Category
SPORTS
Positibo ang Filipino-Australian golfer na si Jayson Day sa pagsabak nito sa British Open.
Ito ay kahit pa hindi na siya nakapag-ensayo at late nang dumating sa Royal Birkdale dahil sa mga na-delay na flight sa New York.
Lumalabas na na-delay ang maraming flight sa New York dahil sa pagbisita ni US President Trump sa US Women’s Open.
Ayon kay Day hindi ito ang unang pagkakataon na na-delay ang kanyang laban dahil sa Presidente.
By Ralph Obina
Jason Day positibo sa pagsabak sa British Open was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882
Naglaro, nagpursige subalit nabigo pa rin.
Ito ganito ang naging kapalaran ng Gilas Pilipinas sa pagsagupa sa tropa ng South Korea sa pagpapatuloy ng William Jones Cup basketball tournament sa Taiwan.
Tinangka pang humabol ng Gilas subalit sadyang pinalakas ng Korea ang grupo nito kayat naitala sa 83-72 ang final score.
Dahil sa nasabing pagkatalo, rumehistro sa 3-2 win loss record ang Gilas Pilipinas sa 10 team tournament.
By Judith Larino
Jones Cup: Gilas Pilipinas bigo sa tropa ng South Korea was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882
Ipagpapaliban muna ni four-time NBA Champion Manu Ginobili ang plano nitong pagreretiro sa koponan ng San Antonio Spurs.
Ayon sa sources, hihirit pa ng isang taon si Ginobili bago ito tuluyang tumigil sa professional basketball.
Ang NBA All-Star Guard mula sa Argentina na si Ginobili ay isa sa mga most accomplished players sa international basketball kung saan ay nakapanalo ito ng Olympic gold medal at naging MVP din sa Euro league.
Noong nakaraang season, si Ginobili ay may labing apat na milyong dolyar na kontrata sa Spurs sa kabila ng career low nitong 7.5 points sa loob ng labing siyam na minuto sa animnaput siyam na laro ng koponan noong nakaraang season.
- Ralph Obina
Four-time NBA Champion Manu Ginobili hindi pa magre-retiro sa Spurs was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882
Tiniyak ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na gagawin nila ang lahat ng makakaya para talunin mamayang hapon ang wala pang talong South Korea sa nagpapatuloy na 39th Jones Cup sa Taipei.
Ayon kay Reyes, matapos ang panalo ng Gilas kahapon kontra Japan ay agad aniyang namahinga ang kanyang mga players bilang paghahanda sa pagsabak sa matinding laban ngayong araw.
Kasalukuyang hawak ng Gilas ang 3 wins at 1 loss record habang taglay ng Korea ang malinis na kartada.
By Ralph Obina
Gilas desididong mantsahan ang wala pang talong SoKor sa Jones Cup was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882
Sinimulan na ng Philippine Women’s Volleyball Team ang kanilang labing pitong araw na training sa Japan.
Nakalaban ng mga manlalarong Pinay sa pangunguna nina Alyssa Valdez, Mika Reyes, Aby Maraño at iba pa ang Japanese Club Team na Okayama Seagulls.
Una rito, mismong ang coach ng Japan ang sumalubong sa volleyball team ng Pilipinas bago simulan ang totoong training ng mga ito.
Nag-courtesy call din muna ang grupo sa Mayor ng Okayama City sa pamamagitan nina Reyes, Valdez at team leader ng mga ito na si Cielo Suzara.
- Ralph Obina
PH Women’s Volleyball Team nasa Japan na para sa kanilang training was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882
Umangat sa ATP ranking si Swiss tennis star Roger Federer matapos ang panalo nito sa Wimbledon Open.
Mula sa 8th rank, umalagwa si Federer sa ikatlong puwesto.
Samantala, hindi pa rin natitinag si top spot si Andy Murray habang nasa ikalawang puwesto naman si Rafael Nadal na nasibak sa ika-apat na round ng Wimbledon.
Samantala, pasok din sa top five si Novak Djokovic na nasa ika-apat na puwesto na sinundan naman ni Stan Wawrinka.
By Ralph Obina
Roger Federer umangat sa ATP ranking was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882
Muling nanalo ang Gilas Pilipinas kontra sa team ng Chinese Taipei.
Matapos manalo sa team A, nakaharap naman ng Gilas ang team ng Chinese Taipei sa nagpapatuloy na Jones Cup sa Taiwan.
Nabatid na unang lumamang ang Chinese Taipei sa unang quarter subalit gumanti sa second qaurter sina Kiefer Ravena at Mike Myers kayat Gilas na ang lumamang subalit naging dikitan ang laban.
Dumating pa sa puntong naging emosyonal ang mga players kabilang si Matthew Wright na nagkaroon ng tensyon sa isang manlalaro ng Team B.
Sa huli, hindi naligalig ang Gilas at naitala ang 93 points kontra sa 82 points ng Chinese Taipei Team B.
By Judith Larino
Jones Cup: Gilas muling nagtagumpay vs. Chinese Taipei Team B was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882
Hindi pinaporma ng Gilas Pilipinas ang team ng Chinese Taipei sa kanilang paghaharap sa William Jones Cup Basketball Tournament kagabi.
Nadomina ng Gilas Pilipinas ang kabuuan ng laro dahil sa matinding performance ni Matthew Wright bagamat nahirapan dahil sa pagbawi ng Chinese Taipei sa fourth quarter.
Dinagdagan pa ni Kiefer Ravena ang lamang ng Gilas nang maka-three point shot na nagbigay sa Gilas ng 80-69 advantage sa tatlong minuto at labing limang segundo na lamang bago matapos ang laro.
Naitala sa 88-72 ang final score ng nasabing bakbakan.
Una nang napaluhod sa team ng Canada ang Gilas noong Sabado.
Makakaharap naman ng Gilas ngayong araw na ito ang B team ng Chinese Taipei.
By Judith Larino
Gilas Pilipinas nakabawi sa William Jones Cup was last modified: July 17th, 2017 by DWIZ 882
Nagpapahiwatig na si Kiefer Ravena sa pagsali sa PBA Draft ngayong Oktubre.
Ayon kay Ravena, ang kailangan na lang niyang gawin ngayon ay ang maisumite ang kanyang aplikasyon para sa PBA Draft.
Kailngan lang muna anya niyang ipabatid ang kanyang desisyon sa ilang piling tao.
Pabiro pa nitong tinanong kung kailan ang deadline ng aplikasyon sa draft.
Sakaling ituloy ni Ravena ang planong pagsali sa PBA Draft, isa sya sa inaashaang pag-aagawan ng mga koponan sa PBA.
Sa ngayon, nakatutok si Ravena sa laban ng kanyang team na Gilas Pilipinas sa Jones Cup sa Taiwan.
- Jonathan Andal
Kiefer Ravena nagpapahiwatig na sa pagsali sa PBA Draft was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882



