Ibinasura na ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamong cyber-libel na inihain ni dating Senador Antonio trillanes laban kay dating Presidential Spokesman Harry Roque.
Ayon sa QCPO, ito ay dahil sa kakulangan ng ibidensya para sa kaso.
Nagsimula ang usapin sa video na pi-nost ni Roque na nagsasabing nagkaroon ng lihim na pakikipag-ugnayan si Trillanes sa China kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.
Maaalalang sa kasagsagan ng Scarborough Shoal Standoff nuong 2012, tumayong Backdoor Negotiator sa China ang dating senador.
Kaugnay nitoy, magugunita rin ang prinisentang liham ni dating Senate President Juan Ponce Enrile mula sa nuon ay Philippine Ambassador to China Sonia Brady, na nag-aakusa kay Trillanes sa pagkokompromiso anya nito sa national security na dapat sana ay nasa hurisdiksyon ng Ambassador.—sa panulat ni Mark Terrence Molave