Binigyang-diin ni Senate Committee on Basic Education Chairman Bam Aquino ang koneksyon ng Department of Public Works and Highways sa kasalukuyang kakulangan ng classroom sa mga paaralan sa bansa.
Ayon kay Senador Aquino, taong 2018 lamang nagsimulang lumubo ang classroom shortage, kasabay ng panahong inilipat sa DPWH ang pamamahala sa pagpapatayo ng mga silid-aralan.
Dahil dito, inihain ng senador ang panukalang Classroom Acceleration Program kung saan tinatanggal sa Public Works Department ang paggawa ng mga classroom at direkta itong ipapasa sa mga local government unit at non-government agencies na may magagandang track record.
Iginiit din ni Senador Aquino na tapyasan at ilaan na lamang ang budget sa mga flood control project sa mga lugar na talagang may pagbaha at ilipat ang ibang bahagi ng budget para sa mga programa na makakatulong sa education sector.




