Posibleng hindi makaupo bilang mayor ng Malay, Aklan si reelected Mayor Cicero Cawaling, ang alkalde ng bayan na nakakasakop sa Boracay island.
Ayon kay Undersecretary Epimaco Densing ng Department of Interior and Local Government (DILG), pinagbawalan nang manungkulan sa kahit anong posisyon sa pamahalaan si Cawaling nang sibakin sya ng ombudsman sa puwesto nuong panahon ng kampanya para sa eleksyon.
Posible aniyang walang naghain ng disqualification case laban kay Cawaling nang muli itong tumakbo sa eleksyon kayat hindi nalaman ng Comelec ang hinggil sa kanyang perpetual disqualification.
Si Cawaling ay sinibak ng Ombudsman dahil sa kapabayaan na nagresulta sa pagkasira ng Boracay island.
“Pero baka hindi rin siya maka-assume proclaim winner baka hindi namin siya i-recognize dahil nga doon sa perpetua disqualification order ng Ombudsman. Baka ang system po o manumpa as OIC mayor ay vice mayor usaping legal po ito so ang tingin ko kailangan makakuha ng restraining order.” Pahayag ni Usec. Densing.