Nagtakda ng dalawang araw na National Days of Prayer ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.
Hinimok ang mga diocese na ipagdasal ang mga komunidad sa Disyembre 25 at 26 para sa agarang recovery ng mga ito.
Bukod dito, magsasagawa rin ang mga dioceses ng second collection sa lahat ng mga misa sa araw ng Pasko at sa susunod na araw upang makapagbigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.
Ayon kay CBCP President Bishop Pablo Virgilio David ng kalookan, ang “Alay Kapwa Solidarity Fund” ay gagamitin bilang collective emergency response ng simbahan.
Hinimok rin ang lahat na mag-remit ng mga koleksyon sa Caritas Philippines na siyang mamamahala sa overall response.
Sinabi ng National Caritas na nasa sampung dioceses sa Visayas at Mindanao ang naapektuhan ng bagyo.