Aminado si Senador Francis Escudero na excited na siya na makausap ang Pangulong Noynoy Aquino na isa rin niyang kaibigan.
Gayunman, sinabi ni Escudero na wala pa siyang ideya kung ano ang sasabihin sa kanya ng Pangulong Aquino sa kanilang naka-iskedyul na pag-uusap.
Inaasahan na may kaugnayan sa 2016 elections ang magiging paksa ng pag-uusap ng dalawa na nakatakda sa susunod na linggo.
Sinasabing ito ay bahagi ng proseso sa paghahanap ng mga kandidatong maaaring sumali sa Liberal Party.
Hindi naman nagbigay ang Pangulong Aquino ng anumang dagdag na impormasyon kung ano ang pag-uusapan nila ni Escudero.
Ayon sa Presidente, saka na lamang niya ihahayag kung sino ang i-eendorso sa sandaling matapos ang lahat ng proseso tulad ng pakikipagpulong sa mga potensiyal na susuportahan ng Liberal Party.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)