Dismayado ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito, ayon kay CBCP Episcopal Commission on Public Affairs Executive Secretary Rev. Fr. Jerome Secillano, ay dahil hindi nila napakinggan sa SONA ang hinihintay na hakbang na gagawin ng Pangulo laban sa talamak na online gambling.
Giit ni Father Secillano, hindi dapat balewalain ang naturang isyu lalo na’t maraming kabataan ang nalululong dito at maraming pamilya rin ang nasisira.
Magugunitang makailang ulit nang nanawagan ang CBCP sa gobyerno para labanan ang mga iligal na sugal dahil sa negatibong epekto nito sa mga Pilipino.
—Sa panulat ni Mark Terrence Molave