Suportado ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano si Senate Commitee on Local Government Chairman Bongbong Marcos na walang mai-etsapuwera o maiiwang stakeholder sa ipapasa nilang bersyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Sinabi ni Cayetano na dapat ayusin kung paano magiging sistema ng eleksyon o pagpili ng mga mamumuno sa bubuuing Bangsamoro Region.
Magugunitang nagkasa ng magkahiwalay na pagdinig si Marcos para sa Moro National Liberation Front o MNLF at sa Sultanate of Sulu para dinggin ang kanilang mga opinyon at suwestyon sa nasabing usapin.
Ito ang dahilan ayon kay Marcos kaya siya nagpapatawag ng mga pagdinig para mapakinggan ang bawat panig upang maging katanggap-tanggap ang ipapasang BBL ng kongreso.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)