Palalawakin pa ng Department of Agriculture ang tulong na ipamamahagi sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng Tropical Storm Crising at habagat.
Batay sa ilang ulat, umabot na sa 53 million pesos ang pinsalang dulot ng baha at pag-ulan sa Region 6 at Region 4-B na katumbas ng dalawang libong ektarya ng lupang sakahan.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Roger Navarro, kailangan na ang puspusang operasyon sa pamimigay ng tulong upang masolusyunan ang kinakaharap na suliranin ng mga magsasaka at mangingisda.
Kabilang sa mga inilubog ng baha ang ilang taniman ng palay, mais, at iba pang high-value crops.
Maliban dito, ayon sa D.A., malaki rin ang naging epekto ng bagyo sa mga poultry at livestock operation sa bansa.