Category
SPORTS
Napasakamay ng GlobalPort Batang Pier ang unang panalo kontra Phoenix Fuel Masters sa Oppo PBA Governor’s Cup matapos maitala sa 100-91 ang final score.
Pinangunahan ng bagong Batang Pier import na si Murphy Holloway ang panalo ng koponan matapos gumawa ng 29 points at 26 rebounds.
Gumawa naman ng 21 points si Terrence Romeo na nagbigay ng kartadang 1-1 sa GlobalPort.
Magmula pa lamang sa unang quarter ay hawak na ng Batang Pier ang kalamangan na umabot pa ng 30 points hanggang mahabol ng Phoenix.
By Judith Larino
Photo Credit: PBA Media Bureau
GlobalPort wagi kontra Phoenix Fuel Masters was last modified: July 27th, 2017 by DWIZ 882
Posibleng hindi makapaglaro sa US Open si Serbian tennis star Novak Djokovic dahil sa elbow injury nito.
Paliwanag ng kampo ni Djokovic, aabutin pa kasi ng hanggang labindalawang (12) linggo bago tuluyang makarekober ang injury nito.
Posible namang sa mga susunod na linggo ay pormal na ianunsyo ni Djokovic kung maglalaro ito o aatras sa US Open.
Ang US Open ay magsisimula sa Agosto 28.
Matatandaang 2011 at 2015 nang masungkit ni Djokovic ang kampeonato sa US Open.
By Ralph Obina
Novak Djokovic posibleng di makapaglaro sa US Open was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882
Ipinalabas na ni Gilas Head Coach Chot Reyes ang kumpletong listahan ng national pool na sasabak sa 2017 FIBA Asia Cup mula August 8 hanggang 20 sa Beirut, Lebanon.
Kabilang sa 12-man team sina Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Jayson Castro, Carl Bryan Cruz, June Mar Fajardo, Jio Jalalon, Gabe Norwood, RR Pogoy, Terrence Romeo, Christian Stanhardinger at Matthew Wright.
Ang nasabing listahan ay pormal nang isinumite sa pamunuan ng FIBA kung kailan itinakda kahapon ang deadline ng submission nito.
Ipinagtaka naman ng ilan ang hindi pagkakasama ni Andray Blatche sa nasabing listahan.
By Judith Larino
PH 12-man team na sasabak sa 2017 FIBA Asia Cup pinangalanan na was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882
Nagdesisyon na si New York Knicks point guard Derrick Rose na pumirma ng isang taong kontrata para sa Cleveland Cavaliers.
Ang dating MVP ay binigyan ng kontratang nagkakahalaga ng veterans minimum na 2.1 million pesos.
Gayunman, hindi pa malinaw sa kung ano ang magiging papel sa Cavs ni Rose ngunit posible umanong maging back-up ito para kay all-star Kyrie Irving na kamakailan lang ay humiling na mai-trade.
Kaugnay nito, ginanahan ng husto si Lebron James lalo’t mayroon na siyang makatutuwang sa susunod na NBA season upang bawiin ang kampeonato sa Golden State Warriors.
Si Rose ay may average na 18 points at 4.4 assists.
By Ralph Obina
Derrick Rose pumayag nang lumipat sa Cleveland Cavaliers was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882
Pinalitan ng Star Hotshots ang kanilang import matapos lamang ang isang laro sa pagsisimula ng 2017 PBA Governor’s Cup.
Ipinabatid ni Star Coach Chito Victolero na pinalitan ni Malcolm Hill ang kanilang import na si Cinmeon Bowers.
Sinabi ni Victolero na kuntento naman siya sa performance ni Bowers subalit kailangan aniya niyang mag-adjust ng kanyang sistema.
Ang 21-anyos namang si Hill ay naglaro ng apat na season sa Illinois subalit hindi nakasama sa draft ng 2017 NBA Draft.
Ang Star Hotshots ay ikalawang team sa PBA na nagpalit ng import na una nang ginawa ng Global Port.
By Judith Larino
Photo Credit: PBA Images
Star Hotshots nagpalit ng import was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882
Nasungkit ni Jordan Spieth ang kampeonato sa British Open.
Nakaligtas si Spieth mula sa roller coaster round kung saan tinalo nito ang kapwa American golfer na si Matt Kuchur sa pamamagitan ng tatlong strokes.
Nakapagrehistro si Spieth ng one under par final round na 69.
Ito na ang ikatlong major title na hawak ni Spieth.
By Ralph Obina
*USA Today Photo
Jordan Spieth kampeon sa British Open was last modified: July 24th, 2017 by DWIZ 882
Pasok na ang national basketball team na Gilas Pilipinas sa ika-apat na puwesto sa ika-39 na William Jones Cup.
Ito’y makaraang talunin ng Gilas ang bansang Iran sa iskor na 90 – 82 na siyang naglagay sa Pilipinas sa ika-anim nitong panalo.
Gayunman, una nang naiulat na hindi na makapapasok sa title bid ang Gilas sa Jones Cup makaraang matalo ito sa tatlong bansa tulad ng South Korea, Canada at Lithuania.
Magugunitang defending champion ang Pilipinas sa nasabing torneyo noong nakalipas na taon.
By Jaymark Dagala
Gilas nasungkit ang ika-apat na puwesto sa William Jones Cup was last modified: July 24th, 2017 by DWIZ 882
Hawak na ng Gilas Pilipinas ang kanilang ika-limang panalo sa nagpapatuloy na 39th William Jones Cup sa Taipei, Taiwan.
Sa ika-walong game, tinambakan ng Pilipinas ang India sa score na 101-70 sa kanilang paghaharap sa Taipei peace basketball hall, kahapon.
Pinangunahan ng 19 points ni Matthew Wright ang Philippine national basketball team.
Nasa ika-apat na pwesto na ang pilipinas sa kartadang 5-3 at kailangang talunin ang Iran mamaya sa final game upang masungkit ang 3rd spot.
Samantala, nangunguna pa rin ang team Canada 150 sa kartadang 7 wins at 1 loss.
By Drew Nacino
Gilas Pilipinas muling sumikwat ng panalo sa 2017 Jones Cup was last modified: July 23rd, 2017 by DWIZ 882
Target ngayon ng Cleveland Cavaliers na mapirata ang free agent guard na si Derrick Rose mula sa koponan ng New York Knicks.
Nais na makuha ng Cavs ang dating MVP na si Rose para mapalakas ang kanilang koponan bilang paghahanda sa pagbawi ng kampeonato mula sa Golden State Warriors.
Handang mag-alok ang Cleveland ng isang taong kontrata para sa minimum ni Rose na mayroong 21.3 million dollars salary sa Knicks noong nakaraang season.
Maliban sa Cavs, sinasabing interesado din ang Los Angeles Lakers na makuha si Rose.
By Ralph Obina
Derrick Rose target na mapirata ng Cleveland Cavaliers was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882



