Nangangamba ang isang grupo ng mga rice retailer sa plano ng Department of Agricluture na magbenta ng bente pesos kada kilo ng bigas sa mga pamilihan sa bansa.
Ayon kay Grains Retailers Confederation of the Philippines Spokesman Orly Manuntag, dapat maglabas muna ang D.A. ng malinaw na panuntunan kaugnay sa implementasyon ng nasabing programa upang maiwasan ang posibleng pananamantala.
Sa ngayon, nasa 35 pesos hanggang 45 pesos ang kada kilo ng imported rice habang nasa 48 pesos hanggang 50 pesos ang kada kilo ng imported rice.
Ibinabala ng grupo sa D.A. na kailangang maging maingat ang D.A. sa pagpapatupad ng “20 pesos kilo rice program” upang hindi ito mauwi sa hoarding, reselling, o iba pang uri ng pagsasamantala mula sa ilang indibidwal.