Isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng isang tao ay ang mawalan ng mga magulang, kung kaya kadalasan ay all-out ang mga anak para sa pagbibigay respeto sa kanilang mga magulang hanggang sa maihatid ito sa kanilang huling hantungan. Pero ang lalaking ito sa japan, tila tinipid pa ang kaniyang ama at hindi man lang binigyan ng maayos na burol at libing.
Ang buong detalye ng ginawa ng lalaki, eto.
Nag-alala ang mga kapitbahay ng 56-anyos na si Nobuhiko Suzuki nang isang linggo nitong hindi binuksan ang kaniyang chinese restaurant sa Tokyo, Japan.
Dahil dito ay agad na inabisuhan ng mga ito ang mga pulis para kumustahin ang lalaki.
Pero sa halip na makumusta ang lagay ng nasabing lalaki, isang nakagigimbal na balita ang nadiskubre ng otoridad at yan ay ang mga nakatagong kalansay ng tatay nito sa isang cabinet.
Ayon mismo kay Suzuki, natagpuan niya na lang isang araw na wala nang buhay ang kaniyang noo’y 86-anyos na tatay noong January 2023.
Inamin niya rin mismo na ang dahilan para itago niya ang bangkay ng kaniyang tatay ay dahil sa malaking gagastusin kapag ipinalibing ito.
Dahil ayon sa survey ng isang local funeral service provider, aabutin ng 1.3 million yen o halos limandaang libong piso ang average funeral sa Japan.
Samantala, inaresto na si Suzuki at sumailalim sa imbestigasyon dahil sa umano’y pagnanakaw nito sa pension ng kaniyang tatay.
Ikaw, anong masasabi mo sa masalimuot na sinapit ng tatay na ito sa mga huling sandali niya sa mundo?