Category
SPORTS
Naungusan na ni Lebron James si Michael Jordan bilang All – Time Playoff Scoring Leader.
Kasunod ito ng three (3) pointer sa ikatlong quarter ng Game 5 ng Eastern Conference Finals, dahilan para magkaroon na siya ng 29 points para sa laro, at kabuuang 5, 989 points para sa kanyang post season career.
Ang naturang puntos ay bahagyang mas mataas lamang sa 5, 987 points ni Jordan.
Nakuha ni James ang unang puwesto sa Playoff Scoring List sa kanyang ika – 212 na laro, habang ang naunang record ni Jordan ay kanyang nagawa sa kanyang ika – 179 na laban.
By Katrina Valle
Michael Jordan naungusan ni Lebron James bilang All Time Playoff Scoring Leader was last modified: May 26th, 2017 by DWIZ 882
Pasok na sa ikatlong sunod na NBA Finals ang defending champion Cleveland Cavaliers.
Ito ay makaraang ilampaso ng Cavs ang kalabang Boston Celtics sa game 5 ng Eastern Conference Finals.
Pinatunayan ng Cavs na sila ang team to beat nang tapusin nito ang pag-asa ng Celtics sa iskor na 135-102.
Nanguna sa tagumpay ng Cavs si Lebron James na sumalaksak ng tatlumpu’t limang (35) puntos.
Dahil dito makakaharap din ng Cavs sa finals sa ikatlong pagkakataon ang Golden State Warriors.
By Ralph Obina
Cavs lusot na sa ikatlong sunod na NBA Finals was last modified: May 26th, 2017 by DWIZ 882
Tiwala si World’s Number 1 Andy Murray na makakabangon ang career sa paglahok sa French Open na magsisimula sa Lunes.
Magugunitang November 2016 nang tanghaling kauna-unahang British player na naging World’s Number 1 si Murray.
Si Murray din ang unang player sa Wimbledon Champion na nagkamit ng grandslam matapos ibulsa ang ATP World Tour Finals, men’s singles sa Olympic Games at Masters 1000 title sa loob lamang ng isang taon.
Tinapos ni Murray ang 2016 sa pamamagitan ng dalawampu’t apat (24) na sunud-sunod na panalo.
Gayunman, minalas si Murray sa pagsisimula ng taong 2017 matapos maagang ma-etsapuwersa sa Indian Wells, Monte Carlo, Barcelona at Madrid.
By Judith Larino
Andy Murray positibo sa paglahok sa French Open was last modified: May 26th, 2017 by DWIZ 882
Tuluyan na ngang lulusawin ng Miami Heat ang kanilang Big Three.
Ito ay dahil sa nakahanda na nilang bitawan ang natitira sa kanilang big three na si Chris Bosh.
Matatandaang simula Pebrero ng 2016 ay hindi na nakapaglaro pa si Bosh dahil sa blood clots nito sa binti.
Kasalukuyang nire-review ng mga abogado at agents ng Heat at ni Bosh ang terms ng separation agreement bago ito lagdaan.
Nakasaad sa naturang kasunduan na matatanggap pa rin ni Bosh ang natitirang 25.3 million dollars na sahod nito para sa 2017 hanggang 2018 at 26.8 million dollars na sweldo para sa 2018 hanggang 2019.
Magugunitang kasama sa big three noon ni Bosh sina Lebron James na nasa Cleveland Cavaliers na ngayon at Dwyane Wade na nasa koponan na ngayon ng Chicago Bulls.
Sa pamamagitan ng big three ay napasakamay noon ng Heat ang back to back championship sa NBA.
By Ralph Obina
Chris Bosh bibitawan na ng Miami Heat was last modified: May 25th, 2017 by DWIZ 882
Plano ni hall of famer coach Freddie Roach na magpatupad ng pagbabago sa training ni 8-division world champion Manny Pacquiao.
Ayon kay Roach, kung posible ay nais niyang paagahin ang biyahe ng team Pacquiao patungong Australia upang doon isagawa ang mas matinding training ng Pambansang Kamao.
Kalimitan kasing dalawang linggo bago ang laban ang lipad ng Team Pacquiao sa bansang pagdarausan ng bakbakan.
Samantala, nangangarap pa rin si Roach na bumalik ang gana ni Pacquiao at pabagsakin nito sa laban ang Australian boxer na si Jeff Horn.
Aminado naman si Roach na imposible itong mangyari.
Matatandaang 2009 pa ng huling makapagpahalik ng lona si Pacquiao nang i-knocked out nito si Puerto Rican boxer Miguel Cotto.
By Ralph Obina
Pagbabago sa training ni Pacquiao posibleng ipatupad was last modified: May 25th, 2017 by DWIZ 882
Isang hakbang na lamang ang defending champion Cleveland Cavaliers sa kanilang pagbabalik sa NBA Finals.
Hawak na ng Cleveland ang 3-1 lead kontra Boston Celtics sa kanilang best of seven series sa Eastern Conference finals.
Inilampaso ng Cavaliers sa kanilang homecourt ang Boston sa score na 112-99.
Hindi pinalampas ni Kyrie Irving ang pagkakataon upang sumalaksak ng season-high 42 points habang umarangkada sa opensa at depensa si Lebron James na nagpakawala ng 34 points para sa Cavs.
Muling maghaharap ang dalawang koponan para sa do-or-die game 5 sa homecourt naman ng Celtics sa Biyernes.
By Drew Nacino
Cavs isang hakbang na lang para umabanse sa NBA Finals was last modified: May 24th, 2017 by DWIZ 882
Target ng Baguio City na makapag-host ng 2018 Palarong Pambansa.
Dahil dito tiwala si Baguio City Mayor Mauricio Domogan na mananalo ang lungsod sa bidding para mag-host ng Palarong Pambansa sa susunod na taon katuwang na rin aniya ang lalawigan ng Benguet.
Tiniyak ni Domogan ang sapat na pasilidad ng Baguio City at Benguet na uubrang gamitin ng mga atletang lalahok sa Palarong Pambansa.
Una nang naki-bid ang City of Pines para sa Palaro noong 1995 subalit natalo ito sa General Santos City.
By Judith Larino
Photo Credit: Janella Dihniezze Rebrendon / Facebook
Baguio City target maging host ng 2018 Palarong Pambansa was last modified: May 24th, 2017 by DWIZ 882
Nagsimula na ang mabigat na training ni eight division world champion Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito sa Hulyo sa Australian boxer na si Jeff Horn.
Ito ay kasunod ng pagdating sa bansa ng Hall of Famer coach ni Pacquiao na si Freddie Roach.
Inaasahang sa mga susunod na araw ay darating naman na ang dalawang sparring mate ng pambansang kamao. Ayon kay Roach, kailangan maibalik ni Pacquiao ang bilis nito dahil sa delikado aniyang kalaban si Horn.
By Ralph Obina
Pacman todo ensayo na para sa kanilang laban ni Jeff Horn sa Hulyo was last modified: May 23rd, 2017 by DWIZ 882
Nakabawi ng Boston Celtics sa Eastern Conference Finals ng NBA kontra defending champion Cleveland Cavaliers.
Nalusutan ng Boston ang Cleveland sa score na 111-108 sa Game 3 ng Best of Seven Series sa mismong homecourt ng Cavaliers sa Quicken Loans Arena sa Ohio.
Sa first half ng laro ay liyamado ang Cavs ng double-digit score hanggang mapaliit ang kalamangan sa one-digit score sa 2nd half.
Hindi pinalampas ni Avery Bradley ang pagkakataon sa huling 30 seconds ng 4th Quarter na magpakawala ng tres upang makahabol ang Celtics na ikinabigla naman ng Cavaliers.
Sumalaksak ng 20 points si Bradley para sa Boston habang nag-ambag ng 27 points ang kanyang teammate na si Marcus Smart upang isalba ang koponan.
Nakapako na sa 2-1 ang serye pabor sa Cleveland na muling makakaharap ng Boston sa balwarte pa rin ng defending champs sa Ohio, sa Biyernes para sa Game 4.
By Drew Nacino
Celtics nakabawi sa NBA Eastern Conference Finals vs Cavs was last modified: May 22nd, 2017 by DWIZ 882