Category
SPORTS
Muling nagtagumpay ang Golden State Warriors sa Game 2 ng bakbakan nila ng Cleveland Cavaliers para sa NBA Finals.
Umiskor ng 33 points at 13 rebounds si Kevin Durant samantalang nagdagdag ng 32 points, 10 rebounds at 11 assists si Stephen Curry para mapataob ang Cavaliers sa final score na 132-113.
Dinomina ng Warriors ang laro sa second half ng bakbakan.
Pinangunahan naman ni Lebron James ang Cavaliers sa ginawang 29 points, 11 rebounds at 14 assists.
Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Warriors para maitatak sa kasaysayan bilang kauna-unahang NBA Champion na nakakumpleto sa walang talong playoff run.
Itinakda ang Game 3 ng bakbakang Warriors at Cavaliers sa Miyerkules at Game 4 naman sa Biyernes.
By Judith Larino
Warriors hawak na ang 2-0 lead vs. Cavs sa serye ng NBA Finals was last modified: June 5th, 2017 by DWIZ 882
Determinado ang Cleveland Cavaliers na rumesbak sa Golden State Warriors sa Game 2 ng 2017 NBA Finals, mamaya.
Aminado si Cavaliers Coach Tyronn Lue na bagaman may homecourt advantage ang Golden State, naniniwala siyang ilalabas ng kanyang mga player lalo ng kanilang team captain na si Lebron James ang isandaang porsyento nila sa game.
Batid naman anyang nananalo ang team kahit nasa balwarte ng kalaban sa mga nakalipas na playoff season maging sa final series.
Ayon kay Lue, nakikita niya kay Lebron ang determinasyon ng isang mahusay na player lalo’t nasubukan na ito sa mga “crucial game” ng NBA Finals.
Tatangkain ng defending champion Cavs mamaya na itabla sa 1-1 ang kartada sa kanilang pagharap sa mortal na kalabang Warriors.
By Drew Nacino
Cavs pursigidong rumesbak sa Warriors was last modified: June 5th, 2017 by DWIZ 882
Manny Pacquiao posibleng magretiro na sa boksing pagkatapos ng laban nito kay Jeff Horn
written by DWIZ 882
Ibinabala ni Jeff Horn na maaari umanong magretiro na si Manny Pacquiao pagkatapos ng kanilang laban sa susunod na buwan.
Itataya ng Pambansang Kamao ang kanyang Welterweight Title sa bakbakan nila sa ring sa Brisbane, Australia sa Hulyo 2.
Ayon kay Horn, iginagalang niya si Pacquiao bilang sa mga kinatatakutang boksingero sa mundo at natutuwa siyang pinaghahandaan siya nang husto ng Pinoy Ring Icon.
Gayunman, giit ng Australian boxer, posibleng magdalawang-isip nang sumampa pang muli ng ring si Pacquiao pagkatapos ng kanilang laban.
By Jelbert Perdez
Manny Pacquiao posibleng magretiro na sa boksing pagkatapos ng laban nito kay Jeff Horn was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882
Walang plano ang Cleveland Cavaliers na baguhin ang kanilang line-up para sa Game 2 ng NBA finals.
Ito’y matapos silang tambakan ng 22 puntos ng Golden States Warriors sa Game 1 noong Biyernes sa iskor na 113-91.
Ayon kay Cavaliers Coach Tyronn Lue, dapat nilang tutukan ngayon ang kanilang depensa at pag-atake.
Kumpyansa si Lue na mas magiging mahusay ang kanilang laro sa Game 2 ng NBA finals sa Lunes.
By Jonathan Andal
Cavs walang planong baguhin ang line-up sa Game 2 ng NBA Finals was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882
Nangako si Cleveland Cavaliers star player Lebron James na kanilang pipigilan ang pag-arangkada ni Golden State Warriors star Kevin Durant sa Game 2 ng NBA Finals.
Bagama’t dalawang beses nang nagharap ang Cavs at Warriors, aminado si Lebron na tila nadaragdagan pa ang puwersa at lakas ng Warriors sa pangunguna ni Kevin.
Tatlumpu’t walong (38) puntos ang naibuslo ni Durant habang walo (8) ang nagawa nitong assist sa Game 1 na naglampaso sa Cavs sa iskor na 113-91.
Muling maghaharap ang Cavs at ang Warriors sa Game 2 sa Lunes, Hunyo 5, oras dito sa Pilipinas.
By Jaymark Dagala
Game 2 ng NBA Finals inaabangan na was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882
Nananatili sa unang puwesto ang koponang Barangay Ginebra sa PBA Commissioner’s Cup.
Ito’y makaaang ilampaso ng Gin Kings ang koponang Mahindra Flood Buster kahapon sa iskor na 94-80.
Umangat sa nasabing laban sina Justine Brownlee na nakapagbuslo ng dalawampu’t dalawang (22) puntos, labing apat (14) naman kay Japeth Aguilar habang labing tatlong (13) puntos naman ang naibuslo ni Mark Cagiuoa.
Dahil dito, sunod na haharapin ng Gin Kings ang sinumang mananalo sa pagitan ng Alaska at GlobalPort na siyang makasusungkit ng ika-walong puwesto.
By Jaymark Dagala
Photo: PBA Media Bureau
PBA Cup: Gin Kings hindi natinag sa unang puwesto was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882
Pinayuko ng Golden state Warriors ang defending champion na Cleveland Cavaliers sa Game 1 ng NBA Finals.
Hindi nakaporma ang Cavs sa Warriors na hawak ang malaking kalamangan sa simula pa lamang.
Tinapos ng Warriors ang Game 1 sa iskor na 113 – 91.
Nanguna sa panalo ng Warriors si Kevin Durant na kumamada ng tatlumpu’t walong (38) puntos, walong (8) rebounds at walong (8) assists.
Samantala, hindi naman sumapat ang dalawampu’t walong (28) puntos ni Lebron James para iangat ang kanilang koponan.
By Ralph Obina
Warriors wagi kontra Cavs sa Game 1 ng NBA Finals was last modified: June 2nd, 2017 by DWIZ 882
Nananatili ang pag-asa ng Pilipinas na mag-host sa 2023 FIBA World Cup.
Ang Pilipinas kasama ang Japan at Indonesia ay bahagi ng joint bid na interesadong mag-host sa World Cup.
Makakalaban din ng Pilipinas ang ilan bansa sa Europe tulad ng Russia at Turkey na nagsumite ng single host bids habang ang Argentina at Uruguay ay nagsumite ng joint hosting application.
Sinabi ng FIBA Central Board na umaasa silang maraming mga bansa pa ang tiyak na magsusumite dahil hanggang sa Agosto pa matatapos ang deadline nang pagpasa sa mga interesado sa hosting.
Magugunitang nakuha ng china ang 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa walong (8) lungsod ng bansa at dadaluhan ng tatlumpu’t dalawang (32) mga bansa para sa award.
By Judith Larino
Pilipinas nag-bid para mag-host ng 2023 FIBA World Cup was last modified: June 2nd, 2017 by DWIZ 882
Ikinadismaya ni NBA Superstar Lebron James ang nangyaring racial vandalization sa kanyang tahanan sa Los Angeles.
Ayon kay James, ipinapakita lamang nito na ang racism ay isang malaking parte na ng Amerika at ang aniyang pagkamuhi sa mga African-American ay nananatili pa rin.
Gayunman nagpapasalamat pa rin si Lebron na walang nangyari sa kanyang pamilya at nasa mabuting kalagayan ang mga ito.
Umaasa rin si James na darating ang araw na hindi na mahihirapan ang mga Black American na mamuhay sa US.
Sa kasalukuyan ay nasa Oakland ang NBA Superstar bilang paghahanda Game 1 ng kanyang koponang Cleveland Cavaliers laban sa Golden State ng NBA Finals.
By Krista De Dios
Lebron James dismayado sa racial vandalization sa kanyang bahay was last modified: June 1st, 2017 by DWIZ 882