Tuloy-tuloy ang paghakot ng gintong medalya ng Pilipinas sa ginaganap na 30th South East Asian (SEA) Games ngayong araw.
Ito ay matapos masungkit ng atletang si Christine Hallasgo ang gold medal sa women’s marathon event sa New Clark City Athletics Stadium.
Si Hallasgo ay maituturing na surprise winner makaraang matalo sa nasabing palaro ang kapwa Pilipino na si Mary Joy Tabal, ang kauna-unahang female marathon Olympian ng Pilipinas, na siyang nag-uwi naman silver medal.
Narating ni Hallasgo ang finish line sa loob ng dalawang oras 56:56 habang natapos ni Tabal ang marathon sa loob ng dalawang oras 58:49.