Home HEADLINES SPECIAL REPORTS

SPECIAL REPORTS

dengue vaccine

Maituturing ang mga taong 2013 hanggang 2017 na panahon kung kailan naitala ang mabilis na pagtaas ng kaso ng dengue sa Pilipinas at panahon na nagkaroon pa ng outbreak ng nasabing sakit.

Sa taong 2013 umabot sa 186,416 kaso ng dengue ang naitala sa buong bansa mula Enero hanggang Setyembre, bahagyang bumaba naman ngunit nanatili sa daang libong kaso noong 2014 na sumampa sa 113,485.

Taong 2015 naman nang maitala ang aabot sa 200,415 dengue cases sa buong bansa mula Enero hanggang Setyembre lamang.

Sumampa pa ito sa 220,518 dengue cases sa kaparehong panahon noong 2016 at umabot ng hanggang 97,287 naman ngayong 2017.

Mga nakakaalarmang pagtaas na tila naging dahilan upang maging masigasig o magkaroon ng ‘urgency’ ang gobyerno na tugunan ang lumalalang problema sa dengue.

Ayon sa World Health Organization o WHO, ang dengue ang itinuturing na ‘fastest growing mosquito-borne disease’ sa mundo kung saan umaabot sa halos 400 milyong katao ang tinatamaan ng nasabing sakit kada taon at kalat na rin ito sa 100 mga bansa partikular sa Asya, Latin America at Africa.

DENGUE CASES STATISTICS YEAR 2013-2017 (Philippines)

dengue 1

 

DENGUE DEATH STATISTICS 2013-2017 (Philippines) 

dengue 2

 

Dengvaxia

Disyembre 2015 nang maaprubahan at mabigyan ng lisensya ang kauna-unahang bakuna laban sa dengue sa buong mundo na gawa ng French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur…ang Dengvaxia.

Una itong nabigyan ng lisensya sa Mexico ngunit inilaan lamang sa mga lugar kung saan mataas ang naitatalang kaso ng dengue o ang tinatawag na endemic areas.

Abril 2016 naman nang ilunsad ang anti-dengue vaccine program sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng noo’y dating Health Secretary Janette Garin.

Binigyan ng libreng bakuna ang mga piling Grade 4 public school students na mula sa tatlong rehiyon sa bansa kung saan mataas ang dengue cases—ang Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.

Ang Pilipinas ang tanging bansa kung saan isinagawa ang ‘three phases’ ng clinical development ng nasabing bakuna at una rin sa buong mundo na nagpatupad ng dengue vaccine sa pamamagitan ng public health system immunization program at sa ilalim ng public school setting.

Ayon sa DOH, aabot sa 700,000 mga estudyante ang nakatanggap ng una sa tatlong dose ng bakuna na ginastusan ng aabot sa P3.5 billion pesos.

Kasabay nito ay ang kabi-kabila ring pagkuwestyon at panawagang imbestigasyon sa umano’y tila minadaling pagpapatupad ng dengue vaccine program sa kabila ng mga safety questions dito.

Taong 2016 nang imbitahan ng House of Representatives Committee on Health sa isang pagdinig si Garin dahil na rin sa ilang tanong at hiling na medical review ukol sa dengue vaccine.

Sa inilabas na position paper ng World Health Organization o WHO ukol sa dengvaxia noong Hulyo 2016 nakasaad na puwedeng ikunsidera ng mga bansa ang paggamit ng dengue vaccine ngunit tanging sa mga lugar lamang kung saan marami at malala ang mga naitatalang kaso ng dengue.

Inirerekomenda ang bakuna sa mga batang edad 9 pataas lamang, at ang pagbibigay ng tatlong dose ng gamot ay sa loob ng 6-month interval.

Hindi naman inirerekomenda ang dengvaxia sa mga batang may edad 2 hanggang limang taong gulang dahil na rin sa mataas na panganib ng posibleng pagkaka-ospital ng mga ito.

Binigyang diin ng WHO na ang paggamit ng dengue vaccine ay dapat bahagi ng isang komprehensibong stratehiya sa pagkontrol ng dengue, kabilang na ang masusing pag-monitor sa mga pasyenteng tinurukan nito, bagama’t wala pang malinaw na pag-aaral kaugnay sa impact nito sa pagkontrol ng dengue outbreak.

Nakasaad din sa posisyon ng WHO na nananatili ang pangangailangan sa karagdagang mga pag-aaral ukol sa bakuna at pag-implementa nito kung saan prayoridad ang posibleng mas maikling dosing schedule sa mga babakunahan at kung ligtas ba ang dengue vaccine sa mga buntis na ina.

Iginiit din ng WHO na kinakailangan ng mga research para i-monitor ang occurrence ng sakit sa mga taong nabakunahan na ng dengue vaccine.

Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga abisong inilabas ng WHO ukol sa dengue vaccine, Hulyo 2016, dalawang buwan matapos na ipatupad sa bansa ang school based immunization ng dengue vaccine, Abril 2016.

Sa pag-upo sa puwesto ni dating Health Secretary Paulyn Ubial noong nakaraang taon ay itinuloy ang pagbabakuna na pinalawak sa Cebu at iba pang karatig lugar, sa rekomendasyon na rin umano ng isang panel ng mga eksperto.

Matatandaang Disyembre 2016 nang kuwestyunin ni Ubial sa House of Representatives’ Health Committee hearing ang ‘timing’ sa pagpapatupad ng dengue vaccine program na ipinatupad ng noo’y Health Secretary Garin bago ang May 2016 Presidential Elections.

Ipinagtatataka rin noon ni Ubial kung bakit aabot sa 1 milyon ang mga batang babakunahan gayung nagsimula ito na ang target ay nasa 20,000-30,000 na mga bata lamang.

—–
Sources: WHO, DOH

 

 

 

December 6, 2017 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
world aids day
HIV at AIDS

Ang human immunodeficiency virus o mas kilala sa tawag na HIV ay isang klase ng virus na kumakalat sa dugo at umaatake at nagpapahina sa immune system ng isang tao.

Kapag tumagal at lumala ay kayang-kayang sirain ng HIV ang maraming cells sa katawan kung saan nahihirapan na itong protektahan ang sarili laban sa iba’t ibang mga sakit at impeksyon.

Partikular na inaatake ng virus ang CD4 cells o tinatawag din na T cells na bahagi ng ating immune system.

Walang cure o epektibong gamot laban sa HIV infection pero kung magkakaroon ng tamang medical care ay puwedeng ma-kontrol ang virus.

Ang antiretroviral therapy or ART ang ginagamit na treatment sa HIV.

Sa tamang pamamaraan at kung sasailaim sa ART araw-araw, ay napapahaba nito ang buhay ng mga pasyenteng may HIV, pinapanatili silang malusog at mas napapababa ang posibilidad na maikalat pa ang sakit.

Kung hindi naman maaagapan at magagamot, ang HIV virus ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng acquired immunodeficiency syndrome o ang tinatawag na AIDS.

Ang AIDS ay ang ‘most severe phase’ ng HIV infection.

Ang mga taong may AIDS ay bantad na sa iba’t ibang sakit o tinatawag na opportunistic infections katulad ng cancer dahil na rin sa napakahina nang immune system.

May tatlong stages ang HIV infection. Ito ay ang:

• acute HIV infection
• clinical latency
• AIDS (acquired immunodeficiency syndrome)

Sa acute HIV infection, posibleng magkaroon ng ‘flu-like symptoms’ o sintomas ng trangkaso ang isang pasyente sa loob ng 2-4 weeks matapos mahawa ng sakit kabilang na ang lagnat, sore throat, rashes, pananakit ng muscles at joints, at sakit ng ulo.

Sa clinical latency ito ang panahon kung saan ang virus ay nagde-develop o kumakalat sa katawan ng isang pasyente nang hindi nagpapakita ng anumang sintomas.

At ang pinakahuling stage ay ang AIDS na kung walang treatment o gamutan ay posibleng abutin na lang ng hanggang tatlong taon ang buhay ng pasyente.

MGA BAGONG KASO SA PILIPINAS

Lalo pang lumala ang kaso ng HIV sa Pilipinas.

Mula sa isang kaso kada araw noong 2008 ay lumobo na ito sa 31 kaso na naitatala araw-araw sa taong 2017.

Ayon sa Department of Health o DOH mula Hulyo hanggang Agosto lamang ngayong taon umabot sa 1,962 na mga bagong kaso ng HIV ang naitala.

Walumpu’t pitong (87) porsyento sa mga ito ay walang sintomas o asymptomatic nang maiulat.

Siyamnapu’t limang (95) porsyento ng tinamaan ng sakit ay mga lalaki.

Mahigit sa kalahati sa mga kasong ito ay nasa 25-34 taong gulang habang 31% dito ay mga kabataan na nasa edad 15-24 taong gulang.

Nangunguna ang National Capital Region o NCR ang may 732 cases, Region 4-A na may 344 cases, Region 3, 179 cases, Region 7 na may 144 cases, Region 6, 121 na mga kaso at Region 11 na may 116 cases.

Karagdagang 326 na mga kaso naman ang nanggaling sa natitira pang bahagi ng bansa.

Aabot sa 1,892 na mga kaso ng HIV ay nakuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik, 35 kaso nang dahil sa needle sharing partikular sa mga injecting drug users o IDU at pitong kaso naman sa pamamagitan ng mother-to-child transmission.

Walumpu’t walong porsyento ng HIV infections ay nai-transmit sa pamamagitan ng pakikipagtalik ng mga lalaki sa kapwa lalaki o MSM, habang 28 kaso naman ang walang ibinigay na data kung paanong nakuha ang sakit.

Samantala, kabuuang 18 buntis naman ang na-diagnose na may sakit na HIV sa kaparehong panahon (July-August 2017).

Statistics of newly diagnosed HIV cases in PH

4

People who engage in ‘transactional’ sex

3

Percentage of HIV cases per region

2

Statistics on HIV/AIDS deaths

1

WORLD AIDS DAY

Ang World AIDS Day ay ginaganap tuwing Disyembre 1 kada taon.

Nagsimula ito noong 1988 na kauna-unahang ‘health day’ sa buong mundo.

Ito ay isang magandang oportunidad para magkaisa sa laban kontra HIV, magpakita ng suporta sa mga biktima ng sakit at alalahanin ang mga taong pumanaw dahil sa mga AIDS-related illness.

Isa rin sa importansya ng World AIDS Day ay ipaalala sa publiko at sa gobyerno sa buong mundo na ang problema sa HIV ay hindi nawawala at nananatili pa ring banta sa buhay ng tao.

Isinasabuhay din sa araw na ito ang malaking pangangailangan na makapag-ipon ng pondo para matulungan ang mga HIV patient, mapataas ang kaalaman ukol sa sakit, malabanan ang mga maling panghuhusga, at mapaganda ang edukasyon para maiwasan ang HIV-AIDS.

Bilang pakikiisa sa World AIDS Day, karamihan sa mga tao sa buong mundo at nagsusuot ng HIV awareness red ribbon ngayong araw.

May temang “My Health, My Right” ngayong taon, binigyang diin ng United Nations ang karapatan ng bawat isa para sa isang ‘quality health care’ at dapat maging bukas ito para sa lahat, ano man ang estado sa buhay.

Ang #MyRightToHealth campaign ay ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko kaugnay sa karapatan sa kalusugan at kung ano ang kahalagahan nito sa buhay ng isang tao.

Ayon sa UNAIDS, sa ngayon ay gumaganda at nagkakaroon ng progreso ang HIV treatment sa buong mundo, kung saan dumarami na ang nagkakaroon ng access para makapagpagamot.

GLOBAL HIV STATISTICS

• 19.5 million people were accessing antiretroviral therapy in 2016.
• 36.7 million [30.8 million–42.9 million] people globally were living with HIV in 2016.
• 1.8 million [1.6 million–2.1 million] people became newly infected with HIV in 2016.
• 1 million [830 000–1.2 million] people died from AIDS-related illnesses in 2016.
• 76.1 million [65.2 million–88.0 million] people have become infected with HIV since the start of the epidemic.
• 35.0 million [28.9 million–41.5 million] people have died from AIDS-related illnesses since the start of the epidemic.
• In 2016, there were 36.7 million [30.8 million–42.9 million] people living with HIV.

Sources: www.hiv.gov / www.doh.gov.ph / http://www.un.org

—-

 

 

December 1, 2017 0 comment
2 Facebook Twitter Google + Pinterest
children

Dalawampung porsyento ng papulasyon ng buong mundo ay mga bata.

Sa pinakahuling bilang, mayroong 2.2 bilyong bata sa buong mundo.

At araw-araw, nadaragdagan ito ng mahigit sa 300,000 sanggol na ipinapanganak mula sa iba’t ibang panig ng ating planeta.

Dahil sa kanilang murang isipan at kawalan ng lakas para maidepensa ang kanilang mga sarili, maraming bata pa rin ang madalas na naaabuso.

Ang mga insidente ng pang-aabuso sa mga bata ang nagtulak sa United Nations upang buuin ang UNICEF o tinatawag ring UN Children’s Fund.

Ang UNICEF ang nagbabantay kung maipatutupad ang UN Declaration of the Rights of the Child na nilagdaan ng mga miyembrong bansa ng UN.

Dito nakapaloob ang mga karapatan ng kabataan at ang obligasyon ng kanilang mga magulang at estado na masigurong lahat ng karapatan ng mga bata ay kanilang tinatamasa.

At upang gunitain ang pagkabuo ng Declaration of the Right of the Child ay ipinagdiriwang sa buong mundo ang International Children’s Day tuwing ika – 20 ng Nobyembre.

Gayunman, mahigit 60 taon simula nang magkaroon ng tratado para sa karapatan ng mga bata ay marami pa rin sa ating mga kabataan ang nakararanas ng pag abuso sa iba’t ibang panig ng mundo.

Tinukoy ng UNICEF na hanggang ngayon ay mayroon pang 385 milyong mga bata na nasa extreme poverty line, higit 250 milyong mga bata ang hindi nakakapag-aral at 5.6 milyong mga batang edad lima pababa ang namatay dahil sa sakit.

Iniisa-isa sa Declaration on the Rights of the Child ang mga karapatan ng mga bata na kahalintulad rin ng karapatan ng mga nasa hustong gulang na.

Nakalista rin sa deklarasyon ang mga proteksyon para sa mga bata at kung paano dapat tinutugunan ang kanilang mga pangangailangan. Narito ang malalimang report.

PAKINGGAN:
Unang Bahagi ng SIYASAT
Ikalawang Bahagi ng SIYASAT
—-

 

 

November 25, 2017 0 comment
4 Facebook Twitter Google + Pinterest
asean
ASEAN PAANO ISINILANG?

Nabuo noong Agosto 8, 1967 sa Bangkok Thailand, isa ang Pilipinas sa mga bansang unang lumagda kasama na ang Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand para itatag ang Association of Southeast Asian Nations o mas kilala bilang ASEAN.

Si dating kalihim Narciso Ramos ng Department of Foreign Affairs o DFA ng Pilipinas ang itinuturing na isa sa mga ‘founding fathers’ ng ASEAN.

Kasama ni Ramos na lumagda sa ASEAN declaration ang iba pang ‘foreign ministers’ na sina Adam Malik ng Indonesia, Tun Abdul Razak ng Malaysia, S. Rajaratnam ng Singapore at Thanat Khoman ng Thailand.

Sakop ng dokumentong nilagdaan na nagdedeklara sa pagkakatatag ng ASEAN ang kooperasyon ng mga nasabing bansa pagdating sa larangan ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura sa mga kasaping bansa, pang-edukasyon at iba pang larangan.

Ito rin ay upang maitaguyod at mapalaganap ang kapayapaan sa rehiyon at mapanatili ang pagrespeto sa hustisya, karapatan at pagsunod sa mga batas na napapaloob naman sa mga itinakdang prinsipyo ng United Nations Charter.

Kasama ng Indonesia, Thailand, Pilipinas, Singapore at Malaysia, sunod na sumapi sa organisasyon ng ASEAN noong 1984 ang Brunei, 1995 ang Vietnam, Laos at Myanmar noong 1997 at Cambodia naman noong 1999.

ASEAN Summits

Ginanap sa Bali, Indonesia ang kauna-unahang ASEAN Summit noong 1976.

Taong 1987 naman nang maging host ang Pilipinas sa unang pagkakataon ng ASEAN Summit sa panahon ng noo’y dating Pangulong Corazon Aquino.

Sinundan ito sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2007.

Ngayong taon muling napili ang Pilipinas na maging Chairman ng 31st ASEAN Summit kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisayon.

May temang… “Partnering for Change, Engaging the World” sinasalamin nito ang adbokasiya ng gobyerno ng Pilipinas na maitaguyod ang pagkakaisa sa mga bansang kasapi ng ASEAN kasama na ang iba pang global partners nito.

Maliban sa mga miyembro ng ASEAN, magiging dialogue partners sa pulong ang mga bansang:

Australia – Prime Minister Malcolm Turnbull
Canada – Prime Minister Justin Trudeau
China – Premier Li Keqiang
European Council – President Donald Tusk
Japan – Prime Minister Shinzo Abe
India – Prime Minister Narendra Modi

New Zealand – Prime Minister Jacinda Ardern
Russia – Prime Minister Dmitry Medvedev
South Korea – President Moon Jae-In
United States – President Donald Trump
United Nations – Secretary General Antonio Guterres

TALO O PANALO SA ASEAN?

Sa loob ng limampung taon, marami nang naisakatuparan ang ASEAN sa iba’t ibang larangan.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar, kung dati ay political ang strategic environment ng ASEAN, ngayon ay nakatutok na rin ito sa pagbuo ng mas maganda at malapit na relasyon sa mga kalapit na bansa hindi lang sa aspetong pulitikal pero pati sa aspeto ng investment, economy, trade, socio-cultural, climate change at ‘yung pagpoprotekta sa migrant workers.

Sa usapan naman ng trade, mas naging bukas pakikipagkalakalan dahil sa mga uniform agreements at regulasyon sa trading.

Climate Change

Dagdag ni Bolivar, isa mga pangunahing kinakaharap na problema ng ASEAN community ay ang banta ng climate change.

Ayon kay Bolivar ang rehiyon ng South East Asia ay bantad sa mga kalamidad na maaaring dulot ng pagbabago ng klima. Ito ang naging hudyat ng pagkakabuo ng ASEAN Coordinating Center for Humanitarian Affairs.

Sa katunayan nang sumalanta ang tinaguriang isa sa mga pinakamalakas na bagyo sa Eastern Visayas, ang super bagyong Yolanda, isa sa mga unang nagpahatid ng tulong ang ASEAN.

“Nasa isang rehiyon tayo. Marami tayong pare-pareho na kinakaharap na challenges katulad ng climate change. Very disaster prone ang ating rehiyon. Nagkaroon tayo ng ASEAN Coordinating Center for Humanitarian Affairs, nasubukan natin na after ng Bagyong Yolanda, ito ang unang nagroll-out ng humanitarian relief assistance sa ating mga nasalantang kababayan sa Leyte. Ito ay isang magandang halimbawa ng cooperation ng ASEAN.” Pahayag ni Bolivar

Business community and information campaign

Kung pag-uusapan ang kamalayan patungkol sa ASEAN, sakop ng malaking porsyento nito ang business community sa bansa. Pero ayon kay Bolivar…there’s always room for improvement at ito ang mga ordinaryong tao.

“Sa business community, malaki naman ang awareness bagamat there’s always room for improvement. ‘Yun sana ang goal natin sating chairmanship this year, na ma-reach din natin ang ordinary people o ‘yung man in the street para mas lalo nilang malaman kung ano ang positibong epekto ng ASEAN sa kanilang mga buhay. Kaya naging very active kami, hindi lang ang DFA pero maging ang ating partner agencies para sa information campaign.” Dagdag ni Bolivar

Para naman kay Department of Trade and Industry o DTI Undersecretary for Regional Operations Group Zenaida Maglaya layunin naman ng DTI na targetin ang mga microentrepreneurs o ang mga maliliit na negosyante na makinabang din sa ASEAN Economic Integration.

“Ang pakay natin is we can maximize the benefits of ASEAN Economic Integration, ibig sabihin yung merkado ng ASEAN na 600 million consumers ay sana tayo rin ay maging bahagi o suppliers din ng kanilang merkado. Ang gusto nating mangyari, hindi lang mga malaking negosyante ang mag-benefit dito sa ASEAN Economic Integration pati ‘yung ating mga microeconomic entrepreneurs na mga nasa kanayunan by being suppliers to these companies and to the exporters. Kaya nga ginagawa namin sa DTI, we capacitate them, we train them, product development para pagandahin ang produkto nila.” Ani Maglaya

Economy and Tourism

Bagamat aminado si Bolivar na malaki ang nilaan na pondo ng bansa para sa pagho-host ng ASEAN 2017 kung saan ay umaabot ito ng 15 bilyong piso, malaki naman aniya ang naitulong at maitutulong pa nito sa ekonomiya at turismo ng bansa.

“Nakapakalaking halaga nito para mag-host ng series of meetings sa ASEAN. But let’s look on the other way. Unang una naging direct impact nito sa ating ekonomiya, simula January hanggang sa magtapos ang ating chairmanship sa katapusan ng December iba’t ibang delegado ang pumupunta sa ating bansa para umattend ng mga meetings. Doon pa lang sa dami ng hotel rooms na kanilang tinutuluyan, ‘yung mga pagkain na kanilang kinakain pati ‘yung mga souvenirs na binibili at ‘yung ginagawa nila matapos ang meeting, doon pa lang of course, even we don’t have the numbers, masasabi natin na lubos lubos na ang bawi natin sa ginastos natin. ‘Yung hosting, sagot talaga ng chairman countries, but ‘yung travel expenses sagot ng kanya-kanyang bansa.” Pahayag ni Bolivar

Ayon naman sa pinuno at Deputy Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na si Diwa Guinigundo, layunin din ng bansa na tanggalin ang alinman o anumang maaaring maging balakid upang mapalago ang ekonomiya.

“Kung mayroon pang obstacle o restriction sa trade, investment, capital flow sa ta banking, iyan ay unti-unti na nating inaalis nang sa ganun ay mas maging malawak at at malaya ang pagapasok at paglabas ng maumuhunan mula Singapore or Thailand for example papunat s aPilipinas at siyang namumunuhan sa atin pwede ring makapunta sa kani-kanilang merkado. Isang konretong halimbawa ay ating pag-encourage ng pagpasok ng ibang bangko sa ating Pilipinas pero ang bangko natin ay pwede ring makapunta sa ibang bansa sa ASEAN, mas maramig produksyon at higit na mas maraming trabaho ang mabubuksan.” Paliwanag ni Guinigundo

Trade

Dahil sa pagkatanggal ng taripa o ang buwis na ipinapataw sa mga inaangkat o iniluluwas na kalakal, ito ay maaaring maging hudyat upang mas lumawak pa ang investment sa ating bansa.

Sa katunayan, sinabi ni Department of Trade and Industry Undersecretary for Regional Operations Group Zenaida Maglaya tayo lang ang nag-iisang bansa na naipasok sa General System of Preference o GSP ng Europa kung saan ang Pilipinas ay maaaring magpasok ng nasa 6,000 commodities nang walang taripa.

“Mayroon tayo General System of Preference for European. Sa Europe naman ito. Isa tayo sa bansa na pinasok ngayong taon na ito, actually last year, pinasok ang Pilipinas as one of the countries na pwedeng mag-avail ng GSP. Dahil dito, there are over 6,000 commodities na pwedeng magpasok sa Europe na zero ang tariff. Because of this we can be an investment hub, kapag mayroong ibang bansa na gustong magbenta sa Europe, para ma-avail nila ‘yung GSP, kailangan manggaling sa Pilipinas ang kanilang production, so they can put up factories here and plants para sila ay magmanufacture dito para kung magbebenta sila sa Europe galing Pilipinas, they can avail the zero tariff. Competitive din ang presyo dahil malaki na ang kabawasan.” Paghayag ni Malaya

By Ira Cruz / Aiza Rendon

 

Narito ang mas malalimang pag-SIYASAT ng DWIZ sa kahalagahan ng pagkakabuo ng ASEAN.

PAKINGGAN:

Unang bahagi ng SIYASAT

Ikalawang bahagi ng SIYASAT

—-

 

 

 

November 11, 2017 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
PAGHIHIMLAY COVER

Pagdating ng takdang panahon, lilisanin din natin ang mundo.

Dadaan ang libu-libong taon at huhukayin ito ng mga taong nasa hinaharap.

Dito nila makikita kung ano ang naging kultura sa panahon natin.

Tulad na lamang ng ginagawa ng mga eksperto ngayon, kung saan hinuhukay nila ang mga libingan ng mga sinaunang mga tao.

Kasunod nito ang pagkakaroon natin ng mga ideya, kung paano namuhay ang ating mga ninuno noong unang panahon, kasama na dito ang paraan ng paglilibing.


PAGLILIBING SA BANGA

Bahagi na ng kultura ng ating ninunong Austronesians ang paglilibing sa banga.

Ito ay ayon sa tanyag na Philippine historian na si Xiao Chua.

Ipinaliwanag ni Chua ang proseso ng paglilibing noon:

Sa Primary Burial, pina-aagnas muna ang buong katawan ng patay sa isang hugis itlog na banga at inililibing ito sa lupa.

Habang sa Secondary Burial, oras na ma-agnas na ang katawan, hinuhugasan na ang mga buto sa pamamagitan ng isang ritwal at saka ito ilalagay sa isang banga, na tinatawag na manunggul jar.

Kaugnay nito, may mga teorya na inililibing ang kanilang mga mahal sa buhay noon sa kung saan din sila nakatira.

Kung saan nakatira yung mga buhay, doon din nakatira yung mga patay, eventually magpapatuloy ‘yan. They want to keep the bodies of the relatives close.

Ang maganda diyan, noon kasi gusto nila ang libingan ng mga ancestors nila, malapit sa kung saan sila nakatira kaya natagpuan ang manunggul jar sa Manunggul Cave na malapit sa mga nakatira doon sa lugar.


MANUNGGUL JAR

Natagpuan ang pinakamahalagang libingang banga sa Pilipinas na manunggul jar sa kweba ng Manunggul sa Palawan.

Tinatayang nilikha ito noong 710 BC.

Ayon kay Chua, ang disenyo ng takip ng manunggul jar ay parang mga alon sa dagat, at sa ibabaw nito makikita ang dalawang kaluluwang namamangka na may mukha ng tao.

Mga buto na lamang aniya ang mga nilalagay dito kaya’t itinuturing ito bilang secondary burial.

Noong 1991, ani Chua, daan-daang mga secondary burial jar ang natagpuan sa Ayub Cave sa Sarangani.

Makikita aniya dito ang mga disenyo ng iba’t ibang mukha, kung saan pinaniniwalaang representasyon ito ng mga nakalibing sa banga.


BAKIT HUGIS BANGKA?

Ang mga inilalagay na hugis bangka o ‘boat culture’ sa banga noon ay salamin ng halaga sa ating mga ninuno ng kultura ng paglalayag ng mga Pilipino.

Dahil malapit aniya sa mga Pilipino ang bangka, naniniwala ang mga ninuno natin na bangka din ang sinasakyan papunta sa kabilang buhay.

Kaya’t ayon kay Chua, ang paniniwala sa kabilang buhay o life after death’ ay basic foundation ng Austronesian culture, kung saan nabibilang ang mga lahing Pilipino.

 

Reflected ‘yan sa manunggul jar. Diba kasi dinadala ang kaluluwa sa kabilang buhay? Kaya may bangka doon, reflected din yan sa paglilibing. Yung paniniwala sa kaluluwa na shini-ship sa bangka patungong kabilang buhay ay reflected sa mga artistic representations sa mga libingan ng mga ninuno natin.

Halimbawa dito ang mga nilalagay na pananda ng mga kapatid nating mga Badjao sa Sulu, na tinatawag nilang Sundok, na hugis bangka at may nakatayong tao, kahalintulad sa takip ng manunggul jar.

Kaugnay nito, may nakita namang libingan sa Batanes na nakalibing sa lupa ngunit ang mga pananda nito ay mga bato na inayos na hugis bangka.

Gayunman, sinabi ni Chua na hindi nahihiwalay sa nakasanayang paglilibing ang ang sining na namana natin at nagpapatuloy hanggang sa makabagong panahon.

May nire-represent ‘yan, may artistry sa mga libingan, hindi hiwalay yung paglilibing sa art na makikita rin natin sa mga nitso ngayon. Kung medyo mayaman ka, meron kang panchong, meron kang museleo, meron kang mga istatwa na nilalagay sa libingan mo, and in a deeper sense, ‘yung pagka-bansa natin ay represented ng paglilibing noong unang panahon.

 

Samantala, may ilang paraan naman ng paglilibing ang mga Pilipino na iniaangkop sa kanilang kultura at paniniwala.

Kagaya na lamang umano ng pagsabit ng mga kabaong sa gilid ng mga bundok o mas kilala bilang hanging coffins’ ng mga taga-Benguet, sa Sagada.


HANGGING COFFINS’ SA SAGADA

Sinasabing mahigit 2,000 taon na ang tradisyon ng paglilibing sa gilid ng bundok na sinimulan ng mga katutubo sa Sagada, na ngayo’y isang tourist spot na.

Ayon sa ilang pagsasaliksik, naniniwala ang mga katutubo na ang paglilibing ng nakasabit ay paglalapit sa kaluluwa nito sa langit at mula dito ay mababantayan nito ang kanyang pamilya sa lupa.

Ngunit, aminado ang mga residente dito na ang naturang kultura ay ‘dying’ na o unti-unti nang nawawala dahil sumasabay na sila sa modernong paraan ng paglilibing.

Samantala, ayon kay Chua, hindi pa rin ito nalalayo sa ibang tradisyunal na paglilibing noon dahil mapapansing hugis bangka din ang mga kabaong nito.

May mga paniniwala ang mga eksperto na ang mga taga-Cordillera hindi talaga orginally taga riyan, mga low landers din ‘yan na umakyat ng bundok pero dala-dala pa rin nila ang boat culture.

Kung titignan mo ang mga hanging coffins, may hugis bangka eh, ‘yan ang mga ginagamit nilang kabaong. Meaning, paalala ‘yan ng kanilang nakaraan. Diyan din kasi sa Cordillera yung mummification. Uso diyan, mina-mummify yung mga bangkay.


KREMASYON

Ang ‘cremation’ o ‘kremasyon’ ay proseso ng pagsusunog ng katawan ng taong namatay na at nagiging abo, na tinatawag na ‘cremains’.

Isang paraan ng paglilibing ang kremasyon, kung saan inilalagay ito sa ‘columbarium’ sa halip na ibaon sa lupa.

Sinabi ni Xiao Chua na may mga teorya na na-nagsusunog na ng mga bangkay noon, bagamat hindi pa masyadong malinaw at kapani-paniwala ang mga pag-aaral dito.

Halimbawa, may natagpuan na parang isang sunugan sa Pila, Laguna at ang paniniwala ng iba ay crematorium ‘yun pero hindi masyadong matibay ang evidence.

Ayon naman sa dalawang negosyante ng mga kilalang crematory at columbary sa Metro Manila ngayon, naglalaro na sa 50% hanggang 55% ang mga nagpapa-cremate kumpara noong taong 2006 na 15% hanggang 18% lamang.

Sinabi ni Architect Euegene Cheng, Vice President for Operations ng Sanctuarium, na maaari pang umakyat ang bilang ng mga nagpapa-cremate sa mga susunod na taon dahil na din sa pagbabago ng pamumuhay ng mga tao sa pagdaan ng panahon.

Dagdag pa ni Cheng, mas pinipili na ngayon ang kremasyon dahil mas praktikal o mas tipid ito, at mas madaling makapag-move on sa pagluluksa, base na din sa eksperyensya ng kanilang mga kliyente.

Sa simbahan, nilabas lang ‘yung approval nila pumapayag sa cremation, 1963. And then they picked-up immediately kasi medyo close pa ang isip natin. And then gradually, mga 80’s… 90’s, pumicked-up na ‘yung cremation, maybe because of the way of life din.

Nagchi-change ang pattern ng buhay, nagchi-change din ang acceptance of tech.

Maliban sa mas mura ang paglilibing sa kremasyon, ayon kay Karlo Magpayo, COO ng Mother Theresa Crematory and Columbary, kabilang sa mga dahilan dito ay ang mga sumusunod:

And because of scarcity of land, nagkaroon ng apartment style, patong-patong na [sa sementeryo]. Cost is the number one factor.

Number two, kapag namatay naman ang ating minamahal eh, ang nagde-decide naman nyan hindi tayo dahil deads na tayo diba? Ang naiiwan… eh ‘yung mga naiiwan are millennials and the baby boomers. The millennials and the baby boomers napaka-importante ng time.

‘Yung pangatlo is more on environmental, because millennial thinking na eh. Anything that is wood made right now is illegal kasi may illegal logging diba?

Also, the use of harmful chemicals sa embalming… formalin, sips into the ground and goes to your water system, so, hindi rin maganda. Whereas crematory, sunugin mo lang, you have the white ash or black ash, it is more environmentally safe.



Anila, ang proseso ng pagki-cremate ay umaabot lamang ng 45 minuto o hanggang 3 oras.

Dumaan man ang maraming panahon, tiwala naman si Magpayo na hindi matatamaan ang mga nasa katulad nilang industriya, kagaya na lamang ng mga punerarya.

Magkakaroon ng adoptive process ang mga punerarya. They will shift their normal means of operation to cremation already. Marami din tayong kaibigan sa industriya na may punerarya, eh.. nagkakaroon lang kami ng magandang usapin. If the client prefers na i-cremate, dinadala nila dito.

Dagdag pa ni Magpayo…

Hindi naman siya sisirian because the Philippines is very cultural eh. Bawat rehiyon na napuntahan ko, sa bawat sulok ng Pilipinas may kanya-kanyang kultura eh. Hindi masisira ‘yung… I think in the next 10 years, it will still maintain and stay but unti-unti as provinces becomes cities, and ‘yung modern people comes in, papasok na ‘yan unit-unti eh.

Binigyang – diin din nina Cheng at Magpayo, na mas-convenient ang kremasyon dahil hindi mo na kailangan pang makipag-sapalaran sa pagbiyahe lalo na kapag undas.

I think sa fast phase ng buhay ngayon, cremation pa rin kasi kagaya sa Sanctuarium, nandito kami sa gitna ng city. If sa sementeryo, hindi pwede.

Ikaw, career ka, so, Monday to Saturday busy ka, you really don’t have the time to go out of the city to visit your departed love ones. Samantalang dito, gusto kong dalawin si ano… ngayong gabi, after office, you drop-by, convenient, dito sa amin 24 hours. (Cheng)

Anila, maaari ding hiramin ang ‘urns’ o ang pinaglalagyan ng abo ng kanilang yumaong kamag-anak para sa bahay na nila ito paglamayan.

Tiniyak naman ng dalawang negosyante ang kalidad ng kanilang serbisyo at ng gusaling kinatatayuan ng kanilang columbary, sakali mang magkaroon ng lindol.

Ano’t anupaman, payo ni Cheng na mahalaga pa rin na paghandaan ang kamatayan…

It’s better to prepare. It’s really better to prepare if you can prepare, ihanda na, years and years before. Unti-unti mong binabayaran, unti-unti mong pinag-iipunan kesa ‘yung biglang may nangyari, magulo na nga isip mo, maghahanda ka pa nung pera… pambayad.


KREMASYON AT ANG SIMBAHAN

Masasabi na ngang sumasabay na sa makabagong panahon ang simbahan, katulad na lamang ng pagbibigay ng pahintulot nito sa pagsasagawa ng kremasyon.

Sa panayam ng DWIZ kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz, inamin nito na noong una ay tinutulan ng simbahan ang pagsasagawa ng kremasyon, ngunit kalaunan ay pinayagan na kalakip ang ilang mga kundisyon.

Noong 1936 ay nagpalabas ang Congregation for the Doctrine of the Faith ng Vatican ng guidelines na pinapayagan na ang pagki-cremate hangga’t hindi ito ginawa dahil lamang sa malaking pagtutol sa paniniwala ng Kristiyano sa kamatayan.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Cruz ang mga nilalaman ng naturang guidelines:

Number one, it is too expensive to have embalming and then coffin, and then cemetery burial, plus procession… is quite expensive.

Second, if the burial grounds or cemetery are have become so filled up that… it is already had to find the descent place to bury the dead.

And number three, is that, a body therefore from there may go directly for cremation and place on a descent container, and that container is the one buried wherever it is possible. Usually, it is also in the cemetery but it is easy to occupy ‘coz it is quite small.

Next is that, it can be also repost in what they called ‘columbary’, merong churches which have columbaries.

Kaya nga na-uso ‘yung sinasabi kong columbarium. ‘Yung mga maliliit na nitso, na doon mo pwedeng ilagay ‘yung lalagyan ng abo.

Na hindi mo itatapon sa lupa, hindi mo itatapon sa langit, kundi naka-deposito dun para kapag dumating ‘yung oras, ay meron kang pupuntahan, meron kang ipagdarasal o kung minsan meron kang kakausapin.

Ngunit, pagpapaalala ni Cruz…

I would like to say this for the record that the church does not allow… the throwing of ashes in the wind, or in the sea. Or keeping of the ashes at home.

And, the reason is this, “To dust a man come from, and to dust they should go back to”. The seas are not dust, and keeping the ashes in the houses is that again, going back to ashes.

‘Yun lang naman, mga simple lang ang guidelines niya.

Dagdag pa niya…

Pinagbabawal po ng simbahan na ang mga pari ay pupunta sa sementeryo at magbi-bendiysyon ng isang puntod.

Ayon kay Cruz, nasusunod naman ang naturang guidelines simula nang inilabas ito.


ETERNAL GARDENS

Mas bukas na ngayon ang mga Pilipino sa paghahanda ng lugar na kanilang paghihimlayan sakaling dumating na ang takdang panahon ng kanilang pagyao.

Ayon kay Mr. Joey Rivera, Vice President for Sales and Marketing ng Eternal Gardens Memorial Park, mayorya ng porsyento ang bumibili na ng lupa para sa kanila o sa kanilang mga mahal sa buhay.

Higit 90 percent nag bumili at nag-prepare na talagang ahead of need po, yung bumibili dahil nandiyan na ay less than 10 percent lang. Mas marami na ang nag-aadvance, mas open-minded na ang mga tao ngayon hindi kagay nung nagbukas tayo ng Baesa noong 1976.

Sa sampung branches ng Eternal Gardens, ang nasa Baesa, Caloocan aniya ang pioneer o ang pinaka-una nilang itinayong sementeryo.

Iniugnay din ito ni Rivera sa paglaki ng bilang ng mga tumatangkilik sa proseso ng kremasyon.

Ang cremation ngayon ay masasabi nating parang fast growing segment, lalo na sa Metro Manila, pero kung susumahin ninyo kung ano ang malakas pa rin yun pa rin ang tradisyunal na nililibing, kasi by nature ang mga Pilipino, traditional when it comes to interment.

Paalala ni Rivera sa pagbisita sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas, mahalagang isaisip ang tunay na rason ng pag-alala sa kanila.


“UNDAS”

Ang ‘Undas’ ay mula sa salitang Espanyol na Honras de Ponebre o Funeral Honors.

Ito ayon kay Chua, bilang pagbibigay pugay sa mga patay.

Sa mga Espanyol din natin nakuha ang paglilibing ng may mga panandang krus o lapida, at pagpapa-picture sa mga yumao.

Hindi pa aniya ang Ingles na ‘Rest in Peace’ o R.I.P. ang nakasulat sa mga lapida noon kundi ‘Requiesce In Pace’ at ‘Descansar En Paz’ o D.E.P.

Mayroon din umanong ‘Deo Optimo Maximo’ o D.O.M. na ibig sabihin ay ‘To the Greatest and Best God’.

Habang sa mga kapus naman sa buhay noon ay Suma Langit Nawa o S.L.N. ang inilalagay sa lapida.

Hindi naman kinukundena ng simbahan ang kasiyahang nakikita sa modernong panahon tuwing Undas.

Ito ay ayon kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dahil dalawa ang ginugunita tuwing undas, ito ay ang ‘All Saints’ Day’ at ‘All Souls’ Day’.

’Yung All Saints’ Day, talagang kailangan masaya ‘yan pagkat ang inaalala mo ay yung mga namatay na nagpunta sa langit, that is the ‘Assumption’, kaya ‘Saints’ Day’… Santo.

The ‘All Souls’ Day’ is the day where those who are not yet considered in the Kingdom of God and still need some suffering because of what committed in the past, that is the ‘All Souls’ Day’ and that All Souls Day is identified with prayer… prayer… prayer… prayer for the repost.

‘Yung All Saints Day is the celebration after someone being in the bosom of God, and the All Souls Day is praying for someone who is not yet, who is presumed not to be yet in the bosom of the Father.

Ngunit, paalala ni Cruz…

Kamukha rin noong sa utos ng pamahalaan, wala sanang kantahan, walang sayawan, walang inuman, walang pukpukan, walang saksakan.

Panay nating alalahanin, ang ating ipinagbubunyi ay ‘yung yumao, namatay… hindi ating sarili kaya sana huwag nating kalimutang mag-dasal.

***

Sa panahon ngayon, bagamat nahaluan na ng komersyalismo at mga makabagong paraan ang tradisyon ng paggunita sa Undas o sa paglilibing, nananatili at hindi mawawala ang kultura ng mga Pilipino.

Wika nga ng historian na si Xiao Chua:

We create our own ways of coping with grief, loss, with remembering the dead. Pero nandiyan pa rin ang basics ng kultura natin.

Patuloy sana nating tuklasin at alamin ang tradisyon ng ating mga ninuno… ang ating pinagmulan dahil doon at doon din tayo babalik sa takdang panahon.


By Race Perez / Aiza Rendon

 

November 1, 2017 0 comment
3 Facebook Twitter Google + Pinterest
Fire-Mummies

Nagsimula ang proseso ng mummification o ang pagprepreserba ng bangkay ng mga yumao noong 3500 BCE sa bansang Egypt. Nakuha ang ingles na salitang mummification sa Latin word na ‘mumia‘, na nangangahulugang wax.

Naidetalye noon pa man na sinasamahan ng mga alay na pagkain ang mga sinaunang libingan noong Badarian period sa Ehipto na nagpapahiwatig ng paniniwala sa panibagong buhay matapos ang kamatayan.

mummy ap

Gayumpaman, ayon sa paniniwala ng mga Egyptians, posible lamang ang walang hanggang buhay kung ang katawan ng isang namayapa ay mananatiling buo o intact.

Inililibing ng mga sinaunang Egyptians ang kanilang mga yumao sa isang mallit na hukay sa disyerto. Ngunit kinalaunan, nagsimula na ring maglibing ang mga Egyptians gamit ang isang kabaong upang protektahan ang katawan sa mga mababangis na hayop sa disyerto.

mummy

Sa maraming siglo, ang sinaunang mga taga-Ehipto ay bumuo ng paraan ng pagpapanatili ng mga katawan upang manatili silang parang buhay. Kasama sa proseso ang pag-embalsamo sa mga katawan at pagbabalot sa mga piraso ng linen. Sa araw na ito ay tinawag ang prosesong mummification.

Ang pamamaraan na ginagamit sa mga mataas na opisyal mula sa New Kingdom era hanggang sa pagsisimula ng Late Period, mga 1550-664 BCE sa Egypt, ay itinuturing na panahaon ang pinakamahusay at pinakakumplikadong proseso ng mummification na kinabibilangan ng pagpapanatili ng mga internal organs at ang pagprepreserba ng katawan.

Egyptian Minister of Antiquities Khaled Al-Anani inside a newly discovered burial site in Minya

Ang puso, na nagsisilbing sentro ng lahat ng kaalaman at damdamin, ay kadalasang hindi ginagalaw sa proseso habang ang utak, ang madalas na itinatapon.

Sa kasaysayan naman ng Pilipinas, naitala na rin noong sinaunang panahon ang tradisyonal na pagprepreserba ng mga yumao na karaniwang gawain ng mga tao sa kabundukan ng hilagang Luzon. Kasabay nito, ilang mga kwentong misteryo na rin ang naglipana habang lumilipas ang panahon.

 

MUMMIFICATION NG TRIBONG IGOHANG SA IFUGAO

Sa isang barangay sa Banaue, Ifugao, matatagpuan ang isang bahay na punong-puno ng bungo ng hayop. Ayon sa paniniwala ng mga nakatira rito, ito daw ay simbolo ng may mataas na posisyon sa kanilang tribo, ang Tribong Igohang. Sa katabi ng kubo na ito ay isa pang maliit na kubo na kung saan dito nakalagay ang mga katawan ng mga yumaong limang dekada na ang tanda. Pero ang mga katawan sa maliit na kubo ay mistulang hindi naaagnas kahit na ito ay hindi dumaan sa proseso ng mummification.

Bago buksan ang naturang kubo, nagsasagawa ang Tribong Igohang ng isang ritwal na tinatawag na “Otong”. Ang “Otong” ay isang ritwal na kung saan ito ang paraan ng pagtawag ng kaluluwa sa namayapa nilang kamag-anak para manghingi sa mga ito ng gabay.

Nakabalot sa katutubong kumot ang mga katawan sa loob ng naturang kubo. Nakalabas ang bungo at kapansin pansin na ang mga ito ay hindi naaagnas at ang ilan pa ngang mga parte ay may kaunting balat pa. Ang mga balat na ito ang sinasabi nilang pagkakakilanlan ng kanilang mga yumao. Si Bayangan Limangya ang pinakamatandang katawan na nasa loob ng kubo. Namatay ito noong pang 1960s. Kasama niya rin sa naturang kubo ang kanyang asawa na si Payyaga Limangya na namatay noong 1970s. Ang pinakabata naman sa lahat ay si Manuel Ordillo. Ampon ito ng mag-asawang Limangya na sumakabilang buhay naman noong 2004.

Silang tatlo sa kubo ay nakatalungko at ito ay dahil sa noong namatay ang tatlo, nakaupo raw ang mga ito sa tinatawag nilang “Hangdel”.

Nagsimula ang kanilang pagma-mummify mula kay Fernando Bahatan Sr. Limang taon mula nang siya ay mamatay noong taong 1959, binuksan ng anak nito ang kanilang kabaong at kanilang nakita na mayroong pa itong mga kaunting balat kung kaya’t binalot nila ito ng mga native blankets. Ganito rin ang nangyari noong buksan ang mga labi ng kanilang mga kamag-anak at napansin din na talagang naka-intact pa ang mga buto ng mga ito.

Batay sa isang pahayag ni Alex Ordillo na isa sa mga miyembro ng tribong Igohang noong minsan nang na naitampok sa isang magazine show sa isang local TV network, hindi raw nakagawian sa kanilang komunidad ang pagsasagawa ng mummification. Isa sa naiisip nilang dahilan kung bakit nakapreserba ang mga katawan na ito ay dahil sa herbs o mga halaman na ipinapahid sa mga ito at para mapanatili ang kondisyon ng mga ito, nililinis nila ito tuwing Nobyembre.

MARIA DE JUAN BASANES

Sa Baranggay Casanayan, Pilar, Capiz City, merong isang bangkay na hindi naaagnas. Ito ay ang katawan ni “Maria De Juan Basanes” o mas kilala sa tawag na “Lola Ibe”. Taong March 1929 nang siya ay bawian ng buhay. Sampung taon din siyang nailibing sa sementeryo nang magplano ang kaniyang pamilyang ilipat siya ng libingan dahilan para ito ay hukayin. Doon natuklasan na buo pa rin ang bangkay ni Lola at walang bahid ng pagkaagnas. Ang itsura ng katawan niya ay hindi naaagnas maski ang kanyang mga mata ay hindi pa rin nabubulok. Mula noon, himala itong itinuring ng mga kaanak ni Lola Ibe pati na rin ang ilang kapitbahay. Hanggang sa dinayo na ang bangkay ng mga taga ibang lugar.

lola ibe

Sa unang Sabado ng bawa’t buwan, nagtutulong-tulong ang mga kamag-anak at mga kapitbahay ni Lola Ibe para palitan ang kanyang suot na damit. Pinupunasan ang kanyang katawan ng basang bimpo dahil itinuturing na nakakapagpagaling ito, ang iba naman ay iniinom pa ang katas ng tubig mula sa bimpo na ginamit pamunas ng katawan ni Lola Ibe.

Si Maria Luisa Jase, isang residente rin sa Pilar naman ay ang kanilang pinaniniwalaan na instrumento ni Lola Ibe para makapanggamot ng iba.

KABAYAN MUMMIES 

Ang “Fire Mummies” o Kabayan Mummies ay ang grupo ng mga mummies na nakita sa kabundukan ng Kabayan na isa sa mga lugar sa probinsya sa Hilagang Luzon.

Pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na ang Kabayan Mummies ay ginawa ng mga Ibaloi noong 1200 at 1500 AD sa limang lugar sa Benguet at ito ay naka tago sa mga kweba.

Fire-Mummies

Isa sa mga pinagkaiba ng fire mummies ay ang kanilang proseso ng mummification na kung saan pagkatapos mamatay ang isang tao, ang kanyang bangkay ay hinuhugasan at sinusunog para matuyo. Ang usok na galing naman sa tobacco ay inilalagay sa bibig ng namayapa para matuyo din ang internal organs nito. Sinasabi ring pinapahiran nila ito ng mga herbs o halaman sa katawan ng yumao. Pagkatapos, kanila nang inilalagay ang katawan ng yumao sa ataul na gawa sa pinewood at iniiwan sa mga kweba. Natigil lamang ang ganitong kaugalian noong dumating na ang mga Espanyol sa Pilipinas at masakop ang bansa noong 16th century.

Nadiskubre ang fire mummies noon pa lang 20th century.

Hanggang ngayon, ang ilan sa mga mummies ay nasa kweba pa rin pero ang iilan ay nanakaw na kung kaya’t naideklara na itong kasama sa “100 Most Endangered Sites sa Mundo”.

Kasama naman ang Kabayan Mummy Burial Caves sa National Cultural Treasures ng National Museum of the Philippines ayon sa Presidential Decree no. 374 at ito rin ay napabilang sa UNESCO World Heritage Site.

(Sa panulat nina Ira Y. Cruz at Kristel Mae Deang ng DWIZ 882 Social Media Team)
November 1, 2017 0 comment
3 Facebook Twitter Google + Pinterest
impeach image

Hindi na bago ang salitang impeachment sa mga Pilipino.

Tila isa na rin ito sa mga salitang madalas marinig sa mga panahon ngayon.

Ilan sa matataas na opisyal ng gobyerno kagaya ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa ay may “immunity” sa mga kaso (kriminal man administratibo o sibil) habang nakaupo sa puwesto.

Ngunit hindi pa sila tuluyang ligtas dahil sa 1987 Constitution ay may prosesong tinatawag na impeachment.

Pero, ano nga ba ang impeachment?

Ito ay isang prosesong ligal at pulitikal na nagsasakdal sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan na protektado ng Saligang Batas.

Tulad ng isang pangkaraniwang korte, dito nililitis ang mga opisyal na nasasangkot sa iba’t ibang usapin na maaaring maglagay sa kanila sa pagkasibak sa tungkulin.

Sa ilalim ng umiiral na Saligang Batas, iilang tao lamang ang maaaring isalang sa isang impeachment trial dahil sa probisyon ng immunity from suit.

Ibig sabihin, hindi sila maaaring basta-basta maaaring sampahan ng kasong sibil at kriminal hangga’t nananatili sila sa puwestong kanilang hinahawakan.

Sino ang puwedeng i-impeach?

• Pangulo
• Pangalawang Pangulo
• Mga mahistrado ng Korte Suprema
• Miyembro ng constitutional commissions
• at ang Tanodbayan o ang Ombudsman

Sa ilalim ng constitutional commissions nakapaloob ang COMELEC o Commission on Elections, COA o Commission on Audit at ang Civil Service Commission o CSC na pawang gumaganap ng mahalagang papel sa sistema ng pamamahala sa Pilipinas.

‘Grounds para sa impeachment’

Maaari lamang ma-impeach ang isang mataas na opisyal ng pamahalaan sa mga sumusunod na pagkakasala:

• Culpable violation of the constitution o paglabag sa Saligang Batas
• Treason o pagtataksil sa bayan
• Graft and corruption o katiwalian
• Panunuhol

Maaari ring maireklamo ng impeachment ang isang mataas na opisyal kung siya’y nakagawa ng mga high crimes o karumal-dumal na krimen.

Kabilang sa mga ito ay ang pagsisinungaling o perjury, pang-aabuso sa kapangyarihan, paninindak, paglustay sa kaban ng bayan, kabiguang pamunuan ang hinahawakang ahensya, pagsuway sa mandato at pagpatay.

At panghuli sa mga paglabag na kadalasang ibinabato sa mga opisyal ng gobyerno, ang betreyal of public trust o kung wala nang tiwala ang publiko sa isang naka-upong opisyal ng gobyerno.

Impeachment process

Tanging ang Kongreso lamang ang binibigyan ng kapangyarihan ng Section 6 ng 1987 Constitution na magsulong ng reklamong impeachment laban sa mga opisyal ng pamahalaan.

Unang hakbang ng proseso ng impeachment ay ang paghahain ng reklamo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

Sinuman sa mga miyembro ng Kamara ay maaaring magsulong ng impeachment basta’t ito’y dapat na makakuha ng suporta mula sa 1/3 o mayorya ng mga miyembro ng Kamara.

Maaari ring maghain ng reklamo laban sa mga impeachable officials ang mga pangkaraniwang mamamayan ng bansa, basta dapat itong makakuha ng suporta mula sa mga mambabatas para maiyendorso ito.

Sunod itong ihahain sa Secretary General ng Kamara at saka ididiretso sa tanggapan ng House Speaker kung saan, isasama ang reklamo sa kalendaryo ng Kamara sa loob ng sampung araw mula nang matanggap ang reklamo.

Tatlong araw mula nang maisama sa Order of Business ng Kamara ang impeachment complaint, dapat itong dalhin sa House Committee on Justice para dinggin, himayin at tukuyin kung tama ba ang balangkas at may sapat na batayan ang reklamo.

Kung hindi tama ang balangkas o insufficient in form ang naturang reklamo, awtomatiko itong ibabasura ng komite pero kung tama ang balangkas ngunit walang sapat na batayan o insufficient in substance, hindi rin ito uusad.

Animnapung araw mula nang mapasakamay ito ng komite, dapat magkaroon na ng ulat kung ano ang resulta ng kanilang mga isinagawang pagdinig batay sa mga inilatag na ebidensya.

Kung aprubado ang naturang reklamo, saka ito dadalhin sa plenaryo ng Kamara para talakayin ng mga mambabatas at pagbotohan kung dapat ba o hindi na iakyat sa Senado na siya namang tatayo bilang impeachment court.

Kung aaprubahan ng mayorya ng mga mambabatas ang naturang reklamo para iakyat sa Senado, kailangan na nitong bumoto para bumuo ng panel of prosecutor na siyang tatayong taga-usig ng inirereklamong opisyal.

Kasabay nito ay bubuo na rin ang House Committee on Justice ng Articles of Impeachment na siyang magiging gabay ng mga senador na siya namang gaganap bilang impeachment trial judges.

Pagdating ng reklamo sa Senado, dito na magsisimula ang paglilitis at kinakailangan lamang ng 2/3rd’s na boto mula sa mga impeachment court judges para mahatulan ang nasasakdal batay sa itinatadhana ng Articles of Impeachment.

Mabigat ang parusa sa mga opisyal ng pamahalaan na nahahatulang guilty sa ilalim ng impeachment court.

Una, matatanggal ang opisyal sa hinahawakan niyang posisyon; hindi na niya makukuha ang lahat ng kaniyang benepisyo bilang opisyal at hindi na rin siya maaari pang humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

—-
—-

Ilang buwan lamang matapos na maupo sa puwesto, isinampa ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang Marso ng kasalukuyang taon.

Sa isinampang reklamo ni Magdalo Representative Gary Alejano laban sa Pangulo tinukoy nito ang korupsyon at ilang “high crimes” na dapat umanong panagutan ng Punong Ehekutibo.

Partikular na binira ni Alejano ang umano’y state policy ng pagpatay sa mga drug suspect sa isinasagawang giyera kontra droga ng administrasyon, ang mga umano’y vigilante killings noong si Duterte ay mayor pa ng Davao, at ang P2.2 billion na tagong yaman umano ng Pangulo na hindi idineklara sa kanyang SALN.

Gayunman sa unang pagdinig pa lamang ng House Justice Committee sa impeachment complaint laban sa Pangulo ay agad itong nasunog sa ginawang pagbasura dito ng Kamara.

Batay sa hearsay umano ang ebidensya ni Alejano kaya’t idineklara itong insufficient in substance ng 42 mambabatas.

Add Media

History

Mula nang mabalangkas ang Saligang Batas noong taong 1987, marami nang mga opisyal ng pamahalaan ang naharap sa banta ng impeachment.

Subalit dalawa lamang sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan ang matagumpay na napatalsik sa pamamagitan ng impeachment trial dahil sa alegasyon ng katiwalian.

Una nang isinalang sa impeachment proceedings si dating Pangulong Joseph Estrada noong taong 2000 at ang huli ay ang yumaong dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona noong 2012.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, hindi lamang isa, hindi rin dalawa, kung hindi limang mataas na opisyal ng pamahalaan ang inireklamo ng impeachment.

Pakinggan ang kabuuang pagsisiyasat:

SIYASAT: “IMPEACHMENT”

(By Jaymark Dagala / Aiza Rendon)
October 19, 2017 0 comment
3 Facebook Twitter Google + Pinterest
UBER DRIVER

Higit 100,000 mga sasakyan sa ilalim ng bagong sistema ng transportasyon ang patok na patok ngayon sa bansa.

Namamayagpag ang mga sasakyang nasa ilalim ng tinatawag na TNVS o Transport Network Vehicle Service sa Metro Manila at iba pang pangunahing lungsod.

Sa ilalim ng TNVS ay ang mga TNC o Transport Network Companies tulad ng Uber, Grab at U-Hop.

Ang mga kumpanyang ito ang nasa likod ng ride sharing application na siyang ginagamit ng mga driver partner at mga commuter.

Dahil dito ay maituturing na ngang stress – free ang paghahanap ng masasakyan anumang oras gamit ang mga pribadong sasakyan kabilang ang mga high – end vehicles.

Kasabay naman ng pagdagsa ng TNC ay ang pagtindi ng daloy ng trapiko dahil sa dami ng mga sasakyan sa kalsada.

Kasama pa ang matinding dagok sa industriya ng taxi at mga drayber nito.


‘Kwento ni Mang James, isa nang driver partner ng TNC’

Kagaya na lamang ni Mang James Bugtong na halos limampung (50) taon nang drayber ng jeepney, taxi at ngayon ay driver partner na ng isang Transport Network Company.

Sa pagdaan ng panahon, naisipan naman ni Mang James na baguhin ang uri ng sasakyan na gagamitin sa kanyang hanapbuhay.

Ibinenta niya ang kanyang jeepney at bumili ng sasakyan na gagamiting taxi na kinuhanan niya ng prangkisa na nagkakahalaga ng P150,000.00.

Gayunman, matapos ang anim na buwan, natuklasan ni Mang James na peke ang prangkisang kanyang nabili.

Dahil dito, nawalan ng pagkaka-abalahan at hanapbuhay si Mang James.

Kaya naman nang magkaroon ng kotse ang kanyang anak, naisip nyang ipasok ito sa Uber.

Ibang-iba ang naging karanasan ni Mang James sa ilalim ng Uber.

Hindi katulad ng masalimoot na proseso ng pagkuha ng prangkisa sa taxi, naging swabe ang proseso ng kanyang pagpaparehistro sa ilalim ng Uber Philippines.

Aniya, wala pang isang oras ang itinagal niya sa tanggapan ng Uber para sa kanyang aplikasyon.

Sumailalim siya sa briefing kung saan tinukoy ang ilang rules at regulations ng Uber.

Sa loob naman aniya ng 24 oras ay na-activate na siya para mapamasada sa ilalim ng naturang Transport Network Company.

Hindi din tulad ng magastos na pagkuha ng prangkisa, walang naging cash out si Mang James sa kanyang pagsali sa Uber.

Mayroon aniyang P4,000.00 ngunit ibabawas ito sa kanyang account kapag nagsimula na siyang magbyahe.

Hindi sanay sa ganitong sitwasyon si Mang James, palibhasa ay batikang drayber ng mga Public Utility Vehicles ay diskumpyado siya na sa simpleng naging proseso iyon ay maaari na siyang tumakbo at mamasada.

Kumikita ta si Mang James ng P3,000.00 hanggang P6,000.00 kada araw sa Uber.

Bagama’t ibabawas pa dito ang konsumo nya sa gasoline, ay mas malaki pa din aniya ito kumpara sa kanyang kinikita sa pagba-biyahe ng jeep at taxi.

Sa kabila ng malaking kita, ang talagang target ni Mang James ay ang incentive na ibinibigay ng Uber.

Halimbawa nito ay nang ma-target ni Mang James ang 70 byahe na nagbigay naman sa kanya ng P4,500.00.

Minsan pa nga aniya ay mayroon pang surprise gift ang Uber sa mga drayber nito.

May paraan din ang Uber upang masigurong disilpinado ang mga driver partner nito.

Ayon kay Mang James, maaring bigyan ng ratings ng mga pasahero ang kanilang Uber driver rating gayundin ang mga drayber sa kanilang mga mananakay.

Nagbababala din ayon kay Mang James ang Uber sa tuwing may reklamo ang mga mananakay.

Nagre-reflect din aniya ito sa kanila dahil maari itong makita sa reviews ng mga rider.

Maligaya si Mang James dahil sa kanyang pagmamaneho sa Uber, ay tila muli siyang nabigyan ng dignidad sa kanyang trabaho.

Pinatunayan ni Mang James na hindi nagpabaya ang Uber sa kanilang mga driver partner.

Aniya noong sinuspinde ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ay nakatanggap siya ng ayuda mula sa Uber.

Nakatanggap siya dito ng P400.00 kada araw sa loob ng 15 araw na suspendido ang Uber.

Gayunman, aminado si Mang James na blangko siya kung ipinagbabayad sila ng buwis ng Uber.


‘Simula ng Uber’

Tinatawag na revolutionary ng mga eksperto ang ideyang TNVS o Transport Network Vehicle Service ng magkaibigang sina Garret Camp at Travis Kallanick na mula sa San Francisco, California sa Amerika.

Ang napakasimpleng ideya sa pagtawag ng masasakyan gamit ang mobile application ang nagdala sa magkaibigan para sa multi – bilyong dolyar na negosyo na tinatangkilik naman sa mga pangunahing siyudad sa buong mundo.

Ang Uber ang siyang nagbukas sa mundo sa iba pang kumpanya na tinatawag na TNVS o Transport Network Service Company.

Taong 2009 nang mabuo ang ideya ni Camp nang mapanood niya ang James Bond movie, kung saan tina-track ng bida ang isang sasakyan sa pamamagitan ng kanyang cellphone.

Naisip ni Camp, bakit hindi kaya gawin ito sa hinihintay na taxi?

Noong una ay hindi ito iniintindi ni Kallanick dahil hindi niya nakikita ang pangangailangan para rito.

Ngunit nang maranasan ni Kallanick kasama si Camp na masigawan ng kanilang sinasakyang taxi sa Paris ay sumidhi ang pagnanais nila na magkaroon ng mas maayos na serbisyo sa transportasyon.

Sa pagbalik ng dalawa sa Amerika, nagpursige silang i-develop ang Uber, ngunit sa halip na kumuha ng fleet ng mga mamahaling sasakyan, naisip ni Kallanick na kunin ang serbisyo ng mga limousine driver na dating nag-o-operate sa siyudad.

Tinutukan ng naturang platform ang pagbibigay kombinyenteng serbisyo ng transportasyon gamit ang mga luxury vehicles.


‘Simula ng Grab’

Nagsimula naman ang grab bilang booking application para sa taxi, limousine at motorbikes.

Taong 2012 nang simulan nina Anthony Tan at Hoo Ling Tan ang naturang location based on demand application.

Unang sumibol sa Malaysia ang Grab na kinalaunan ay kumalat at pumatok sa buong timog silangang Asya kasama na ang Pilipinas.

Nakilala ang Grab bilang Grab-Taxi dahil nakatutok ito sa pagdi-dispatch ng mga taxi sa pamamagitan ng Grab application.

Noong 2014, isinama ng Wall Street Journal ang Grab sa kanilang Billion Dollar Start Up Club na nagdala sa naturang application company bilang isa sa mga nangungunang kumpanya sa Southeast Asia.

Agosto ng taong 2014 nang pasukin ng Grab ang Pilipinas, una itong sinubukan sa Metro Manila, Cebu City, Davao City at Iloilo City.

Dito din sa Pilipinas sinimulan ng Grab ang kanilang tinawag na Grabcar Plus, sa ilalim nito, sa halip na taxi ay high end o mamahaling sasakyan ang maari sumundo sa commuter.

Ang California sa Amerika ang kauna-unahang estado na nag-regulate at naglagay ng kategoryang TNV o Transport Network Vehicles sa mga kumpanyang tulad ng Grab at Uber.

Taong 2013 nang magkaroon ng ruling ang California Public Utilities Commission para isama sa regulasyon ang papasikat na ride – sharing application.

Iginiit ng naturang regulating body na hindi maaring i-exempt ang mga Transport Network Company sa umiiral na batas sa transportasyon kahit pa sabihin na sila ay application lamang.

Ayon sa artikulong lumabas sa times.com, tinukoy dito na hindi pipigilan na mag-biyahe ang mga pribadong sasakyan sa California kung sila ang mag co-comply sa requirements na ipinapataw sa mga pampublikong sasakyan.

Matapos na ipatupad ng California ang regulasyon sa mga TNVS ay sinundan na ito ng iba pang siyudad sa Amerika at siyudad sa mundo.


‘TNVS vs Taxi’

Kaginhawaan at makabagong karanasan sa transportasyon ang idinulot ng mga Transport Network Companies sa mga mananakay, ngunit sinapul naman nito ang industriya ng taxi.

Aminado si Philippine Taxi Operators Association President Bong Suntay na malaki ang ibinagsak ng taxi industry sa panahon ngayon.

Ngunit bukod sa mga TNVS, pangunahing dahilan nito ay ang walong (8) taon nang walang paggalaw sa pasahe sa taxi.

Ipinaliwanag ni Suntay na mas maraming taxi na ngayon ang nakatambak na lamang sa mga garahe dahil wala nang mga drayber na naglalabas nito.

Aminado si Suntay na kaya lumilipat ang mga drayber ay dahil sa mas malaking kita sa Uber at Grab gayong sa mga taxi ay paliit na ng paliit.

Noong taong 2010, sinabi ni Suntay na nakapag-uuwi pa ang isang drayber ng taxi ng hanggang P2,000.00 para sa 24 oras na biyahe.

Noon ding panahong iyon ay pumapatak pa ng P1,500 ang boundary sa 24 oras na biyahe ng taxi.

Malaking-malaki ang pagkakaiba nito sa kanilang kinikita sa panahon ngayon, ang boundary sa taxi ay ibinaba na rin sa P1,300.00 para lamang may maglabas nito habang ang naglalaro na lamang sa P600.00 hanggang P800.00 ang kita ng mga taxi driver sa ngayon.

Pinalagan ni suntay ang tila hindi pantay na pagtingin ng gobyerno sa mga taxi at TNVS.

Aniya, bago lumarga ang isang taxi ay kinakailangan na dumaan ito sa sandamakmak na proseso sa LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Office.

Ayon kay Suntay, kinakailangan mag-aplay ng prangkisa sa LTFRB kabilang sa requirements nito ay ang pagpapakita ng financial capacity para makapag-operate ng tax.

Kailangan aniya ay may garahe para sa sasakyan na iinspeksyunan din ng ahensya.

Kapag nabigyan ng prangkisa ay dapat na tadtarin na ng markings ang taxi, pakabitan ng metro at kumuha ng insurance.

Lahat ng ito ay dapat na gawin bago pa maipasada ang isang taxi at tumatagal ng lima hanggang anim na buwan ang proseso.

Aabutin pa aniya ng halos P10,000.00 bago pa makapag-biyahe ang isang taxi.

Tinukoy ni Suntay, habang ang taxi ay dumadaan sa magastos at mahabang proseso ay naging napakadali naman para sa mga pribadong sasakyan na makapag-biyahe at magsakay sa ilalim ng mga TNVS.

Habang ang mga taxi ay natulog na sa P40.00 na flat rate ang singil sa pasahe, ang Uber at Grab naman ay may sariling presyuhan batay sa pagkalkula ng kanilang system.

May tinatawag pa aniyang price surge ang naturang mga TNC kung saan tumataas ang pasahe depende sa dami ng demand at sa sitwasyon ng trapiko.

Hindi lingid sa kaalaman ni Suntay na maraming reklamo laban sa mga taxi driver.

Aniya, naiintindihan niya ang posisyon ng publiko sa kanilang mga hinaing sa mga taxi driver.

Ayon kay Suntay, masosolusyunan ito kung ang pasahe sa taxi ay tataasan upang makakuha ng de kalidad na mga drayber.

Noong 1989 ay wala pa umanong gaanong reklamo ang mga mananakay sa mga drayber ng taxi dahil malaki pa ang kita sa pagta-taxi.

Mayroon pa nga aniya silang mga college graduate na mga drayber dahil malaki ang kita sa pagmamaneho kaysa sa ordinaryong empleyado kaya marami ang sumusubok nito.

Positibo si Suntay na kung mapagbibigyan ng gobyerno ang taxi industry na magtaas ng kanilang pasahe ay malaki ang magiging pagbabago nito sa kanilang operasyon maging sa mga drayber.

Sa kabila ng mga pagdagsa ng mga Transport Network Companies ay naniniwala pa din si Suntay na hindi tuluyang mawawala ang mga taxi sa mga kalsada.

Aniya, maliit na porsyento lamang ng populasyon ang sumasakay ng Uber at Grab dahil marami pa rin ang sumasakay sa mga jeep, bus, MRT/LRT at mga taxi.

Mananatili aniya ang bahagi pa rin ng populasyon ang mas gustong sumakay sa tradisyunal na taxi.


‘Aksyon ng LTFRB’

Tila naabuso sa Pilipinas ang dating ride – sharing application.

Natuklasan ng LTFRB o Land Transport Franchising Regulatory Board na higit 100,000 mga sasakyan sa ilalim ng Transport Network Companies ang nagba-biyahe sa lansangan ng Metro Manila at iba pang mga pangunahing lungsod sa buong bansa.

Isinisi ito sa mga indibwal na naki-uso sa pag lo-loan ng kotse kung saan pagkatapos na mailabas sa kasa at maiparehistro sa Uber, Grab at U-Hop ay maaari nang magsimulang pagpasada.

Sa tala ng LTFRB, mula sa higit 100,000 mga TNVS, 14,000 hanggang 15,000 lamang dito ang mayroong prangkisa.

Nagulat din ang ahensya nang malaman na mayroong mga operator ng Transport Network Companies ang mayroong pag mamay-ari ng hanggang 50 sasakyan.

Iba’t ibang pagbatikos ang inabot ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board nang pagbayarin ng multa ang Uber ngunit sa kabila nito ay nanindigan ang ahensya na dapat na dumaan sa kanila ang lahat ng mga sasakyang na nagse serbisyo sa publiko.

Hindi maaring palampasin ang mga TNVS, ayon kay LTFRB Spokerson at Board Member Atty. Aileen Lizada, bagama’t application lamang ang mga ito ay itinuturing ang mga itong PUV’s o Public Utility Vehicles.

Kaya tulad ng mga jeepney, bus, taxi at iba pang mga sasakyan pampubliko ay kinakailangan silang dumaan sa inspeksyon at proseso na itinalaga ng gobyerno.

Paliwanag ni Lizada, hindi maaring tanggapin ang katwiran ng mga transport network companies na sila ay ride hailing application lamang dahil malinaw na sila ay transport provider.

Noong taong 2015, naglabas ng memorandum circular ang LTFRB, kasunod ng pagdami ng mga nagbababyaheng TNVS sa kalsada.

Binigyang-diin ng DOT o Department of Transportation ang kinakailangan na iregulate ng gobyerno ang biglang pagdami ng mga sasakyan sa ilalim ng TNVS at ang kanilang pasahe.

Mahalaga din aniyang masiguro na ang naturang mga kumpanya ay nagbabayad ng buwis at mayroong kaukulang garahe para maiwasan ang pagpa-park sa mga kalsada na nagpapasikip naman sa mga kalsada.

Ipinaliwanag ni Atty. Aileen Lizada ang proseso ng pagkuha ng prangkisa ng TNVS.

Ang Transport Network Companies ay nagpapa-accredit sa LTFRB bilang TNVS.

Sa ngayon ay tatlo lamang na TNC ang siyang kinilala ng gobyerno ito ay ang Uber, Grab at U-Hop.

Ang naturang mga TNC ay siya namang dapat na mag-screen sa mga partner driver na nagbabalak sa kanilang magpa-miyembro.

Kabilang sa mga kailangang i-secure ng mga nagnanais na maging drayber operator sa ilalim ng mga TNVS ay ang pagkakaroon ng valid ID, may edad 21 pataas at iba pa.

Kung sila ay ma a-accredit na, saka sila maaring mag-aplay ng TNVS franchise sa LTFRB.

Bago ang mismong prangkisa ay iisyuhan ang mga TNC driver partner ng provisional authority bago tuluyang naisyuhan ng Certificate of Public Convenience Franchise.

Binigyang diin ni lizada na tulad ng taxi ay kinakailangan ding makita ng ahensya ang garahe ng mga nag a-aplay para sa prangkisa.

Sa ganitong paraan ay masisiguro na hindi magpapasikip sa mga kalsada ang dagdag na sasakyan.

Dahil sa mas mahigpit na pagpapatupad ng pagkakaroon ng prangkisa sa mga TNVS, sinisiguro nito na magsusumite ng income tax return ang mga operator gayundin ang mga partner driver.

Kabilang sa mga bagong regulasyon na ipatutupad ng LTFRB sa mga TNVS ay ang insurance sa mga drayber at pasahero.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng LTFRB, parehong mayroong insurance ang kumpanyang Uber at Grab ngunit mas komprehensibo aniya ang sa Grab.

Ngunit sa bagong regulasyon na nakatakdang ilatag ng ahensya ay dapat na magkaroon ng pantay na insurance coverage at benefit ang mga kumpanya sa ilalim ng TNVS.

Hindi na din papayagan ng LTFRB ang pagkakaroon ng fleet sa mga Uber, Grab at U-Hop.

Aminado si Atty. Aileen Lizada na marami ang nag-loan ng mga bagong kotse para ipasok sa naturang mga application na ngayon ay nagkakaroon naman ng epekto sa trapiko.

Kaya naman, sa ngayon dalawa hanggang sa tatlo lamang ang papagayagang pagma-may-ari ng isang operator.

Dagdag pa dito ang pagpapataw ng moratorium sa bilang ng mga sasakyan sa ilalim ng TNVS.

Aminado si Lizada na marami sa mga nasa ilalim ng Uber at Grab ay mga hulugang sasakyan pa kaya naman pinag-aaralan na ilagay sila bilang shuttle o kaya naman ay tourist service.

Siniguro naman LTFRB na hindi nila papabayaang maagrabyado ang mga taxi sa usapin sa pasahe.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, kontrolado na sa time-two ang surge price ng mga TNVS.

Kasabay nito ay magpapatupad na rin ng bagong kwnetahan sa pasahe sa taxi.

Ang bagong paraan ay batay sa fare computation ng mga Uber at Grab kung saan hindi na nagbabase sa waiting time bagkus ay sa running time ng taxi.


Writers’ Note:

Patuloy ang pagbabago ng panahon.

Kasama dito ay ang pag-usad ng teknolohiya kung saan pinasok na rin ang industriya ng transportasyon.

Sa tindi ng trapiko sa panahon ngayon, malaking kabawasan sa paghihirap na dinadanas ng mga commuter kung ang pagtawag ng kanilang masasakyan ay pwede nang gawin sa kanilang mga smartphone.

Kasabay nito, malaking hamon naman sa gobyerno kung paano ire-regulate ang mga Transport Network Vehicle Services na dumagsa at nagpapasikip sa dati nang matrapik na kalsada sa bansa.

PAKINGGAN: SIYASAT: ‘Transport Network Vehicle Services (TNVS), Ginhawa o Pahirap?’

_____
October 7, 2017 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
paaralan sa piitan
Bilibid.

Kilala ito bilang isa sa mga kinakatakutang lugar dahil dito dinadala ang mga umano’y “notoryus” na kriminal.

Dito madalas ang karahasan o kaya naman ay rayot.

Lumalabas na nagsilbi ring sentro ng kalakaran ng iligal na droga sa bansa ang pambansang kulungang, New Bilibid Prison (NBP).

Taong 2014, tatlong magkakasunod na raid ang isinagawa sa Bilibid sa pangunguna ng noo’y Justice Secretary at ngayo’y Senador Leila De Lima, kung saan tumambad ang mga kontrabando katulad ng shabu, at magagarbong kubol ng high profile inmates.

Sinundan ito ng kabi-kabilang batikos dahil sa mga lumabas na balita na umano’y koneksyon ng senadora sa illegal drug trade sa NBP.

Matapos ang naturang insidente, kaagad na itinalaga na magbantay ang Special Action Force (SAF) sa Bilibid para masawata ang iligal na droga.

Ngunit kamakailan lamang ay nabunyag na muling nabuhay ang kalakaran ng iligal na droga sa loob at ngayo’y isinasangkot naman ang SAF.

Malalaking balita na sumindak sa publiko at patuloy paring gumigimbal hindi lamang sa local media kundi pati na rin sa international media.

Naitanong mo na ba sa’yong sarili kung may magandang balita naman kayang magmumula sa Bilibid?

Marahil ay hindi pa sapagkat maaaring ito ay palaging natatabunan ng mga negatibong balita.

Hayaang dalhin kayo ng DWIZ Social Media Team sa isa pang mukha ng Bilibid – ang PERPETUAL BILIBID EXTENSION SCHOOL, ang natatanging PAARALAN SA PIITAN na matatagpuan sa loob ng Medium Security Compound.

Kuwento ng PAG-ASA na mag-iiba ng iyong pagtingin hindi lang sa Bilibid kundi pati na rin sa mga bilanggo.

Dito nakilala namin sina alyas Mang Henry at alyas Benny.

Si Mang Henry ay dating isang kidnap-gang leader at napabilang pa sa most wanted na may patong pa sa ulo, labinlimang taon na ang nakararaan.

Habang si Benny naman ay nakulong dahil sa kasong pangagahasa ng kanyang kapwa estudyante at nakatakda nang maparolan matapos ang labing-apat na taon.

Kung tutuusin ay parehong habang buhay na pagkaka-bilanggo na ang kanilang sentensya pero sa pamamagitan ng PAARALAN SA PIITAN, nabigyan sila ng PANGALAWANG PAGKAKATAON at PANIBAGONG BUHAY.


‘NAG-AARAL AKO SA LOOB PIITAN’

piitan school

Sa naging panayam ng DWIZ Social Media team kay Mang Henry, inamin nitong nahirapan siyang tanggapin ang nangyari lalo pa’t ang mga kaanak niya ang unang humusga sa pagkatao niya.

Gayunman naniniwala aniya siya na sa bawat masamang pangyayari sa buhay ng isang tao ay may kaakibat itong panibagong pag-asa.

Sa pamamagitan ng extension school ng University of Perpetual Help DALTA sa loob ng Bilibid, nabigyan muli ang animnapu’t dalawang taong gulang na si Mang Henry na ipagpatuloy ang kanyang naudlot na pag-aaral.

“Tumatak sa isip ko na kapag may pagkakataon pa, hindi ko na gagawin yung ginawa kong pag-iwan sa passion ko na mag-aral, ‘yan ang inspiration ko.”

Hirap man, dahil sa malabo na ang mga mata at kulang sa pagkain, tinitiis niya ito dahil sa pangarap na mas magandang kinabukasan sa labas ng rehas.

“Kasama yan [paghihirap] sa investment ng pag-aaral, pero sanay ako sa hirap, isa yun sa advantage ko sa mga kasama kong nakakulong.”

Abot-langit ang kanyang pasasalamat sa University of Perpetual Help dahil hindi lamang edukasyon ang ipinagkaloob nito sa kanya kundi ang pagkakataong muling maibangon ang sarili at maibalik ang kanyang naglahong dignidad.

MULING PAGBANGON ang ibig sabihin ng EDUKASYON kay Mang Henry kaya’t napakahalaga umano nito sa kanya.

“Without educational attainment, gustuhin mo man na magkatrabaho, mayroon kang makikitang job vacancies pero lagi kang turned down, kung meron man, lagi doon sa pinakamababa.”

Kung papansinin lamang aniya natin ang bilang ng mga preso ay mapapa-isip tayo kung bakit ganoon na lamang ang pagdami nila.

Ani Mang Henry…

“Ang dahilan na nakikita natin dito ay IGNORANCE dahil sa kawalan ng EDUKASYON.”

“Kung ang tao lang natuto, nagkaroon ng karunungan, hindi siya hahantong sa madaling pagka-perahan, hindi siya hahantong sa krimen.”

Hindi rin natatapos sa karunungan ang tulong na ipinagkakaloob ng paaralan dahil sa pamamagitan rin nito ay nababawasan umano ang kanilang sentensya.

“Kapag nasa educational program ang isang preso magkakaroon ng additional 15 days na bawas sa sintensya aside pa doon sa regular 23 days, all in all 38 days ang nababawas sa sintensya namin kada buwan.”

Determinado ring sinabi ni Mang Henry na kung kinaya ng iba ay kakayanin niya rin…

‘’Nakita ko kung paano nalalaglag yung iba, may mga kasama kami 1st year kami 80 plus tapos naging 60 na lang, na kitang-kita mo, ano bang nangyari bakit nalaglag sila?”

“Nakita ko rin kung paano nagtagumpay ang iilan na nag-graduate, saan ko ba ilalagay ang sarili ko?”

Hangad rin ni Mang Henry na mahikayat ang iba pang preso na kunin ang ganitong oportunidad:

“Sana makita din ng ibang preso ang kahalagahan ng programang ito, marami kasi sa kanila ay nauubos ang oras, nauubos ang panahon.”

Sakaling makalabas na ng kulungan si Mang Henry, sinabi niyang ang una niyang gagawin ay makapiling ang kanyang pamilya at bawiin ang mga nawalang panahon para makasama sila.

Nais din ni Mang Henry na makahanap ng trabaho kapag nakalaya na siya.

Nang tanungin kung paano niya ilalarawan ang isang Mang Henry ngayon…

“BAGO. NABAGO, lahat ng aspeto, lahat ng pananaw.”

“Noon hindi naman ganito ang pananaw ko, akala ko wala na lahat, yun pala nare-redeem din yun.”

Ang hiling ni Mang Henry sa publiko:

“Huwag sanang husgahan ang mga nandito sa loob.”

“Una, maraming nasa loob talagang inosente, mayroon ding may kasalanan pero pinipilit magbago, pinahahalagahan nila yung SECOND CHANCE.”

Sa ngayon ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo si Mang Henry.


‘GRADUATE AKO SA LOOB NG PIITAN’

piitan school 2

EDUKASYON din ang muling nagbalik sa nawalang pangarap, respeto at dignidad ni Benny.

Salaysay niya, una niyang nakalaban ang sarili sa pagpasok sa Bilibid ngunit sa pagdaan ng panahon ay natutunan niyang yakapin ang mga salitang PAGTANGGAP at PAGPAPATAWAD: Pagtanggap na siya’y nakakulong na at Pagpapatawad sa mga taong nakasakit sa kanya.

“Ito [paaralan sa loob ng piitan] yung naging tool ko para kahit papaano ma-restore yung dignidad na meron ako na nawala tapos yung respeto, hindi lang naman ang ibang tao ang nawalan ng respeto sa’kin kundi ang sarili ko mismo, nung nag-aral ako unti-unting bumabalik yun.”

Aniya, dahil sa tulong ng paaralan ay naging mas madali ang pagtanggap niya sa kanyang sitwasyon at naging panatag at matiwasay ang pananatili niya sa loob ng kulungan.

“Sa totoo lang, ang pagkakakulong namin dito hindi more on physical, sa emotion ang talagang pinahirapan kami.”

“Tama nga kasi yung slogan nila na “CHARACTER BUILDING IS NATION BUILDING”, so, parang isang mission kami dito na ma-mold yung character namin, paunti-unti, yung mga dating ginagawa na hindi maganda nagbabago na siya, nagiging mas maganda yung tingin namin sa kinabukasan.”

Sa edad na 18 taong gulang nakulong si Benny, panahon na ang isang bata ay nagsisimula pa lamang mangarap at abutin ang mga ito.

Para kay Benny napaka-importante sa mga kabataan ang gabay ng magulang.

“Yung guidance, masyadong kritikal ‘yan sa mga teenager talaga eh.”

“Hindi ko naman sinisisi ang parents ko kung bakit ako nagkaganito pero tinitignan ko kung meron akong magulang na gumabay sa akin noong kabataan ko kahit papaano may magsasabi sa akin kung anong tama at mali.”

Ang mensahe ni Benny sa mga kabataan, dapat patuloy na bigyang halaga ang edukasyon, pamilya at mga pangarap.

“Mahalin niyo ang sarili niyo, huwag silang makuntento sa buhay na mahirap, mangarap sila kasi kung may pangarap pipilitin mong maabot yun, na makaahon sa hirap, mapalapit sa Diyos, i-value ang pamilya at sana …huwag nilang bibitawan ang pangarap nila.”

Inamin ni Benny na nagkamali siya noon at sa pagkakadapang iyon ay pinili niyang muling bumangon at ituloy ang naudlot na mga pangarap.

“Ang importante sa akin ay yung ngayon, nagbago na ako, at hindi ako mahihiyang sabihin na nakulong ako pero doon ako natuto sa loob.”

“Para sa akin dito pa lang nagsisimula, dito kasi sa paaralan sa loob itinuturing namin itong training ground, ang totoong laban wala dito, nasa labas.”

Ibinahagi ni Benny na sakaling dumating na ang oras ng kanyang paglaya, babawi aniya siya sa nawalang panahon sa kanyang sarili at mga mahal sa buhay.

“Unang-unang babawi ako sa mga nawalang araw sa akin, maghahanap rin ako ng trabaho, napaka-optimistic naman ng pagtingin ko sa hinaharap.”

Tiwala rin siya na marami pa rin sa labas ang tatanggap sa mga kagaya niyang preso.

Gayunman, payo niya ay unahin munang mahalin, ipagmalaki at bigyan ng halaga ang sarili dahil doon aniya magsisimula ang pagtanggap saiyo ng ibang tao.

Ayon kay Benny, mas higit na kailangan ng mga preso ang PAGMAMAHAL kaysa sa pagkain o kaya ay materyal na bagay.

“Karamihan sa amin ay kulang sa pagmamahal, ng pamilya, kaibigan, o minamahal na personal kaya nagbisyo, yung iba hindi naisip yung pagmamahal sa iba kaya nakapatay o nakapagnakaw.”

Kasabay nito, pinayuhan rin ni Benny ang mga kapwa preso:

“Sana huwag niyong limitahan ang sarili niyo na hanggang dito na lang ako, lumabas kayo sa kahon niyo para makita niyo ang oportunidad.”

“Sana makita nila yung value ng pag-aaral pagdating ng panahon.”

Para kay Benny hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ibalik at ibahagi sa iba ang pag-asang ibinigay sa kanya ng edukasyon.

“Salamat talaga dahil ako’y nakapagtapos.”

“Sa bawat araw wala akong ibang gagawin kundi magpasalamat, ibalik ang kabutihang ibinigay sa akin ng Perpetual at ng Bureau [of Corrections], sa awa ng Diyos nabibigyan ako ng chance in a way na makatulong ako sa mga guro at mga kapwa ko bilanggo.”

Taong 2011 nang matapos ni Benny ang apat na taong kurso sa Bilibid Extension School at kasalukuyan nang nagtuturo sa nasabing paaralan.

Ilang taon na lang ang gugugulin ni Benny sa kulungan at tuluyan na rin siyang makakalaya.


‘TEACHER AKO SA LOOB NG PIITAN’

piitan school 3

Pinatunayan ng volunteer teacher na si Catherine De Monterverde o mas kilala bilang Ma’am Cathy na walang makahahadlang sa kanyang propesyon, ang PAGTUTURO, kahit rehas man.

Sa pagsabak niya sa pagtuturo sa loob ng Bilibid, sa ilalim ng Perpetual Bilibid Extension Program, nakita niya kung gaano ka-uhaw sa EDUKASYON ang mga kababayan nating nakakulong.

Ani Ma’am Cathy, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok na pagtuturo sa loob ng Bilibid ngunit, inamin niyang tinamaan rin siya ng takot noong una.

Kwento niya…

“Tinatanong ko doon sa kasama ko [na pulis], sabi ko, SINO YUNG MGA PRESO DITO?”

“Tapos sabi nila, MA’AM, YAN PONG NAKAKASALUBONG NYO, PRESO NA ‘YAN.”

“Ang nasabi ko na lang, AHH…PRESO NA PALA ‘YAN [sabay tawa].”

Hindi naman aniya nagtagal, nawala ang kanyang takot dahil ibang-iba ang imahe ng kulungan sa napapanood sa telebisyon kumpara sa totoong buhay.

Binigyan diin ni Ma’am Cathy na may mahalagang papel ang edukasyon sa mga nakakulong.

Hindi man aniya agad-agad, pero nakakatulong ito para maibalik ang mga nawalang tamang pag-uugali ng mga peso para sa mga sarili nila, sa pamilya nila, sa ibang tao at sa Diyos.

Sa paraang ito, nabibigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga presong gustong bumalik muli sa tamang landas.

Masisipag aniya ang mga estudyante niya sa loob at makikita rin na desidido ang mga ito na matuto.

Base na rin umano sa mga guro na naiimbitahan nilang magturo sa loob…

“Mas gusto nila yung pakiramdam ng nagtuturo dito [sa Bilibid].”

“Hindi nila ini-expect na yung mga estudyante dito is… magagaling, may respeto, masisipag.”

“So, parang ibang-iba talaga, ibang-iba talaga sa mga iniisip natin sa labas.”

Ipinabatid ni Ma’am Cathy na nahihirapan lamang aniya silang mga guro sa mga resources dahil limitado lamang ang mga ito katulad ng mga pagsasaliksik gamit ang internet.

Ngunit sa kabila naman aniya ng kakulangang ito, nakukuha parin naman ng mga estudyante niya na makahanap ng diskarte.

Ani Ma’am Cathy, hindi preso ang kanilang turing sa mga tinuturuan nila kundi mga normal na estudyante, na ang hangad ay matuto para sa panibagong buhay na kahaharapin sa labas.

Ilang beses na rin siyang nagtangkang lumipat sa pampublikong paaralan dahil tinututulan ng kanyang pamilya ang kanyang ginagawa ngunit wika niya…

 “IBA KASI ‘PAG NILAGAY MO YUNG PUSO MO SA TRABAHO.”

Kusa ang kanilang ginagawang kawang-gawa kaya’t wala man silang natatanggap na sahod sa tinuturuang programa, hindi aniya mapapantayan ng kahit anuman ang binibigay na taba sa kanilang mga puso.

Ito ay dahil sa ipinapakitang 100% determinasyon ng kanilang mga estudyante na magbagong buhay.


PANUKALANG ANTI-DISCRIMINATION ACT FOR EX-CONVICT

Nanawagan si Ma’am Cathy na sana ay magkaroon ng panukalang ANTI-DISCRIMINATION ACT FOR EX-CONVICT.

Ayon kay Ma’am Cathy, totoo na hindi madaling patawarin ang isang taong nakagawa ng krimen kaya’t hindi rin natin masisisi ang mga taong nanghu-husga sa mga preso, lalo na’t kung ikaw ang naging biktima nito.

Ngunit, aniya…

“Yung [mga] preso na nasa loob is nag-serve na sila ng sintensya nila eh. Natapos na nila, nagbayad na sila ng kasalanan nila.”

“Nagbayad na sila ng kasalanan nila sa lipunan. So, dito sa pagkakakulong nila, siguro naman mas nakilala nila yung Diyos, so, malamang nagbayad na rin sila ng kasalanan sa Diyos.”

Layon ng kanilang panawagan na mabigyan muli ng pagkakataon ang mga makalalayang preso na ipagpatuloy ang kanilang magandang buhay na kanilang binuno sa loob ng kulungan.

“Dapat nga meron tayong batas na Anti-Discrimination Act sa kanila para continuous parin yung life nila kasi anong gagawin nila ‘pag nakalaya sila? Gagawa na naman sila ng hindi mabuti… kasi nga ayaw silang tanggapin eh”

Ultimong hindi sila madalaw sa kulungan ng kani-kanilang pamilya ay isa nang malaking sakripisyo lalo na kapag kaarawan nito, Pasko o Bagong Taon.

Dagdag pa niya…

“Buti nga sila [mga preso] napagdusahan [na nila yung krimen na ginawa nila], marami pa nga sa labas na alam naman natin [hindi pa nahuhuli at patuloy sa ginagawa nilang krimen].”

Giit pa niya…

“’Yun ‘yung pinapanawagan namin talaga sa government, doon sa mga senators, sa mga congressman, na dapat talaga maglagay sila ng bill na anti-discrimination sa mga ex-convict na hayaan silang mabigyan ng PAG-ASA, na mabigyan ng bagong buhay.”


SAY ng DOJ (BuCor)


 SAY ng DOST


SAY ng TESDA


SAY ng SENADO 


ANG KASAYSAYAN NG PERPETUAL BILIBID EXTENSION SCHOOL

KASAYSAYAN 1

KASAYSAYAN 2KASAYSAYAN 3KASAYSAYAN 4

                                  Photo Credit: Dennis Abrina

MGA KURSO

courses


SCHOOL SUPPLIES PARA SA ‘PAARALAN SA PIITAN’

Donasyon para sa Paaralan sa Piitan


Writers’ Note:

Patunay sina Mang Henry at Benny na bagamat nakakulong ay MALAYANG mangarap ng isang mas magandang kinabukasan, MALAYANG muling bumangon at magbago, MALAYANG magbigay ng tulong, magpatawad at magmahal.

Minsan na kaming naging biktima ng kaisipan na wala nang pag-asa ang mga preso ngunit ipinakita sa amin nina Mang Henry at Benny ang kanilang pagpupursige na magbagong buhay.

Naramdaman naming mahirap din ang kanilang pinagdaanan para baguhin at ibalik sa magandang ayos ang kani-kanilang mga buhay.

Si Mang Henry—minulat niya kami sa kabutihang idinulot ng paghihigpit ng aming mga magulang at pagpapahalaga sa pamilya.

Pamilyang bubuo at huhubog sa’yo na maging mabuting tao.

Pinukaw kami ng mga salita ni Benny na dapat naming ipagpatuloy ang mga nasimulang pag-abot sa pangarap.

Kumurot din sa aming puso ang sakripisyong ginagawa ni Ma’am Cathy—pagpapakita na kung mahal mo ang iyong ginagawa ay wala kang hihinging anumang kapalit.

Hindi lamang edukasyon ang kailangan para umasenso ang lipunan, kundi ang pagtutulungan ng bawat isa.

Tulungan mo rin ang iyong sarili.

Nagpapasalamat kami kina Mang Henry, Benny at Ma’am Cathy dahil sa magandang aral na mapupulot ng bawat magbabasa at makakapakinig ng #PaaralanSaPiitan.

Nawa’y magsilbi silang inspirasyon at paalala sa lahat na laging… hindi pa huli ang lahat.

Saludo po kami sa inyo!

Written By: Aiza Rendon and Race Perez
Contributor: Ira Cruz
Edited By: Jun del Rosario
—-

 

 

 

September 1, 2017 0 comment
4 Facebook Twitter Google + Pinterest
bird flu
Ano ang avian influenza o bird flu?

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ito ay isang infectious disease dulot ng bird flu Type A viruses.

Ang virus na ito anila ay tumatama sa mga ibon sa buong mundo partikular ang mga nasa katubigan (migratory birds) na naipapasa naman sa mga manok at iba pang domestic poultry animals dahil sa paglipat-lipat ng lugar.

Sa ibang bansa, may mga pagkakataong naipasa na ito sa tao dahil naman sa hindi maingat na paghawak sa mga may-sakit na manok.

Narito ang ilang strain ng bird flu:

H5N1

Ang H5N1 virus ay nakamamatay, sa ibon man o sa tao.  Ang strain na ito ay naipapasa sa tao sa pamamagitan ng close contact sa mga ibon o manok na may bird flu.
Unang naitala ang kaso ng H5N1 virus sa tao noong 1993 sa Hong Kong na naghatid ng pangamba sa publiko.
Ayon sa WHO, sa pagitan ng 2003 at July 2014 umabot na sa 667 kumpirmadong kaso ng H5N1 infection sa tao sa 16 na bansa kung saan 393 dito ang namatay. Animnapung porsyento ang death rate ng H5N1 sa tao.

H7N9

Ang strain virus na ito ay mapanganib rin ayon sa WHO.
May mga ebidensyang nagpapakita na ang uri ng avian flu virus na ito ay naipapasa rin sa tao (person to person) ngunit binigyang diin na bihira o ‘rare’ lamang itong mangyari.

H7N7

Taong 2003 nang magkaroon ng outbreak ng virus na ito sa isang chicken farm sa The Netherlands na kumalat sa halos 800 poultry farms.
Na-infect ng nasabing virus ang aabot sa 90 katao sa lugar at 1 ang naitalang patay.

H10N8

Unang nadiskubre sa China noong 2013.
Hindi itinuturing na banta sa mundo ng mga researcher ang strain virus na ito.
May tatlong naitalang kaso sa tao at dalawa ang nasawi simula noong December 2013.

H10N7

Ang unang kaso sa tao ay naitala noong 2004 sa Egypt kung saan dalawang bata ang tinamaan ng virus.
Ang mga sintomas ay hindi malala at gumaling naman ang mga bata.

H7N3

Taong 2004 nang magkaroon ng outbreak dahil sa strain virus na ito sa Canada kung saan milyun-milyong ibon ang naapektuhan.

May dalawang naitalang kaso sa tao ngunit hindi naman naging malala.

Sa Pilipinas, naitala ang unang kaso ng bird flu noong July 2005 sa isang maliit na sakahan sa Calumpit, Bulacan ngunit natuklasan na ‘low-pathogen’ lamang ang strain at hindi mapanganib sa mga tao.

Outbreak in Pampanga
H5N6

Kinumpirma ng DA na maaaring maipasa sa tao ang bird flu virus na tumama sa mga manok at iba pang ibon sa San Luis, Pampanga.

Ito ay kasunod na lumabas na resulta ng pagsusuri ng Animal Health Laboratory sa Australia kung saan tinukoy ang strain bilang H5N6.

Ayon kay Dr. Arlene Vitiaco, pinuno ng Animal Disease Control Section ng Bureau of Animal Industry, positibong subtype ng N6 strain ang bird flu virus ngunit napakababa ng tiyansang makahawa ito.

Ang nasabing strain ng bird flu ang kumalat sa China noong isang taon subalit mababa ang mortality rate kumpara sa H5N1 strain na nagresulta sa bird flu pandemic noong 2004 hanggang 2007.

Pinawi rin ng Department of Health o DOH ang pangamba na kumalat sa tao ang bird flu matapos makumpirma na H5N6 ang uri ng virus na kumalat sa San Luis Pampanga.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, bagamat puwedeng mailipat mula sa manok patungo sa tao ang H5N6 na strain ng bird flu virus, bibihira pa itong nangyari kahit noong panahong lumaganap ito sa China at Vietnam.

Hindi aniya ito katulad ng H5N1 strain na kumalat maging sa tao sa iba’t ibang panig ng mundo noong 2007.

Tiniyak ni Ubial na handa sa ganitong sitwasyon ang DOH at ang Department of Agriculture o DA.

Diyan na po tayo sa paghahanda, 2004 pa po noong unang parang nagkaroon tayo ng scare, so ngayon ay talagang nakahanda na ang DA at DOH, buong bansa meron tayong negative pressure na mga rooms, meron po tayong mga testing centers.” Ani Ubial

 —AR | DWIZ 882

 

 

 

 

 

August 24, 2017 0 comment
2 Facebook Twitter Google + Pinterest