagbagsak ng kita ng SSS sa nakalipas na taon bunsod ng dagdag na 2,000 pisong pensyon para sa mga retirado.
Batay sa tala ng SSS, nasa 15 porsyento ang itinaas o aabot sa 2.5 Bilyong Piso ang kinita ng naturang pension fund nuong isang taon.
Pero inamin ni Dooc na mayruon pa silang 180 Bilyong Pisong mga gastusin kaya’t lumalabas na nasa 20.3 Bilyon lamang ang kabuuan nilang kinita.
Nangangahulugan ayon kay Dooc, aabot sa 170 Bilyong Piso ang kanilang naibigay na benepisyo ng SSS, kabilang na ang death, disability, maternity, retirement at sickness benefits para sa taong 2017.