Sinalag ni Congresswoman-elect Leila De Lima ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na nais nitong makakita ng “bloodbath” sa paparating niyang impeachment trial.
Ayon kay Cong. De Lima, na dapat ikunsidera ni Duterte ang kanyang papalapit na impeachment trial bilang isang seryosong usapin.
Sa mga ganitong “toxic rhetoric” at “karahasan” eksperto ang mga Duterte.
Ipinunto ng ML Partylist Representative na sa isang impeachment trial, na ang tanging lilitisin ay ang taong ini-impeach kaya’t imposibleng maging madugo ito at kung magkakaroon man ng “bloodbath” ay tanging ang dugo ng inuusig ang daranak hindi ng senators-judges o ng administrasyon at taumbayan.
Tiniyak din ni De Lima na isasagawa ang impeachment proceedings nang patas, nasa ligal na pamamaraan at walang drama.