Aabot sa 182 COVID-19 patients ang nasawi sa Cebu sa unang 29 na araw ng taon.
Ayon kay Dr. Mary Jean Loreche, Chief Pathologist of the Department of Health Central Visayas, 75% ng mga pasyenteng nasawi ay hindi pa nababakunahan laban sa virus.
Gayunman, sinabi nito na ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa bilang ng mga nasawi nang magkaroon ng surge dahil sa COVID-19 Delta variant noong August 2021.
Hinimok naman ni Loreche ang publiko na huwag maliitin ang Omicron variant dahil mas nakakahawa ito kaysa sa Delta variant.