Nagbabala ang Commission on Elections na kakasuhan ang mga kandidatong masasangkot sa premature campaigning sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gaganapin sa Disyembre 1.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, itinuturing nang opisyal na kandidato ang sinumang maghahain ng certificate of candidacy mula Oktubre 1 hanggang 7, kaya’t sakop na sila ng mga regulasyon kaugnay sa pangangampanya.
Ipinaalala rin ng ahensya na ang opisyal na campaign period ay mula 20 hanggang 29 lamang ng Nobyembre.
Siniguro naman ng poll body na mahigpit nilang babantayan ang pagsunod sa mga patakarang ito upang matiyak ang patas at maayos na halalan.
—sa panulat ni Jasper Barleta