Home HEADLINES SPECIAL REPORTS

SPECIAL REPORTS

MELANIE 2

Kinamulatan na ng 45-anyos na si Melanie Delfin ang pamamanata sa Our Lady of Peñafrancia o “Ina” para sa mga deboto nito.

Tubong Naga City si Melanie at sa murang edad ay nakita niya ang matinding debosyon ng kanyang ama rito.

Kuwento ni Melanie, maliit pa man ay sakitin na ang kanyang ama.

Kaya naman namanata ang kanyang lola noon kay “Ina” para mapagaling ang kanyang ama.

Nang magkaroon na ng isip ay namanata na rin ang kanyang ama hanggang sa ito ay nagka-pamilya.

Hindi malilimutan ni Melanie na palagi siyang kasa-kasama ng kanyang ama sa tuwing pumapasan ito sa pista ng Ina ng Peñafrancia.

Bago aniya pumanaw ang kanyang ama sampung taon na ang nakaraaan, nagbilin ito kay Melanie na may dapat magpatuloy sa kanilang pamilya ng pamamanata kay Ina.

Dito na inako ni Melanie ang responsibilidad na ipagpatuloy ang debosyon ng kanyang ama at ngayon nga ay limang taon na siyang pumapasan at nakikipagbuno sa dagat ng mga tao tuwing kapistahan ng Ina ng Peñafrancia.


Si Melanie Delfin, deboto ng Ina ng Peñafrancia, bilang pasasalamat sa maraming biyayang naipagkaloob ni Ina sa kanilang pamilya, nagpatato si Melanie ng Imahe ni Our Lady of Peñafrancia sa kanyang binti

MELANIE

“Everytime na naiiyak… everytime na nalulungkot… everytime na may problema ako, si Ina [ang takbuhan ko]. Palagi akong si Ina… kaya gusto ko nasakin lang siyang palagi” Ani Melanie

 

MELANIE 2

Imahe ng Ina ng Peñafrancia na ipinatato ni Melanie


Ang iba pang kuwento ng himala at pananampalataya, abangan sa aming “Siyasat: Haplos ng Himala” Marso 24 sa ganap na 7 – 8 ng umaga.

 

 

 

 

March 19, 2018 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
icc

Wala pang epekto o anumang implikasyon ang naging deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagkalas ng Pilipinas bilang signatory sa Rome Statute, ang kasunduang lumikha sa International Criminal Court o ICC.

Ayon kay Professor Ramon Casiple, isang political analyst, ito’y dahil merong batas na ipinasa ang Kongreso para sa implementasyon ng kasunduan at may proseso para tuluyang kumalas dito.

“Treaty ‘yan eh, ang process actually nasa Presidente ang unang step, but there are still some more steps, the Congress, particularly the Senate has to agree na umalis tayo.”

“The treaty itself stipulates na from the time na binigyan mo ng notice as a government, na mag-withdraw, one year pa ‘yan bago actually mag-withdraw.” Ani Casiple

Sinabi na Casiple na sa kasalukuyan ay mananatiling epektibo at ligal ang pagpapatupad ng nasabing tratado sa bansa sa kabila ng pahayag na pagkalas ng Pilipinas.

“Kung may mga mangyari within the year, that will still apply to the country, ibig sabihin mas important ‘yung ginawa ni President at ang intention rather than may actual force and effect kaagad.” Dagdag ni Casiple

Ibinahagi ni Casiple na isa ang Pilipinas sa mga bansang nanguna sa pagbuo ng tinaguriang Rome Statute.

Aniya isa ang yumaong senador na si Miriam Santiago sa mga nominado para irepresenta ang Pilipinas na maglilitis ng mga kaso sa ICC.

“She’s our nominee at tinanggap ‘yun pero hindi na siya nakapag-serve fully dahil nagkasakit na ang senadora.”

Binigyang diin ni Casiple na bagama’t hindi puwedeng pakialaman o pigilan ng anumang bansa ang desisyon ng Pilipinas na tuluyang mag-withdraw sa ICC ay kinakailangan pa ring dumaan ito sa tamang proseso.

“We have to determine that within our own, we willingly went into it, we should be willingly go out of it, nasa atin ang desisyon diyan.”

“Public opinion siguro or mga representation ng ibang gobyerno, or acts of Congress kasi ‘yung pag-alis natin has o be approved by the Senate, magbobotohan sila, ‘yun lang ang makakapagpigil unless the President himself changes his mind.”


Sa Article 127 ng Rome Statute na pirmado ng Pilipinas nakasaad ang prosesong dapat sundin ng isang bansang nais kumalas sa kasunduan.

“1. A State Party may, by written notification addressed to the Secretary-General of the United Nations, withdraw from this Statute. The withdrawal shall take effect one year after the date of receipt of the notification, unless the notification specifies a later date.

2. A State shall not be discharged, by reason of its withdrawal, from the obligations arising from this Statute while it was a Party to the Statute, including any financial obligations which may have accrued. Its withdrawal shall not affect any cooperation with the Court in connection with criminal investigations and proceedings in relation to which the withdrawing State had a duty to cooperate and which were commenced prior to the date on which the withdrawal became effective, nor shall it prejudice in any way the continued consideration of any matter which was already under consideration by the Court prior to the date on which the withdrawal became effective.”

Hindi mag-uumpisa ang proseso sa deklarasyon lamang sa publiko na kakalas na ang Pilipinas sa ICC bagkus ay una, kinakailangang magpadala ng sulat o ‘letter of intent’ ang Pilipinas na naka-address sa Secretary-General ng United Nations, sa kasalukuyan, ito ay sa katauhan ni UN Secretary-General Antonio Guterres.

Oras na matanggap na ng UN ang sulat, kinakailangang maghintay ng isang taon ang gobyerno ng Pilipinas para maging epektibo ang tuluyang pagkalas sa kasunduan.

Matapos ang isang taon ay tsaka lamang masasabing hindi na miyembro ng ICC ang bansa.

Gayunman binigyang diin sa kaparehong artikulo sa Rome Statute na ang anumang imbestigasyon na nasimulan bago pa man kumalas ang isang bansa sa kasunduan ay magpapatuloy pa rin.

Ang ICC ay may hurisdiksyon na mag-imbestiga sa mga indibiduwal para sa mga mabibigat na krimen katulad ng genocide o pagpatay ng lahi, crimes against humanity o mga krimen laban sa sangkatauhan tulad ng mass murder, rape at sexual slavery, war crimes o mga krimen sa digmaan tulad ng pag-torture sa mga sibilyan at paggamit sa kabataan bilang sundalo sa giyera, at crime of aggression o ang paggamit ng armadong puwersa ng isang bansa laban sa soberanya, integridad o kalayaan ng isa pang estado.

Layon ng hukuman ang pandaigdigang kooperasyon upang maprotektahan ang lahat ng tao mula sa paglabag sa karapatang pantao.

Sa kasalukuyan ay aabot sa 123 bansa ang sakop ng ICC treaty na nagsimula noong 2002.

Para naman sa dating Solicitor General na si Florin Hilbay, hindi maaaring magdesisyon ang Pangulo sa sarili lamang nito dahil ang ICC aniya ay niratipikahan ng Senado. Dagdag pa ni Hilbay, magiging epektibo lamang ang pagkalas ng Pilipinas sa pandaigdigang hukuman pagkatapos pa ng isang taon matapos itong ipahayag.

Ang sentimiyentong ito ay sinegundahan din ng Integrated Bar of the Philippines sa isang statement:

An important national decision such as the country withdrawing from the Rome Statute should undergo the same scrutiny, diligent study, and debate that the country’s prior decision of entering into the Rome Statute went through.


‘Highlights’ matapos mapabilang ang Pilipinas sa ICC

Agosto 2011

Niratipikahan ng Senado ang Rome Statue o ang kasunduan na lumilikha sa International Criminal Court o ICC. Ito rin ang nagbigay daan sa Pilipinas na maging ika-117 miyembro ng nasabing hukuman. Sa kapareho ring buwan ay ninomina ng Department of Foreign Affairs si Senator Miriam Defensor-Santiago bilang isang posibleng maging hukom dahil sa expertise nito sa international law.

miriam

Disyembre 2011

Naging isang ICC judge si Santiago kung saan ay nakakuha ito ng 79 na botong mula sa 104 casted votes sa naganap na eleksyon sa New York. Si Santiago ang naging kauna-unahang Pilipina na umupo sa tribunal na lumilitis sa mga kaso ng genocide, war crimes at crimes against humanity. Ayon kay Santiago, ang Pilipinas ang nanguna sa unang round ng botohan.

Hunyo 2014

Pormal na sumulat si Santiago kay ICC President Sang-Hyun Song para iparating na magbibitiw na ito sa puwesto dahil sa iniindang sakit na Chronic Fatigue Syndrome. Sa kabila nito, nagpahayag pa rin ng suporta si Santiago sa tratado.

Narito ang link transcript ng sponsorship speech ni Santiago bilang Chair ng Subcommittee on the Rome Statute. (Source: Senate of the Philippines)

http://www.senate.gov.ph/press_release/2011/0816_santiago2.asp


Isa rin sa mga tahasang nag-lobby para sa pagratipika ng Pilipinas sa Rome Statute ay si Presidential Spokesperson Harry Roque na kilala rin bilang isang human rights lawyer. Ayon kay Roque, ang pagkakabilang ng Pilipinas sa ICC ay isang malaking hakbang upang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng pagmamalabis noong mga nakaraang administrasyon.

ROQUE 2

Narito ang kabuuang pahayag ni Roque matapos maging signatory ang Pilipinas sa ICC:

“After eleven years of lobbying, the Philippine Senate yesterday gave its concurrence to the Rome Statute of the International Criminal Court. This will finally pave the way for the country to be the 117th state party to the International Criminal Court. Ironically, Commission on Human Rights chairman Loretta Ann Rosales rightfully observed that 117 is also reflective of the voting pattern yesterday at the Senate: one negative vote and 17 affirmative votes! It was Senate President Juan Ponce Enrile who cast the lone dissenting vote amidst his continuing concern that Philippine troops fighting real live insurgencies may be subject to nuisance suits before the court. This is a concern that is readily addressed by the Rome statute since the court will only exercise jurisdiction on the basis of “complementarity”: only when our domestic courts are unable and unwilling to do so. It was an afternoon of suspense, to say the least. Two days ago, I was at the Senate floor with no less than 100 supporters of the court to witness the much-awaited concurrence. We were disappointed. After the opening rituals, Senate Majority Floor leader Tito Sotto asked the senators to attend a caucus at the senators’ lounge. We thought that the caucus was about the citation for contempt against the LTA accountant who was believed to be lying through her teeth. Little did we know that it was about the ICC! In a last-ditch effort to stall our membership in the court, the Senate President apparently warned the senators about his perceived downside of membership in the court. Out of deference to their leader, the body then agreed to defer voting on the resolution for a day. That was the cliffhanger. At least three senators warned me that it would be difficult to pass a resolution that the Senate President opposed. It was hence a long day of lobbying with seemingly endless telephone calls and text messages to any senator who was willing to listen. In the end, one senator claimed, “concurrence was never threatened at any point”. Apparently, the one-day deferment was simply out of deference to Senator Enrile. The International Criminal Court was created to prosecute individuals who may commit the most serious crimes against the international community. These crimes include genocide, defined as an “intent to destroy in whole or in part, a nationality, ethnic or religious group of people”; war crimes, defined as “targeting protected individuals and resorting to prohibited means and methods of warfare”; crimes against humanity, defined as “widespread or systematic attacks against civilian populations knowing that it is being directed against civilian populations”; and aggression, or the act of waging war.
The court will prosecute individuals without regard to sovereign immunity as a defense, a fact that has enabled the court to issue two warrants of arrests against sitting heads of state: Omar al-Bashir of Sudan and Moammar Gaddhafi of Libya. Furthermore, it prosecutes individuals who are probably guilty of the foregoing crime on the basis of command responsibility. This principle provides that military commanders and sitting presidents may be held responsible for crimes committed by their subordinates where they knew about it and failed to prevent their happening. Furthermore, there is no prescription for these crimes. This explains why very old individuals are still being tried for crimes that they committed as long ago as World War II. The timely Senate ratification will also enable us to nominate a Judge to the court. Apparently, one seat is up for grabs for Asia in this year’s Assembly of State Parties election for Judges scheduled for December of this year. Had the Senate waited any longer, we would miss the deadline for nomination, which is already on September 2 of this year.

Of course we celebrated. Becky Lozada, Executive Director of the Philippine Coalition for the ICC, treated to a feast at a fusion Filipino restaurant at the trendy techno hub. But after the celebration, the reality set in that the task ahead are still challenging, if not daunting.

First, there is the procedure for nominating Judges. The Rome Statute provides that we must comply with the process of selecting Judges for our own Supreme Court, or through the Judicial Bar Council. Alternatively, we should comply with the process required for the nomination of judges for the International Court of Justice. The problem with both is the lack of time given the deadline of September 2.

Then there is the obligation under the Rome Statute to punish crimes cognizable by the ICC under domestic law and to do all acts necessary for a state party to cooperate with the Court. Fortunately, the recently enacted International Humanitariam Law is sufficient basis for our courts to exercise primary jurisdiction for purposes of complementarity. It is only in the area of cooperation that we have to pass further legislation, executive orders and even revisions to our rules of court. This is a challenge since the need now is to lobby all three branches of government to ensure that our domestic laws and procedure are in synch with the Rome statute.

To be candid, I never thought that membership in the ICC was possible, at least before I become geriatric. This is because of the many atrocities under both the Marcos and Arroyo regimes that remain unpunished. Well, it’s always a pleasure to be proven wrong. Here, credit should go to both the Senate and to President Benigno Aquino III. It was the latter who reversed the Arroyo policy of rejecting the ICC as a means of ending impunity. On behalf of all victims of impunity, I express my gratitude to both the Senate and Pnoy for finally granting the Filipino people an effective remedy to impunity.”


Samantala, sinusuportahan naman ni Roque ang desisyon ni Pangulong Duterte na kumalas sa ICC kung saan ay pinuna ang aniya’y malimit na paglabag ng nasabing hukuman sa complementary rule tulad ng ginawa nilang preliminary investigation sa Punong Ehekutibo.

Sa ilalim ng complementary rule, puwede lamang kumilos ang ICC kapag hindi na gumagana ang mga Korte sa isang bansa at wala nang ibang susulingan ang mga gustong magreklamo.

Ang ICC po, hindi po ‘yan ang court of first instance, ‘yan po ay binuo ng mga kasapi ng ICC kasama ang Pilipinas para maging court of last resort. Gagalaw lang po dapat ang ICC kapag ang mga lokal na hukuman ay hindi gumagana. Pahayag ni Roque sa press briefing sa Malacañang

Sa katunayan, dalawang beses na rin nagsalita si Roque sa assembly ng ICC para iparating ang obserbasyon niya sa paglabag nito sa complementary rule.


By Aiza Rendon and Ira Cruz

March 15, 2018 0 comment
2 Facebook Twitter Google + Pinterest
front

Hindi mabibilang at matatawaran ang mga naging kontribusyon sa lipunan ng kababaihang Pilipina, mula sa panahon ng Kastila hanggang sa muling maibalik ang demokrasysa sa Republika.  Dito tumatalima ang mga katagang “Sa bawat tagumpay ng isang lalake ay may isang babae na nasa likod nito” (in every man’s success there is a woman).  Sa panahon na naging dominante ang pamamayagpag ng mga kalalakihan, sumasabay din ang Pilipina maging saan mang aspeto, maging ito man ay para sa kalusugan, edukasyon, siyensya, politika, medesina, at demokrasya.  Naging simbolo rin ang Pilipina ng katapangan at pagmamahal para sa inang bayan, paulit-ulit itong nasusulat sa mayamang kasaysayan ng Pilipinas.

Narito ang ilan sa mga natatanging Pilipina na nag-ambag ng napakalaking kontribusyon upang kilalanin ang babaeng Pilipino hindi lamang sa sariling bansa kundi maging sa buong mundo.

1. GABRIELA SILANG – Ipinanganak nong Marso 19, 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur. ang unang Pilipinang namuno sa paghihimagsik noongGabriela Silang image kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Ikinasal sa murang edad dahil sa kagustuhan lamang ng ama, na kalaunan ay napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay at siya ay maagang nabiyuda.

Makalipas ang ilang taon ay muling nag asawa, sa kilalang pigura ng himagsikang Pilipino na si Diego Silang.  Lumaban si Diego Silang sa mga Kastila at nakilala sa pagpapalaya sa bayan ng Vigan sa lalawigan ng Ilocos. Ang mag asawang Diego at Gabriela Silang ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda.

diego silang

Ipinagpatuloy ni Gabriela ang maagang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang, ngunit sa hindi inaasahan, ang kanyang puwersa ay nawalan ng laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan interes ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong Pebrero 1763.

Si Gabriela Silang ay dinakip at binitay noong Setyembre 20, 1763. Bilang pagkilala ng mga kababaihan kay Gabriela Silang, ang kanyang katapangan ang naging inspirasyon ng pagtatag ng partido pampolitika na GABRIELA.

2. MELCHORA “TANDANG SORA” AQUINO – Ipinanganak nong Enero 6, 1812 sa Banilad, Caloocan. Tinagurian siyang “Tandang Sora”, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 18tandang sora image96.

Ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang Cabeza de Barrio at may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal.

Taong 1896, sumiklab ang kalupitan ng mga dayuhang Kastila sa mga Pilipino, isa na rito ang pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Marami ang dinakip, pinahirapan, kinulong at pinatay. Dahil dito, tumakas ang karamihan sa kagubatan at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Melchora Aquino ay kanyang tinanggap,  bata man o matanda, babae o lalaTandang-Sora-monumentki.

Nalaman ng mga kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga Katipunero kaya’t siya ay dinakip at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Matapos ang digmaang Kastila-Amerikano, bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora. Matandang-matanda na at walang naiwang ari-arian. Nabuhay siyang dukha at namatay sa kahirapan noong Marso 2, 1919 sa edad na 107 sa tahanan ng kanyang anak na si Saturnina, unang inihatid ang kanyang mga labi sa Cementerio del Norte, sa Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion.

Bilang pagkilala sa kabayanihan ni Melchora “Tandang Sora” Aquino, Taong 2012, Bilang pag gunita sa kanyang ika-200 kaarawan, ang pamahalaang lungsod ng Quezon ay nagpasya na ilipit ang kanyang mga labi mula sa Himlayang Pilipino Memorial Park patungo sa Tandang Sora National Shrine sa Banlat, Quezon City. Gayundin idineklara ng lungsod na ang taong 2012 ay tawaging Taon ni Tandang Sora.

3. MARCELA AGONCILLO - Ipinangak noong Hunyo 24, 1859 sa bayan ng Taal, Batangas. Nakilala si Marcela Agoncillo bilang ina ng Pambansang Watawat ng Pilipinas.

portrait

Si Marcela Coronel Mariño ay anak ninaDon Francisco Diokno Mariño at Doña Eugenia Coronel Mariño, isang kilala at may-kayang pamily sa bayan ng Taal, Batangas. Bilang anak ng kilalang angkan, tinawag si Marcela bilang” Roselang Bubog” na may kahulugan na  “a virgin enthroned in the town church”. Dahil sa angking kagandahan at karangyaan, may mga ulat na inaabangan si Marcela ng mga taong bayan tuwing ito ay magsisimba sa umaga kasama ang kanyang mga kamag anak.

Nagtapos sa Santa Catalina College at sa edad na 30, ikinasal kay Felipe Encarnacion Agoncillo at binayayaan ng anim na supling. Noong sumiklab ang Philippine Revolution, sinamahan niya ang kanyang asawang si Felipe at namuhaysa ibang bansa, sa Hong Kong.  Habang nasa Hong Kong, pinakiusapan ni General Emilio Aguinaldo si Marcela na maglikha at magtahi ng isang watawat na magsisimbolo ng bansang Pilipinas.  Kasama ang kanyang panganay na anak na si Lorenza at kaibigang si Delfina Herbosa y Natividad, kanilang mano manong nilikha at sinulsi ang nasabing watawat na hiniling ni General Emilio Aguinaldo gamit ang kamay at isang makina.

May 17, 1898, ang nilikhang bandila ay personal na inabot ni Marcela at isinama sa mga bagahe ni Presidente Emilio Aguinaldo pabalik ng Maynila. Sa unang pagkakataon ay winagayway ang pambansang bandila sa balkonahe ng bahay ni Presidente Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit Cavite bilang simbolo ng pagka Independiente ng Republika ng Pilipinas kasabay ng pagtugtog ng pambasang awit ng Pilipinas na nilikha ni Ginoong Julian Felipe, isang Filipino music teacher at composer mula sa Cavite.

xphilippine-independence-declaration-1898.jpg.pagespeed.ic.Kdeo0wHHax

Tahimik na namayapa si Marcela Agoncillo noong Mayo 30, 1946 sa Taal, Batangas sa edad na 86. Ang kanyang mga labi ay inilapat sa Catholic Cemetery sa La Loma batay na rin sa kahilingin ni Marcela na maitabi ang kanyang labi sa puntod ng kanyang asawa.

4. Honoria Acosta-Sison – Ipinanganak noong Desyembre 30, 1880.  Salungat sa kagustuhan at payo ng kanyang mga magulang at kaHonoria Sisonibigan, nag apply at nakuhang scholar si Honoria Acosta-Sison para mag aral ng kursong medisina sa bansang Estados Unidos noong 1904.

Sa mundo ng medisina na karamihan ay mga kalalakihan noong panahong iyon, si Honoria ay nagpakadalubhasa sa larangan ng obstetrics and gynecology na kung saan ay kalimitan iniiwasan ng mga kababaihan na magpakonsulta sa mga doktor na lalake.

Nagsilbi si Honoria bilang isang obstetrics’ assistant sa Saint Paul’s Hospital at kalaunan ay nagturo ng medisina sa Unibersidad ng Pilipinas, kolehiyo ng medisina taong 1912. Nakapag limbag ng 103 libro hinggil sa siyensya at nagpakilala ng method na low caesarian section na pangangak sa bansa.

Si Honoria ay tinaguriang unang Pilipinang Doktor na binigyang parangal ng iba’t ibang institusyon at pagkilala kasama na ang Presidential Medal for Medical Research.

5. Elisa Rosales-Ochoa – Isilang noong Desyembre 3, 1897 sa lalawigan noon ng Butuan na ngayong pinangalanang Agusan, anak nelisa-rosales-ochoainaCanuto Rosales and Ramona Villanueva.

Naging isang lesensiyadong nurse noong taong 1915 matapos kumpletuhin ang kanyang pag aaral sa Philippine General Hospital.  Ikinasal kay Enrique Ochoa, isa ring kilalang manggagamot sa larangan ng medesina.

Naging aktibo si Elisa sa pagbibigay ng atensyong medikal sa  mga sugatang Filipino at  Amerikano noong panahon ng ikalawang digmaan pandaigdig.

Bago sumiklab ang ikalawang digmaan, kumandidato si Ginang Ochoa bilang kinatawan ng lalawigan ng Agusan noong taong 1941 at nanalo, dito ay nakuha niya ang titulong kauna unang babaeng Kongresista sa Pilipinas. Pansamantalang natigil ang kanyang panunugkulan dahil sa Japanese Occupation sa Pilipinas.  Taong 1943, matapos ang pananakop ng mga Hapon, sa panunumbalik ng gobyernong Commonwealth sa pamumuno ni dating Presidente Sergio Osmeña, muling naibalik sa pwesto si Ginang Ochoa bagamat hindi siya napabilang na nihalal sa unang kongeso ng Pilipinas, nanatili pa ring aktibo si Ginang Ochoa bilang Presidential Technical Assistant on Health kina Presidente Ramon Magsaysay and Carlos P. Garcia.

Pumanaw si Ginang Elisa Rosales-Ochoa noong Septyembre 20, 1978, sa edad na  80. Nakahimlay ang kanyang mga labi sa Butuan City.

6. Geronima Tomelden-Pecson – Ipinanganak noong Desyembre 19, 1895 Barrio Libsong, Lingayen, Pangasinan.  Ang kauna unahang babaeng Senador sa Republika ng Pilipinas. Pangalawang anak nina Victor Tomelden and Pacita Palisoc.

Geronima Tomelden-Pecson

Tumakbo at nanalo bilang Senadora noong 1947, pinangunahan ang komite sa edukasyon at kalusugan. Bago naging Senadora, si Ginang Pecson ay isang guro at isaang social worker,  naging pribidaong secretary ni dating Presidente Jose Laurel at naging executive secretary ni dating Pangulong Manuel Roxas.

Binansagang “Super Social Worker”, naging aktibo sa pagkilala sa batgeronimaas hinggil sa edukasyon lalong lalo na sa Free and Compulsory Education Act at Vocational Education Act. Naging kauna unahang miyembro ng UNESCO executive board noong taong 1950.

Sa kanyang pagbaba sa pwesto sa Senado noong taong 1953, pinarangalan si dating Senadora Pecson ng iba’t ibang institusyon at unibersidad bilang pagiging miyembro ng UNESCO board.  Taong 1955 itinatag ni Ginang Pecson ang Foundation of Youth Development of the Philippines na kung saan siya ang naging administrator nito hanggang sa kanyang pagpanaw noong taong 1989.

7. Natividad Almeda-Lopez – Isinilang noong Setyembre 8, 1892 sa lungsod ng Maynila.  Naging abogado noong taong 1914 na kung saan kinokonsidera na ang propesyon ng abogasya ay domenante ng mga kalalakihan.

Naging aktiboNatividad Almeda-Lopez sa pamamahayag para sa mga kababaihan noong taong 1918.  Sa kabila ng pagiging dominante sa bilang ng mga kalalakihang abogado, si Ginang Lopez ang naging kauna unahang babaeng hukom sa bansa noong 1934 sa lungsod ng Maynila, nanatili si Judge Lopez sa pagiging hukom hanggang sampung taon.

Nakatangap ng maraming parangal kasama ang 2 Presidential Medals of Merits at Presidential Award sa pagkilala sa kanyang naging ambag sa pagtatangol ng karapatan ng mga kababaihan sa lipunan.

8. Josefa Llanes Escoda – Ipinanganak noong Setyembre 20, 1898 isang kilalang Pilipinang tagapagtaguyod ng mga karapatang pangkababaihan sa Pilipinas at tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines.

Noong World Talambuhay ni Josefa Llanes EscodaWar II, nilusob ng mga Hapones ang Pilipinas. Hinuli ang asawa ni Escoda noong Hunyo 1944, inaresto rin si Ginang Escoda pagkaraan ng dalawang buwan, noong Agosto 27. Ibinilanggo sila sa Fort Santiago, sa kulungang pinagkabilangguan din ng kanyang asawang si Koronel Antonio Escoda, na sumailalim sa parusang kamatayan noong 1944.

Huling nakita si Josefa Escoda noong Enero 6, 1945. Matapos noon ay kinuha siya at ikinulong sa isa sa mga gusali ng Far Eastern University’ na ginagamecoda at 1000it ng mga sundalong Hapones. Pinaniniwalaang pinarusahan siya ng kamatayan ng mga Hapones at inilibing sa isang walang tandang libingan sa loob ng Libingan ng La Loma, na kung saan ginamit ng mga Hapones bilang isang libingan para sa libu-libong mga Pilipinong lumalaban sa pananatili ng mga Hapones sa Pilipinas.

9. Fe Del Mundo –  Ipinanganak noong Nobyembre 27, 1911.  Nakilala sa larangan ng medisina at kauna unahang estudyaDKfm4xvUQAEZnIHnteng babae na natangap sa Harvard Medical School. Nanguna sa pangangalaga ng kalusugan ng mga bata at nagsimula ng Ospital na Pambata sa Pilipinas o tinatawag na ngayong Children’s Medical Center of the Philippines. Siya ay pinangarangalang Pambansang Siyentipiko noong 1980.

Dahil sa angking talino ni Ginang Del Mundo, binigyan siya ni Pangulo Manuel L. Quezon ng isang scholarship sa alinmang unibersidad sa Estados Unidos. Limang taon siyang nagpakadalubhasa sa Pediatrics sa Harvard University. Tinapos niya ang kursong Master of Arts in Bacteriology sa Boston University.Dr.FeDelMundo

Kasabay ng Ikalawang Digmaang pandaigdig, nagboluntaryo si Dr. Del Mundo sa International Red Cross sa Unibersidad ng Santo Tomas. Bilang pangunahing manggagamot ng mga bata, ipinagmamalaki ni Dr. Del Mundo ang kanyang mga pananaliksik sa mga sakit na tulad ng polio, rubella at varicella. Ang mga pag aaral na  ito ang nagsilbing basehan sa paggamit ng mga bakuna sa buong bansa.

May isang kaso na inakalang tipus o typhoid fever ang kumalat na epidemya noong 1954. Dahil sa pagtitiyaga at pananaliksik ni Dr. Del Mundo, ito ay nadiskubre na isa palang dengue. Ito ang unang pagkakataong nakilala at naitalaga ang sakit na dengimagesue sa Pilipinas. Si Dr. Del Mudo ang Pinay doctor na nakaimbento ng medical incubator na para sa mga pre mature na sanggol.

Pinangunahan din ni Dr. Del Mundo ang pagkakaroon ng mga botika sa barangay at mga sentrong pangangalaga para sa mga ina at bata na lubos na pinapakinabangan ngayon.

10. Carmen Planas –  Isinilang noong Marso 23, 1914 – Ipinanganak noong Marso 23, 1914 sa Tondo Maynila. Tinaguriang kauna unahang babaeng konsehal sa isang lungsod. Isang UP Law student, naging kandidato ng Young Philippines, isang micarmen-planasnority political party noong taong 1934 noong eleksyon para sa Manila Municipal Board, na kung saan nanguna si Ginang Planas sa ibang mga beteranonf kandidato.

Tinawag na Manila’s Darling at kinilala sa galing sa pakikipagdebate.  Kanyang pinangunahan ang komite ng pangkalusugan, edukasyon and social welfare sa konseho, si Ginang Planas din ang naging instrument sa pagkakaroon ng mga day nurseries, health centers, murang pabahay at periodic medical assistance para sa mga mahihirap na mamamayan ng lungsod.carmen-planas 2

Matapos ang kanyang termino bilang kauna unahang babaeng konsehal, nagpatuloy ang buhay politikal ni Ginang Planas, lumahok sa mga international conferences ng mga abogado bilang kinatawan ng bansa. Naging kinatawan din bilang Red Cross Governor at nirepresenta ang bansa sa Red Cross International Convention of Governors.

11. Whang-Od –  Isinilang noong Pebrero 17, 1917 mula sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga. Si Maria Oggay o kilala bilang Whang-whang-od-mambabatok-4Od ang tinuturing huling natitirang mambabatok o tradisyunal na tattoo artist sa Pilipinas.  Kabilang din si Whang-Od sa tribong Butbut, isang katutubong tribo sa lalawigan ng Kalinga.

Mula sa edad na 15 ay natuto nang mag tattoo si Whang-Od, tradisyunal na ginagawa ang paglalagay ng tattoo sa mga tribo ng mga mangangaso at mandirigman sa kanilang lugar.  Bagama’t nawala na ang panganib sa kanilang hanay, patuloy pa rin si Whang -Od sa traditional na paraan na pambabatok na patuloy na dinarayo ng mga lokal at banyagang turista sa Buscalan.

Nagkaroon ng mga panukalang isama sa listahan ng mga National Artist of the Philippines si Maria Oggay bilang natitirang mambabatok sa kanyang henerasyon.  Ang kanyang nominasyon bilang National Living Treasure ng Gawad Manlilikha ng Bayan sa Tagalog ay opisyal na tinanggap ng National Commission for Culture and Arts noong Oktubre 21, 2017 at dadaan sa masusing deliberasyon ng panel.whang od 3

Bukod sa pambabatok, isang respetadong nakakatanda si Whang-Od sa kanilang lugar, madalas ay makikitang nagpapatogtog ng kanyang kalaleng o tinatawag na nose flute sa panahon na siya ay nagpapahinga. Batay sa mga iba pang datos, si Whang-Od ay nagdiwang kanyang ika-100 kaarawan noong Febrero 17 na kung saan ibinigay sa kanya ng national government ang benepisyo ng Centennial Act of 2016 o Republic Act 10868.

12. Corazon Aquino – Ipinanganak noong Enero 25, 1933.  Si Maria Corazon “Cory” Cojuangco Aquino o kilala bilang dating Presidente Cory Aquino ay isang Filipina painter at kalaunan ay nabilang sa imahe sa usaping politikal ng bansa.  Nagsilbi bilang ika-11 Presidente ng Republika ng Pilipinas at kauna unahang babaeng Pangulo na nanilbihan sa bansa.  Binigyang kredito cory 1bilang ina ng Demokrasya sa Asya, kauna unahan ding babaeng Presidente sa buong Asya, ang pinaka matatag na pigura ng 1986 People Power Revolution na nagtapos sa 21 taong authoritarian rule5ff8a88e28a81016d6da5fad92eaf445 ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos and sinasabing nagbalik ng demokrasya sa Pilipinas.  Na isulat din ng prestihiyong pahayan na Times Magazine bilang Woman of the Year noong taong 1986.  KInilala rin bilang leader sa isang matahimik at matagumpay na mapayapang rebolusyon para sa panunumalik sa demokrasya mula sa isang diktador sa rehimen.

Si Ginang Aquino ay isang simpleng may batay ng pinaslang na Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ang numero unong kritiko ng mga Marcoses noong panahon ng Martial law sa bansa.  Noong nag-exile sa Estados Unidos si Ninoy Aquino, sumama si Ginang Aquino at kanilang mga anak.  Taong 1985 nagpasya si Senator Ninoy Aquino na bumalik sa bansa upang harapin sa legal na paraan ang dating Presidente Marcos.  Sa kasamaang palad pinatay si Ginoong Aquino sa Manila International Airport sa pagbaba nito sa sinasakyang eroplano.  Dahil sa kaguluhang naganap, nimagesagpatawag ng isang snap election si dating Presidente Marcos, kumandidato rin sa nasabing snap election ang maybahay ni Senator Ninoy Aquino na kilala lamang bilang Cory Aquino katuwang si Salvador Laurel bilang Bise-Presidente.  Iprinoklama ng Batasang Pambansa na muling nanalo si Presidente Marcos at kanyang Bise-Presidente Arturo Tolentino.  Dito lumabas ang mga ulat ng malawakang dayaan, walk out ng mga election officers at nanawagan si Ginang Aquino ng isang malawakang aksyon sa hindi pagsunod sa mga ipinag uutos ng pamahalaan.  M300px-Corazon_Aquino_inaugurationaging ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at Simbahang Katolika ay sumuporta kay Ginang Aquino.

Dahil sa kawalan ng panig ng sandatahang lakas ng Pilipinas kay Pangulong Marcos, umalis sa bansa ang Pamilya Marcos at tumungo sa Hawaii, USA na kung saan iprinoklama si Corazon Cory Aquino bilang ika-11 Presidente ng Republika.

Sa kanyang panunungkulan, naharap si dating Presidente Cory Aquino sa paulit ulit na coup de etat na pinamunuan ng mga dating sundalong tumulong sa kanyang maupo sa pwesto. Lahat ng ito a250px-Cory_Aquino_funeraly kanyang nalagpasan hanggang sa pagtapos ng kanyang termino noong taong 1992.  Bumalik sa pribadong buhay at bilang pagkilala sa kanyang naiambag sa bansa, pinarangal si Ginang Aquino ng prestihiyosong Ramon Magsaysay Award, ang maituturing na Nobel Prize ng Asya noong taong 1998.

Taong 2008, na diagnose si Ginang Aquino na may Colerectal Cancer,  Agosta 1, 2009 tuluyan nang binawian na ng buhay ang dating Pangulong Cory Aquino ang tinaguriang Ina sa panunumbalik ng  demokrasya sa Pilipinas at sa Asya.

Photo Credits: Google Image, Pinoy imbentor website, Fe del mundo.com, Twitter, time mag, wikipedia and apriljoytorio.wordpress.com

March 13, 2018 0 comment
5 Facebook Twitter Google + Pinterest
ICC

Ang International Criminal Court o ICC ay isang intergovernmental na organisasyon at pandaigdigang tribunal na nakaupo sa The Hague, Netherlands.

Nagsimulang maging epektibo ang ICC noong ika-1 ng Hulyo 2002, ang petsa ng pagpapatupad ng Rome Statute sa pamamagitan ng ratipikasyon ng 60 estado. Layon ng hukuman ang pandaigdigang kooperasyon upang maprotektahan ang lahat ng tao mula sa paglabag sa karapatang pantao.

Ang ICC ay may hurisdiksyon na mag-imbestiga sa mga indibidwal para sa mga mabibigat na krimen na ginawa noong o pagkatapos ng Hulyo 1, 2002 at ang mga krimen ay ginawa ng isang estado katulad ng:

  • genocide o pagpatay ng lahi
  • crimes against humanity o mga krimen laban sa sangkatauhan tulad ng mass murder, rape at sexual slavery
  • war crimes o mga krimen sa digmaan tulad ng pag-torture sa mga sibilyan at paggamit sa kabataan bilang sundalo sa giyera
  • crime of aggression o ang paggamit ng armadong pwersa ng isang bansa laban sa soberanya, integridad o kalayaan ng isa pang estado.

HURISDIKSYON AT SAKLAW NG KAPANGYARIHAN

Pinagtibay ng Pilipinas ang hurisdiksyon ng ICC sa estado sa pamamagitan ng ratipikasyon sa Batas ng Roma noong Agosto 30, 2011, sa kundisyon na ang bansa ay dapat tumupad sa principle of complementarity na ipinaliwanag sa DWIZ ni Atty. Mark Tolentino, dating state attorney ng Office of the Solicitor General.

‘Yung Pilipinas, nakapirma ‘yan sa Rome statute, particularly sa International Criminal Court, pero may kundisyon, hindi absolute ‘yung pag-ratify ng Pilipinas sa ICC. Ang isang kundisyon niyan ay we have to comply the principle of complementarity. Ibig sabihin, ‘yung ICC should only be the court of last resort. Ano ba itong court of last resort? Ito ay kapag ang state is unwilling to carry out an investigation or prosecution of a crime.

Ipinaliwanag din ni Tolentino ang pagkakaiba ng Korte Suprema sa ICC.

Ang Supreme Court ay isang domestic court, it is the highest law of the land in so far as the Philippine laws are concerned. But in the eye of international law, example ‘yung mabibigat na krimen tulad ng crimes against humanity, ang highest court of the land ay ang International Criminal Court but kung pwede ‘yung kaso ay i-file sa Supreme Court, hindi na tayo pwedeng pupunta pa sa ICC kasi pwede itong i-dismiss on the ground of lack of jurisdiction.

LEGAL NA PROSESO NG HUKUMAN

Preliminary examination

Sa preliminary examination, tutukuyin muna ng Office of the Prosecutor kung may sapat bang ebidensya at bigat ang kasong inihain at kung ito ba’y saklaw ng hurisdiksyon ng ICC. Sisiguruhin din ng piskal na ang mangingibabaw sa posibilidad ng pagbubukas ng imbestigasyon ay ang pangkalahatang interes ng mga biktima at ang pagbibigay hustisya.

Kapag lumabas na walang sapat na merito at hindi ito bumabagsak sa hurisidiksyon ng ICC, ang kaso ay hindi maaaring tumungo sa imbestigasyon at ito ay agad na mababasura.

Preliminary investigation

Matapos makakalap ng ebidensya at matukoy ang suspek, maaaring humiling na ang Prosecution sa mga mahistrado ng ICC na mag-isyu ng:

  • Warrant of arrest kung saan ay nakabase ang ICC sa kanya-kanyang estado na magsagawa ng pag-aresto at i-transfer ang suspek sa ICC o,
  • Summons to Appear kung saan ang suspek na ang kusang haharap sa hukuman (ito ay sa sitwasyon kung hindi makakapag-isyu ng arrest warrant)

Maaaring humiling muli ang prosecution ng confirmation of charges sa pamamagitan ng pagpreresenta ng panibagong ebidensya

Pre-Trial stage

Sa Pre-Trial stage, kukumpirmahin ng mga mahistrado ang pagkakakilanlan ng suspek at sisiguruhin na naiintindihan nito ang kanyang kinakaharap na kaso.

Matapos ang pagdinig ng prosecution, defense panel at mga legal representative ng biktima, maglalabas ng desisyon ang mga mahistrado pagkalipas ng 60 araw kung mayroong bang sapat na ebidensya ang kaso para tumungo sa paglilitis o ang trial stage.

Kapag hindi humarap sa hukuman o naaresto ang suspek, maari pa ring maghain ng legal submission sa Korte ngunit ang pagdinig ay hindi maaaring magsimula.

Trial stage

Dapat patunayan ng prosecution team na guilty ang akusado sa mga mahistrado.

Matapos ang maiging delibersayon, maglalabas ng hatol ang mga hukom. Kung napatunayang guilty ang akusado, maglalabas na ang Korte ng sentensya tulad ng hanggang 30 taon na pagkakakulong o habambuhay na pagkakabilanggo, depende sa kaso

Kapag walang sapat na ebidensya sa kaso, mapapalaya ang akusado at isasarado na ang kaso.

Appeals stage

Parehas na may karapatan ang prosecutor at defense panel na mag-apela sa naging hatol sa kaso, maging ang mga biktima at ang inaakusahan.

Ang apelang ito ay pagdedesisyunan ng 5 mahistrado ng Appeals Chamber, kung ang naging verdict sa kaso ay kakatigan, aamyendahan o babaligtarin at ito na ang magiging pinal na hatol.

MGA KASONG HINAWAKAN

Nakapag-isyu na ang ICC ng 31 warrant of arrest kung saan walo sa mga ito ay nakulong sa ICC detention center at humarap sa hukuman; 15 ang pinaghahanap pa samantalang ibinaba na ang kaso sa tatlong iba pa dahil sa pagkamatay ng mga ito.

Siyam katao na rin ang nahatulang guilty sa kaso habang isa ang napawalang sala.

Narito ang ilan sa mga personalidad na nilitis ng ICC:

Isinampang kaso laban kay Pangulong Duterte hinggil sa isyu ng human rights

Magsasagawa ng paunang review ang International Criminal Court o ICC sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang tugon sa isinulong na imbestigasyon ni Atty. Jude Sabio noong April 2017 sa anito’y crimes against humanity.

Si Sabio ang abogado ni Edgar Matobato, ang confessed hitman ng umano’y Davao Death Squad.

Para sa ilang miyembro ng mababa at mataas na kapulungan, isa itong welcome development para makamit ang hustisya ng umano’y mga naging biktima ng pang-aabuso sa karapatang pantao.

Ayon kay Sen. Antonio Trillanes, tiyak aniyang matatauhan at mapagtatanto ng pangulo na hindi siya nangingibabaw sa batas.

Giit ni Sen. Trillanes, panimulang hakbang pa lamang ang isasagawang preliminary investigation ng ICC para sa hinahangad na hustisya ng mga pamilya  ng mga biktima ng human rights tulad ng extrajudicial killings.

Una dito, ipinabatid ng Palasyo na ‘welcome’ ang isasagawang paunang review ng ICC sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpasalamat din si Cong. Gary Alejano sa ICC sa pakikinig sa kanilang reklamo kahit na inabot ng isang taon bago nasimulan ang pagsisiyasat.

Ipinabatid pa ni Alejano na kumakalap na ang ICC ng available information sa mga nagaganap na madugong kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Samantala, isang abogado naman ang naniniwala na mababasura rin agad ang kaso laban sa Pangulong Duterte dahil sa principle of complementarity na isang kundisyon ng Pilipinas sa pagratipika nito sa Batas ng Roma.

Ayon kay Atty. Mark Tolentino, hindi ang ICC ang court of last resort.

In this case, ‘yung kaso na inihain laban kay Pangulong Duterte sa ICC, it will be dismissed by lack of jurisdiction, based on my research kasi sabi ng principle of complementarity ang ICC is just only the court of last resort. In this case, kailangan mong i-prove na walang korte sa Pilipinas na pwedeng i-demanda si Pangulong Duterte. Preliminary examination pa lang naman ang ginagawa, ibig sabihin, tinitingnan ng Korte kung mayroong probable cause. Kapag may basehan na ang kaso doon na tutungo sa preliminary investigation.

February 23, 2018 0 comment
3 Facebook Twitter Google + Pinterest
bitcoin

“Currency of the future”, “digital” o kaya naman ay online currency, ang ‘Bitcoin’ ay mabilis na nakilala sa mundo at nagkaroon ng angking halaga.

Sa huling tala nitong nakaraang taon at sa loob lamang ng 9 na taon, umaabot na sa humigit kumulang 10 hanggang 20 milyon ang bilang ng user base ng Bitcoin sa buong mundo bagamat hindi ito kongkreto dahil sa dami ng gumagamit nito. Ito ay sa kabila ng kawalan ng seguridad sa paggamit nito sa kalakalan at pamumuhunan.

Taong 2009 nang maimbento ni Satoshi Nakamoto ang pinaka-unang Bitcoin na ‘Genesis Block’, na may halagang 50 coins at pinatakbo sa pamamagitan ng computer codes.

Sa Bitcoin o kilala rin na ‘crypto-currency’, uubrang itago ng isang tao ang kanyang pagkakakilanlan o maging anonymous Bitcoin user.

Karamihan din sa mga Bitcoin ay walang regulasyon at hindi rin kinikilala o tinatanggap ng gobyerno o tradisyunal na mga bangko para ipambayad sa mga utangibig sabihin, ito ay laganap lamang online.

Dahil online o virtual lamang, hindi pupuwedeng i-imprenta ang Bitcoin at gamitin katulad ng ordinaryong pera.

Pero bakit dumarami ang nahuhumaling sa paggamit ng Bitcoin?

Nakakaalarma, pero isa sa mga nakikitang dahilan ng pagkahumaling sa Bitcoin ay ang madaliang paggamit nito para sa mga iligal na transaksyon sa internet. Wala kasing rehistro, walang regulasyon at walang batas na nakakasakop dito.

Dumarami na rin ang mga kilalang kumpanya tulad ng Microsoft at Expedia na isang travel booking site na tumatanggap ng Bitcoin na may halaga na ng katulad sa pera para ipambili ng mga kalakal o serbisyo.

Sa Europa ginagamit din ang Bitcoin kahit sa pagbili ng bahay o kaya naman ay kotse.

Gaya ng tipikal na klase ng kalakalan, naka-base ang paglago ng halaga ng Bitcoin sa supply at demand dito; mas maraming bansa at negosyong gumagamit ng Bitcoin, ay mas mataas na halaga nito.

Ngunit ayon sa mga financial expert, 88% hanggang 90% ng mga Bitcoin owner ay gumagamit nito para sa investments o pagpapalago ng kanilang pera.

Kumpara sa ibang palitan ng pera, mas mabilis ang naitatalang pagtaas sa halaga ng Bitcoin at may pagkakataon pa na nado-doble ang halaga nito sa loob lamang ng isang buwan. Sa katunayan may isang pangyayari na umabot ng hanggang sa $19,000 katumbas ng P950,000 ang naging halaga ng isang Bitcoin lamang.

Hati ang mga opinyon ukol sa Bitcoin.

Bagama’t maraming nasisilaw dito dahil sa pangakong mabilis na paglago ng pera ay nagbabala naman ang mga financial expert na walang seguridad sa paggamit ng Bitcoin dahil maaari itong mawala na parang bula sa isang iglap lamang.


ANO ANG TURING NG ILANG BANSA SA BITCOIN?

Japan ang pinaka-unang bansa sa Asya na kumilala at nagsabatas sa paggamit ng Bitcoin. Kamakailan lang ay isang Japanese company na ang nag-anunsyo na sisimulan na nilang gamitin ang Bitcoin sa pagpapa-suweldo sa kanilang mga empleyado.

Isa rin ang Australia sa mga yumakap sa paggamit ng Bitcoin ngunit sa ngayon ay pinag-iisipan na ang pag-regulate dito lalo’t patuloy na lumalaki ang bilang ng mga mamumuhunan na gumagamit nito sa merkado.

Sa China naman bagamat dumating sa pagkakataon na umabot sa 80% ang Bitcoin ownership nito, sa ngayon ay tuluyan na nitong ipinagbawal ang ‘crypto-currencies.’

Banned o ipinagbabawal na rin ang Bitcoin at iba pang digital currencies sa Vietnam bagamat sa India at Indonesia naman ay pinag-iisipan nang lagyan ng regulasyon ito.

Kamakailan lang ay naglabas din ang Singapore ng babala sa kanilang mga mamamayan ukol sa paggamit ng Bitcoin dahil sa mga nakikitang panganib kapag ginamit ito sa pamumuhunan.

ANG BITCOIN SA PILIPINAS

Noong Agosto ng nakaraang taon inaprubahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang dalawang Bitcoin exchanges.

Naglabas din ang BSP ng gabay ukol sa Bitcoin o iba pang virtual currency exchange nitong Oktubre, 2017. (BSP Guidelines)

Sa panayam ng DWIZ kay Atty. Ruel Refran ng Philippine Stock Exchange sinabi nitong sa Pilipinas ay marami-rami na ring Pinoy ang hindi lang sumubok kung hindi ay malalim na ang investment sa Bitcoin.

Ngunit binigyang diin ni Refran na kasabay ng pagpasok sa kalakalan gamit ang Bitcoin ay ang takot…takot na biglang mauwi sa wala ang pinag-hirapang pera.

“Kapag nangyayari ang pagbaba, dahil hindi naiintindihan what drives the price, siguro ang fear greets them, natatakot lalo sila at worst case scenario ay paano kung magsara ang webpage na kanilang pinag-iinvestan.”

“Wala pang pormal na regulasyon ang Securities and Exchange Commission o SEC ukol dito, wala pang regulasyon para siguruhin na ang safety ng investment ay andiyan, ‘di mo rin alam kung ininvest talaga yan o paraan lang yan ng isang scheme para magkakaroon ng maraming investors, at some point ang mga huling papasok diyan ang tatamaan dahil hindi na masu-sustain.”

Ayon kay Atty. Refran sa pagsisimula ng 2018 ay naitala ang 25 porsyento na pagbagsak sa halaga ng Bitcoin at naiulat din ang pagsasara kamakailan lang ng isa sa malaking Bitcoin exchange na ‘Bitconnect’, ang isang nakikitang dahilan ay ang regulatory pressure.

“Ang kanilang explanation they are looking at venturing into other space/business parang e-wallet na lang, dati kasi puwede silang magbigay ng loan sa Bitcoin users, sa aking pagkakaalam kahit mga Pilipino may investment sa ‘Bitconnect’ na ito.”

“I think yung regulatory pressure at yung mga artikulong lumalabas tungkol sa ‘Bitconnect’ bumigay na rin siya kasi number one napakalaki ng usapin sa South Korea, sa India, China na ipagbabawal itong crypto-currency exchange.”

Paalala ni Atty. Refran, mahalagang maging maingat sa pag-iinvest ng pera upang hindi magsisi sa huli. Wika nga niya, “If it’s too good to be true ay kailangan ka nang mag-ingat.”

Aniya, maiging iwasan din na makiuso kapag investment o savings ang pinag-uusapan at kung nais talagang mag-invest ay gawin ito ng tama at alamin ang tamang proseso.

“Dapat hindi maging emosyonal sapagkat may kuwento o experience ang ibang kakilala mo, hindi ibig sabihin na gagawin mo na rin. Ang tawag namin diyan sa merkado eh group think, grupo sabay-sabay, pare-parehas mag-isip or follow the others ka na lang kung anong ginawa ng iba hindi naman dapat ‘yun ang maging aksyon mo rin.”

“Magandang lesson If you really want to invest, please do it right, intindihin natin may mga pormal namang pamamaraan, bagamat ang teknolohiya already allows you to consider itong mga ganitong investment opportunities ay may mga pormal naman pong channels na ang mga savings at hard-earned money natin ay huwag namang mawawala.”

Para naman sa IT expert na si Jun Lozada, may positibong aspeto din sa paggamit ng Bitcoin na malaking tulong sakaling ang pinag-uusapan ay transparency sa paggastos at pag-tunton kung saan napupunta ang pera o ang inyong naimpok na pera.

“Actually, kumbaga ang nasa likod talaga nitong Bitcoin na ito, ‘yung pinaka-makina nito, ang tawag doon ay “block chain”. Ang maganda para sakin ah, depende sa iba, kung ako ang nasa gobyerno, gagamitin ko ito eh. Kasi ang bawat transaksyon sa Bitcoin ay naka-record. Halimbawa, ang budget ko ay 3.8 trillion tapos ilalagay ko sa Bitcoin ito, lahat ngayon ng transaksyon ko, babayaran kita ng Bitcoin, bawat transaksyon mo, naka-record yan sa block chain ng Bitcoin mo. Kumbaga, halimbawa, ako si Jun Lozada, babayaran kita yung Bitcoin ko ay makikita kasi lalabas ang pangalan nating dalawa, lalabas ang pangalan ko doon na halimbawa ngayong araw, itong si partido A, binayaran si partido B ng 2,000 pesos, nakalista yun dun. Tapos ikaw, binayaran mo naman halimbawa si Jun nakalista rin yun doon. So kung gusto mong sundan kung saan napunta yung pera ng gobyerno, kung naka-Bitcoin tayo, masusundan nating lahat yan.”

Ipinaliwanag din ni Lozada kung ano ang puwedeng panghawakan ng isang Bitcoin user para matiyak na hindi napupunta sa wala ang inihuhulog na Bitcoin.

“Ang bawat transfer niyan, iisa lang ang ginagawa, nire-record lang niyan kung saan siya napupunta. Kumbaga ‘yan ang pinakamalaki nilang assurance sa mga gumagamit nito, nalalaman mo saan galing ‘yan at kung gusto mong sundan kung malinis ba ang pinanggalingan nito at yung bibili rin sayo later on ibebenta mo na yan ay ‘yun din ang ibinibigay mong peace of mind sa kanila na yung binibili niyang Bitcoin mo ay talagang legit. So ano ito para itong internet talaga. Walang nagpapatakbo.”

Ayon pa kay Lozada ang isa pang magandang katangian ng Bitcoin ay ‘convenient’ itong gamitin sa mga transaksyon kumpara sa ordinaryong pera, na inihalintulad nito sa credit card.

“Parang sa credit card, bayad ka, bili ka, tapos ibibigay sayo yung goods mo, diba? Ang kabutihan nga dito sa Bitcoin na ito, walang bakasyon ito kasi walang central bank, walang bangkong may hawak so anytime, anywhere, at kahit palipat-lipat ka sa mundo, puwede mo siyang magamit.”

Idinugtong pa ni Lozada na dahil hindi dumadaan sa bangko ang Bitcoin ay wala itong surcharge kahit gaano kalaking halaga ang gagamitin.

Gayunman, ipinaalala rin ni Lozada na kailangan pa rin ng tamang impormasyon kung gagamit o mag-iinvest ng Bitcoin.

“Walang guarantee dito kaya nga ang isang disadvantage nito ay lack of awareness kasi isipin mo, sa loob ng isang buwan, kumbaga ilang libong porsyentong interes na ang inakyat ng halaga nito eh. Ang pinakamalaking halaga dati yung Euro mga 70 pesos dati per Euro, yung dollar 56 diba? San ka naman nakakita ng currency 591,000? So ganito kalaki ang tiwala ngayon ng mundo sa ganitong klaseng currency.”

Sinabi pa ni Lozada na kagaya ng iba pang website na makikita online hindi rin ligtas laban sa hacking ang Bitcoin.

Bagama’t aminadong malayo pang gamitin ng mga pangkaraniwang tao ang Bitcoin, payo ni Lozada, mas maiging maintindihan muna ito ng publiko.

“Right now, hindi pa ramdam yan, ang mga nakikinabang pa lang dito ay yung mga nag-speculate. Kailangan munang maintindihan ng taong bayan kung ano yan, diba? Ano ba yang Bitcoin na yan? So malaki pa kumbaga ang kailangang awareness tungkol dito sa Bitcoin na ito.”


PAANO BA GUMAGALAW ANG BITCOIN?

Pupuwede ka nang magsimulang mag-invest sa Bitcoin sa halagang P500.

Ayon ito sa Bitcoin user na si Miguel ‘Guile’ Sarne lalo aniya ngayon na mababa ang presyo nito.

Paglalahad ni Guile dahil na rin sa pagiging ‘techie’ at hilig sa computers ay una siyang nagka-interes sa tinatawag na ‘Bitcoin mining’.

“Someone told me about mining at first not the currency itself, so I started to mine these coins, that’s when I started to figure out na may value pala siya. Basically, you’re solving with these graphics cards and it equals to a specific or certain value to your account, if you’ve successfully mined these using your own equipment. Overtime, nakapag-ipon ako ng coins hanggang dumating yung December at tumaas siya ng todo, nag-grow yung mga na-mine at na-keep kong mga coins.”

PAANO KA MAG-UUMPISA?

Ayon kay Guile maraming klase ng mga online ‘app’ na maaaring gamitin kung nais na mag-invest sa Bitcoin.

“In my case for example, I’m using coins.ph app, it’s very convenient because they have certain ties na with the different banks where in you can cash out your money even if you don’t have a card all you need is a code na ipapadala sayo ng coins.ph, this time you can cash out your money without a card, you just need codes, i-input mo lang sa machine and you got it, ipapadala nila sa phone mo.”

“It’s actually okay for people to put in a thousand pesos at kung tumaas man yan ulit to 15,000 at least mag-iincrease.”

SAAN KA MAGHUHULOG NG PERA?

Paliwanag ni Guile sa nasabing app ay may tinatawag din na ‘Bitcoin wallets’ kung saan puwedeng ihulog ng isang user ang kanyang Bitcoin.

“For you to do that you just need coins.ph app for example and you can pay through convenience stores, you just download the app and there’s a register page, you just register just like a Facebook account and then you verify your details and you get access to all their features that makes it convenient for every Filipino to move their Bitcoins around, there are other wallets that people can use aside from coins.ph, they are just helping people to grasp it that everyone can use it and potentially turn it into peso.”

Tila kinalma rin ni Guile ang mga pangamba na posibleng magamit ang Bitcoin samga iligal na transaksyon sa internet, aniya, maituturing na perfect Math ang Bitcoin.

“You sometimes can’t cheat the computer and perfect Math, so what a Bitcoin is, it is a perfect math equation, you can’t cheat the system, while people are mining these perfect Math equations, nave-verify siya ng lahat ng mga tao around the world, that this Bitcoin exists, this value exists, so nobody can cheat that someone has more Bitcoins than what is registered in the public ledger all over the world which every miner actually everyone has access, you will know kung saan napupunta yung certain Bitcoin to what Bitcoin address, kung saan galing at saan napupunta, it’s very public, mas minimal yung mga tao na gagawa ng kalokohan, nate-trace kung saan galing at napupunta.”

SAFE BANG GUMAMIT NG BITCOIN?

Ayon kay Guile mahirap i-hack ang account sa mismong ‘blockchain’ na pag-aari ng isang user bagamat posibleng magkaroon ng access ang iba sa iyong account sakaling makompromiso ang ginagamit mong website o wallet address sa pag-iimpok.

“They published a white paper that talks about what Bitcoin essentially is and how it supposed to be like a peer to peer coin system no more middle men, you need a whole super computer to counter Bitcoin and you can’t do that, yun na yung security niya, it can’t be hacked from you sa blockchain but for example it’s possible na if ever ma-compromise yung system ng coins.ph there’s a possibility that they can gain access to our accounts.”

Gayunman sinabi ni Guile na uubra rin na gumawa ng iyong sariling Bitcoin wallet kung nais ng mas secured na account. Ito ay kung gusto lang i-save ang inyong coins at hindi ito gagamitin sa pagbili o sa mga transaksyon.

“You can buy hardware wallets that don’t require websites anymore, just a USB, you put all your Bitcoins there, it’s an offline wallet so your money is safe, if you just want to store and save your Bitcoin for a time.”

Naniniwala si Guile na posibleng Bitcoin na ang matatawag na ‘new currency’ at marami nang nagkaka-interes na gumamit nito.

“You know in Zimbabwe, their economy has collapsed so they are using electrical tokens or coins na parang Bitcoin din, they are using it to transfer funds, even sa street vendors they pay using their cell phones because their cash doesn’t work anymore.”

Pag-amin ni Guile malaki-laki na rin ang nawala sa kanyang pera sa pag-invest sa Bitcoin pero payo nito:

“The thing is, huwag kang magpapasok ng pera na hindi mo kayang pakawalan.”


Written By Aiza Rendon / with interviews from In the Heart of Business / Balita Na Serbisyo Pa
Edited By: Jun del Rosario
—-

 

 

 

 

 

February 9, 2018 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
SAF 44 NO TITLE

Eksaktong tatlong taon ngayong araw nang maganap ang isa sa mga itinuturing na pinakamadugong engkwentro sa kasaysayan ng bansa.

Ito ay sa pagitan ng mga alagad ng batas at mga armadong grupo sa Maguindanao.

Enero 25, Linggo, taong 2015, nang pasukin ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) ang isang barangay sa Mamasapano, Maguindanao na pinamumugaran ng mga guerilla.

Layon ng ‘Oplan Exodus’ ng pamahalaan na madakip ang dalawang bomb experts na sina Malaysian terrorist Zulkifri Abdhir alyas “Marwan” at Abdul Basit Usman.

Sa araw din na ito, napatay ng mga pulis si Marwan subalit dahil nakipagbarilan pa ito ay naalerto ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front o MILF militants sa lugar.

Sapagkat wala nang oras para dalhin ang bangkay ni Marwan, nagpasya ang SAF members na putulin ang daliri nito at kuhanan ito ng larawan.

Apatnapu’t apat (44) na magigiting na SAF troopers ang nasawi sa madugong engkwentro sa mga miyembro ng MILF at BIFF na tumagal ng 10 oras, habang 19 naman sa panig ng kalaban ang napatay at ilang sibilyan din ang nadamay.
Humupa lamang ang putukan sa magkabilang panig gamit ang matataas na uri ng armas nang dumating ang ceasefire committee at International Monitoring Team.

Base sa mga litrato, karumaldumal ang ginawang pagpaslang ng mga MILF at BIFF sa mga magigiting na SAF commandos.

Pinagbababaril sa mukha at pinutol ang mga paa at hinubaran ang mga ito na nagpalakas ng anggulong massacre ang nangyari.

Nagturuan ang mga opisyal ng PNP at AFP kung sino nga ba ang dapat sisihin sa pagkamatay ng 44 na SAF na brutal na pinaslang ng MILF.

Umani ng batikos ang militar dahil sa hindi agad nakapagpadala ng reinforcement sa Special Action Force.

Inamin ng militar na nahirapan silang rumesponde dahil wala diumano silang contact sa PNP SAF at dahil walang naging pakikipag-ugnayan sa kanilang puwersa sa Mindanao kaugnay sa ikakasang operasyon.

Ayon sa mga opisyal, nagawang mag-mobilisa ng AFP at magpadala ng reinforcement pero hindi alam ng mga ito kung saan pupunta dahil sa kawalan ng koordinasyon ng SAF.

Anila, huli na ng makipag-koordinasyon ang mga opisyal ng SAF sa AFP.

Sa pahayag naman noon ng sinibak na SAF Commander na si Director General Getulio Napeñas sinabi nitong mayroong lead coordinates ang SAF sa mga opisyal ng militar partikular na sa Army 6th Infantry Division para magpadala ng reinforcements.

Pinabulaanan din ni Napeñas na tumanggi ang 300 SAF Company standby forces na sumama sa nagrespondeng army units para tulungan ang 55th SAF Company na na-corner ng MILF.

Agad namang dumipensa ang pamunuan ng MILF at sinabing misencounter ang nangyari at hindi ambush.

Anila naiwasan sana ang madugong engkwentro kung may naging koordinasyon ang SAF sa MILF.

Dahil sa pangyayari, sumiklab ang galit ng publiko at tumindi ang panawagang itigil ang ikinakasa noong usapang pangkapayaan sa MILF.

Pebrero 4, 2015— nang kumpirmahin ng Federal Bureau of Investigation o FBI sa PNP na si Marwan ang napatay ng SAF matapos tumugma ang DNA sample sa kapatid nito na nakakulong sa Estados Unidos.

Pebrero 9, 2015— Sinimulan ng Senado ang pagdinig hinggil sa madugong bakbakan sa Mamasapano sa pangunguna ng chairman ng Senate Committee on Local Government na si dating senador Bongbong Marcos. Nagpahayag din ng pagkabahala ang mga senador hinggil sa noo’y nagpapatuloy na deliberasyon sa Bangsamoro Basic Law o BBL dahil sa trahedyang nangyari.

Marso 12, 2015— Isinumite ng binuong Board of Inquiry ng PNP ang ulat ng imbestigasyon kung saan ay lumabas ang panghihimasok ng noo’y suspendidong hepe ng pambansang pulisya na si Alan Purisima at ang pag-bypass sa PNP chain of command ng noo’y Pangulong Noynoy Aquino.

Hulyo 22, 2015— Inaprubahan ng Ombudsman ang preliminary investigation kay dating PNP Chief Purisima at sa napatalsik na hepe ng SAF na si Getulio Napeñas.

Setyembre 22, 2015— Nagsampa ng kaso ang National Bureau of Investigation at National Prosecution Service laban sa 90 katao na sangkot sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao.
Kabilang sa mga kinasuhan ay ilang kumandante ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Nobyembre 27, 2015—Sinimulan ng Department of Justice o DOJ ang sariling imbestigasyon nito.

Hulyo 15, 2016— Ilang kaanak ng SAF 44 ang nagsampa ng kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sinamahan ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang mga kamag-anak ng mga nasawing pulis na ihain sa tanggapan ng Ombudsman ang ikalawang reklamong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide.
Kapwa-akusado ng dating Pangulo ang mga nasibak na hepe ng pulisya na si General Alan Purisima at SAF Commander Getulio Napeñas.

January 23, 2017— Kinasuhan na ng Office of the Ombudsman sina Alan Purisima at Getulio Napeñas kaugnay sa Mamasapano massacre noong January 2015.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, kasong usurpation of authority or official functions at violation ng Section 3-A ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang kahaharapin nina Purisima at Napeñas.

November 9, 2017—Naisampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa madugong Mamasapano massacre na naganap noong Enero, 2015.

Magkahiwalay na kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o Usurpation of Official Functions ang isinampa laban kay Aquino.

Sa kasalukuyan ay ipinagpaliban muna ng Sandiganbayan ang arraignment kay dating Pangulong Aquino para bigyang-daan ang pagdinig sa kanyang inihaing motion to quash noong Enero 4.

Batay sa rules of proceedings, kailangang resolbahin muna ng hukuman ang nakabinbing mosyon at petisyon bago basahan ng sakdal ang akusado.


“Hindi pa rin kami makapaniwala hanggang ngayon.”

Ito ang naging emosyonal na sagot ni Ginoong Rico Erana, ama ni Police Senior Inspector John Gary Erana, isa sa SAF 44 na nasawi sa madugong Mamasapano encounter.

Ayon kay Ginoong Erana sariwa pa rin ang sakit ng pagkawala ng kanilang anak kahit tatlong taon na ang nakalilipas.

“Parang hindi pa rin kami makapaniwala kasi parang buhay pa rin ang mga ala-ala ng anak ko, hindi pa rin ako makapaniwala na ganun ang nangyari sa kanya, masakit ang nangyari sa kanya, alam ko, na kung na-rescue lang sana sila ng mga sundalo at inutusan ni dating Pangulong Aquino ang mga sundalo na i-rescue sila, sana buhay ang anak ko, kasi alas-3:00 ng hapon pa namatay ang anak ko, isa siya sa huling namatay dahil nag-surrender yun. Hindi natin mawawala yung sama ng loob kasi kung hindi niya pinabayaan ang mga SAF sana buhay pa yung iba, marami pang nabubuhay sa kanila.”

Kasabay nito ay sinabi ni Mang Rico na hindi sila kuntento sa itinatakbo ng kaso ng SAF 44 dahil napakabagal aniya ng pagkamit nila ng hustisya.

“Sigurado ako kahit matapos na ang termino ni Presidente Duterte talagang hindi pa matatapos ang kasong ito, wala pang judgement na ma-render sa korte. Umuusad ang kaso pero mabagal talaga, kasi sa ngayon hindi pa na-arraign ang kaso dahil may pending motion pa si dating Pangulong Aquino, nasa Supreme Court na yun, paano uusad kung hindi pa maresolba sa Supreme Court ang hiling niya?”

Gayunman kahit hindi pa abot kamay ang hustisya sa ngayon ay tiniyak ni Mang Rico na hindi titigil ang kanilang pamilya at hindi mawawalan ng pag-asa para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang magiting na anak.


MGA BENEPISYO NATANGGAP NA BA?

 

Nang kumustahin namin si Mang Rico kung naibigay na ba sa kanila ang mga benepisyong ipinangako ng gobyerno para sa mga pamilya ng nasawing SAF 44, ito ang kanyang naging sagot:

“May mga naibigay naman pero meron ding hindi, halimbawa yung survivor pension ng anak ko sa National Police Commission (NAPOLCOM), bawal daw eh. Ang sabi ng NAPOLCOM sa mga may asawa lang daw yun ibinibigay at hindi sa mga binatang SAF na nasawi.”

Ayon kay Mang Rico tila hindi natupad ang hiling nila noon nang makipag-usap sila sa dating Pangulong Noynoy Aquino na ipagkaloob sa kanila bilang mga naulilang magulang ang sana’y pension ni Senior Inspector Gary Erana.

“Napag-usapan na yan noon sa Crame nang magpunta si dating Pangulong Aquino ang sabi niya tutulungan kami, ipapa-review niya kay dating Justice Secretary Leila De Lima ang batas para naman maamyenda pero wala namang nangyari, hanggang ngayon hindi kami nakatanggap, yung ibang may mga asawa na sila ang nakatanggap. Labing apat (14) ata sila na mga binata na hindi nakatanggap mula sa NAPOLCOM, wala namang nangyari eh.”

“Pagkamatay ng anak ko nagbigay ng requirements ang PNP at nakalagay doon na tatanggap kami ng pension sa NAPOLCOM, pero hindi pala.”

“Pero yung sa PNP mismo meron, yung 50 percent ng kanilang basic salary, yan ang tinatanggap namin, life time ito, hanggang nabubuhay po kami.”

Pagbabahagi ng Ginoong Erana tila nakalimutan na rin ang kabuuan ng pondong ilalaan sana para sa pangkabuhayan ng mga pamilya ng SAF 44.

“Ang sabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noon bibigyan kami ng pondo para sa livelihood, tapos nag-partial sila ng 70 percent, pero hanggang ngayon yung remaining, tatlong taon na wala nang ibinigay.”

“Pera po ito para sa pangkabuhayan, nag-partial sila ng P200,000 para sa mga livelihood program sa mga pamilya ng SAF 44, nung nag-follow up kami ang sinasabi pinoproseso na ang mga papel, nawala na lang si Secretary Taguiwalo ay wala na rin.”

Hirap din ang pamilya Erana na i-follow up ang dapat sana’y tulong pinansiyal para sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

Ang tanong ni Mang Rico ay kung bakit tila nagtatagal at pahirapan ang pagkuha nila sa mga benepisyong inilaan na sa kanila.

“Mahirap kasi, yung dalawa kong anak nag-aaral sa kolehiyo, naka-program na sila na every semester tatanggap sila ng assistance pero nakatapos na yung anak kong isa ni tuition hindi naman ako nakakuha, nung i-follow up namin sa 888 inaksyunan nila, nabigyan ng partial yung nasa San Beda kong anak na nag-aaral ng abogasya equivalent to 1 year, 3rd year na siya ngayon yung 2 years niyang educational assistance hindi niya na natanggap, yung isa kong anak na nakatapos na sa pag-aaral pero kahit piso wala akong natanggap, nahirapan kaming mag-follow up walang nangyayari.”

“Bakit natin pipilitin kung ayaw ibigay, dapat sana dahil tinaguriang bayani ang mga anak namin ay dapat binibigyan sana kami, hindi lang kami pati yung iba pang kasamahan ng anak ko na nasawi.”

“Hinihingi nila ang requirements, mga papers, ibinigay naman ng anak ko, sabi nila ie-endorse sa central office ng NAPOLCOM pero wala namang nangyari.”

“Marami namang naibigay si dating Pangulong Aquino sa educational assistance sa mga miyembro ng pamilya, sa pag-aaral ng mga anak at mga kapatid ng nasawing SAF, yung pera mga almost P19 million ata ‘yun na pondo para sa pag-aaral nila. Appropriations na yan eh, pinirmahan na ng Presidente, at nasa kamay na ng NAPOLCOM ang pera, naka-programa na yan eh. Every year P60,000 dapat yun sa loob ng apat na taon umaabot ng P240,000.”

Ayon kay Mang Rico higit sa tulong pinansyal ay mas matindi ang kanilang panawagan para sa mabilis na pagbibigay hustisya sa pagkamatay ng SAF 44.


NANGUNGULILANG AMA

 

Pagbabahagi ni Mang Rico, si Police Senior Inspector John Gary Erana ay isang napakabait at matulunging anak.

“Masayahin siya, kilalang-kilala siya sa aming bayan, iniidolo siya ng mga kabataan kahit noong nag-aaral pa siya, napakabait ng batang yun, tahimik, maalalahanin sa mga magulang, kahit nga noong nasa academy na siya, ibinibigay niya sa amin ang mga allowances niya, marami din siyang pinag-aral na mga ka-miyembro niya sa Sangguniang Kabataan kasi naging SK President siya sa bayan namin, maraming nakapagtapos na siya ang nagpa-aral, tinulungan niya, siya ang nagbayad ng tuition fee, yung sahod niya sa pagiging municipal councilor ginugugol niya sa kanyang mga kaibigan, siya ang nagbigay ng allowance ng tuition fee.”

“Kaya ang mga kasamahan niya nanghinayang talaga sa pagkawala niya, may iba na mga teacher na, pulis na, sundalo, marami talaga siyang natulungan.”

Ayon kay Mang Rico hindi niya malilimutan nang huli niyang maka-usap at makita ang anak bago ito sumabak sa Mamasapano operation.

“Karamihan sa kanyang operation ako lang ang nakakaalam, ayaw niyang ipaalam sa kanyang ina dahil baka mag-alala lang, kaya ako talaga ang kanyang tinatawagan, nakausap ko pa siya sa telepono at nagkita pa kami bago yung operation nila. Prior ng operation tumatawag siya sa akin, January 23 na papunta na sila sa Mamasapano. Siya yung commanding officer ng 55th na nasawi lahat doon sa Mamasapano.”

Nang tanungin kung ano ang mensahe sa yumaong anak, buong pagmamahal na sinabi ni Mang Rico na…

“Sana makamtam mo ang hustisya kasi hangad namin ang justice para sayo, para sa mga kasamahan mo.”


Hindi sana mabaon sa hukay ang kabayanihang ipinamalas ng tinaguriang SAF 44 heroes…at kasabay ng pag-alala sa ikatlong anibersaryo ng kanilang pagbubuwis ng buhay para sa bayan ngayon araw, ay ang hangarin naming makamit ang hustisya para sa kanila at kanilang mga pamilya sa lalong madaling panahon.

Kami po ay patuloy na sumasaludo sa inyo!

saf 44


By Aiza Rendon
Contributors: Ira Y. Cruz / DWIZ Social Media Team
—-

 

 

 

 

January 25, 2018 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
BUHAY MANDARAGAT

Magandang buhay nga ba ang hatid ng pagsi-seaman?

Dahil ba ito sa sadyang malaking sahod habang nagpapalutang-lutang sa karagatan?

Tiyak na lalaya na umano sa kahirapan kapag naambunan ng isang sumasampa sa barko.

Subalit, ano ba ang nararanasan ng isang seaman sa halos 11 buwang pagtatrabaho sa barko malayo sa kanilang pamilya?

Kung sila ba ang masusunod ay sasampa at sasampa pa rin sila ng barko kung mabibigyan pa ng oportunidad?

Saan nga ba nagmumula ang isang pagiging seaman?


‘MGA HAMONG KINAHAHARAP NG SEAMEN’

Tila ginhawa ang mababakas sa Pinoy seaman at pamilya nito sa tuwing babalik ito ng bansa.

Subalit masaya nga ba ang tunay na pakiramdam ng isang seaman?

Ano-ano ba ang mga problemang kinakaharap ng isang seaman?

May mga oportunidad pa ba o gaano kalaki ang demand ng mundo sa Pinoy seamen?

Nakakasapat naman ba ang suweldo sa paglayo nila sa kanilang pamilya sa buong panahon ng kanilang kontrata?

Mayroon bang grupong tumutugon sa mga concerns ng mga nasabing Pinoy seafarers?

—–

Itinuturing ni Cyrus John Del Prado na pinagpala siya sa 12 taon na niyang pagiging seaman.

Ito ayon kay Del Prado ay dahil hindi na siya dumaan sa pagiging deck cadet at sa unang pagsampa niya sa barko ay isa kaagad siyang ordinary seaman sa edad na 19-anyos.

Nasa halos $650 aniya ang naging suweldo niya sa mga unang bahagi ng kanyang pagbabarko.

Sa kanyang mahigit isang dekada nang pagiging seaman, sinabi ni Del Prado na natupad niya ang kanyang mga pangarap lalo na ang matulungan ang kanyang pamilya.

Ayon kay Del Prado sadyang sinuwerte lamang siya lalo na’t sa unang pag-akyat niya ng barko ay international kaagad.

Sinabi niya na masuwerte din siya dahil nakasama niya sa trabaho ang maaayos na crew members at kapitan na siyang nagrerekomenda para sa promotion ng isang seaman na kagaya niya.

Malaking bagay din ang pakikisama sa mga kasamahan sa barko at pagiging disiplinado.

Ito ayon kay Del Prado ang sa tingin niya ang mga pangunahing factors kaya’t naabot niya ang kasalukuyang estado bilang chief mate.

Ipinabatid niya na muling nagbabalik sa kanyang alaala ang excitement niya sa unang pagsampa ng barko kung saan 3 bansa ang kanyang narating.

Ayon kay Del Prado hindi niya alintana ang panganib ng pagiging isang seaman lalo na’t bahagi ng pinirmahan nilang kontrata ang estado ng seguridad nila habang naglalayag.

Subalit inamin niya na bumibigat ang kanyang pakiramdam sa tuwing sumasampa siya ng barko bagamat talagang ini-enjoy niya ang pagiging seaman niya sa mga unang taon ng kaniyang kontrata.

Ibang-iba na ang sitwasyon ngayon kumpara noong nagsisimula pa lamang bilang seaman si Engineer Art Serafico noong 1980’s.

Ayon kay Serafico, noon ay walang internet para makipag-ugnayan kaagad sa kanilang pamilya.

Mahal aniya ang satellite call samantalang ang sulat naman ay inaabot ng siyam-siyam at kadalasan aniya ay patapos na ang kontrata niya bago pa man makuha ng pamilya niya ang kaniyang huling sulat.

Ito din ngayon ang nagiging problema ng chief mate na si Cyrus John Del Prado dahil bagamat may internet, kadalasan namang mahina ang signal lalo na kung nasa laot sila.

Dagdag pa niya, iilang kumpanya lamang ang nag-aalok nito.

Iba naman ang sitwasyon ni Job Angelo Rollano na bago pa lamang sumasakay sa barko.

Ikinuwento ni Rollano ang naging problema niya kaya’t hindi pa muling nakakasakay ng barko matapos ang unang kontrata niyang sampung (10) buwan bilang kadete.

Sinabi ni Rollano na sabik na sabik siyang maging seaman na pinangarap niya din subalit nagkaroon ng problema sa nilipatan nilang barko matapos ang unang walong buwan ng kanyang pagsampa.

Hindi na tinukoy ni Rollano ang ugat ng kanyang naging problema sa kapitan nang nilapatang barko na isang Ukrainian national.

Subalit sinabi ni Rollano na batid niyang na plantsa na ang kung anuman ang problema nila ng Ukranian captain bago pa man siya tuluyang bumaba matapos ang 2 buwan sa nilipatang barko.

Ayon pa kay Rollano, nais niyang magturo sa mga susunod na panahon at gagamitin niya ang kanyang karanasan bilang seaman.

Malaking tulong din aniya ang pagsi-seaman niya para masuportahan niya ang kaniyang pamilya lalo na’t wala pa siyang asawa.

Subalit matapos ang anim na beses na hindi siya nakasakay muli ng barko, sinabi ni Job Angelo Rollano na nag-aplay muna siya bilang call center agent habang hinihintay ang pagkakataong matuloy ang kanyang pangarap na maging magdaragat.

Subalit natutuwa pa rin si rollano sa tuwing naalala ang naging samahan nila ng mga kapwa seaman sa loob ng 10 buwan niyang pagsampa sa barko.

Dumating din aniya sa puntong nag-isip silang isabotahe ang operasyon ng kanilang barko para lamang hindi ito maibenta at patuloy pa rin silang magkasama-sama sa trabaho.

Subalit,kung sina John Cyrus Del Prado at Engineer Art Serafico ang tatanungin, hindi nila kapwa gugustuhing maging kapalaran din ng kanilang mga anak ang nangyari sa kanila dahil tama na anilang sila na lamang ang maghirap sa pagiging seaman.


CHED AT MARINA

Madami-dami na ring kolehiyo at unibersidad na nag aalok ng maritime courses.

Subalit lumutang noon ang mga report hinggil sa tinaguriang fly by night maritime colleges.

Paano ba ang proseso sa pag accredit sa isang maritime school?

Mayroon din bang korupsyon sa maritime academy?

Nakakatulong ba ang naturang maritime schools para kaagad makahanap ng trabaho ang mga magsisipagtapos sa kursong ito?

Ano ba ang pananaw ng isang seafarers’ group sa edukasyong ibinibigay ng mga paaralang ito?

—–

‘Kaligtasan sa karagatan’.

Ito ayon kay Captain Danilo Espela, miyembro ng board of marine deck officers/examiner ng MARINA Standards of Training, Certification and Watchkeeping Division (STCW), ang pangunahing misyon ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Sinabi ni Espela na bumuo sila ng task force para magsagawa ng review at revision sa Philippine Merchant Marine Rules and Regulation (PMMR) of 1997.

Isang technical working group din aniya ang binuo para tumutok sa ship building, mandpower development, domestic shipping at iba pa.

Ipinabatid ni Captain Danilo Espela na mayroong problema sa fishing vessel leisure craft dahil hindi ito nasasakop ng STCW.

Ang misyon ng MARINA ay nagsisimula sa pagtutok sa mga kursong iniaalok ng mga maritime universities o colleges, katuwang Commission on Higher Education (CHED).

Sinabi ni Captain Espela na halos 90 ang tinaguriang Maritime Higher Education Institutions (MHEI’s) ang binigyan nila ng permit to operate.

Nangangahulugan ito aniya na aprubado sa ahensya ang mga programang ibinibigay ng mga naturang MHEI’s sa ilalim ng Bachelor of Science in Marine Transportation at Bachelor of Science in Marine Engineering.

Ipinabatid ni Captain Espela na may mga eskuwelahang bagsak sa audit kaya’t ipinapasara ang mga ito bagamat mayroon ding naka-apela pa ang accreditation para mag-alok ng mga naturang kurso.

Ayon kay Captain Espela, sanib-puwersa sila ng CHED sa pagtiyak na magiging globally competitive ang mga kurso sa pagka-seaman at matutugunan ng tama at epektibo ang mga pangangailangan ng industriya.

Gayunman, sinabi ni Espela dapat aniyang magsampa ng pormal na reklamo sa MARINA ang mga biktima o apektado ng mga umano’y fly by night maritime schools.


SEAMAN’S BOOK AT MGA OPORTUNIDAD

Ano-ano pa ang prosesong daraanan para makakuha nang tinatawag na seaman’s book?

Ano ang papel dito ng mga manning agency?

Uubra bang makakuha kaagad ng trabaho, lokal man o pang ibang bansa ang mga kaka-graduate lamang ng maritime school?

—–

Ilang mahahalagang dokumento ang kakailanganin para maisyuhan ng Seafarers’ Identification Record Book (SIRB) o mas kilala bilang Seaman’s Book.

Kabilang dito, ayon kay Captain Danilo Espela ay valid basic safety training certificate, board certificate o license, employment contract, crew list na pirmado ng hepe ng barko.

Bukod pa ito sa clearance mula sa Maritime Legal Affairs Office (MLAO) ng MARINA.

Karamihan sa mga naturang dokumento ay kailangan ng mga unang beses pa lamang sasampa ng barko subalit ilan sa mga ito ay para na lamang sa magre-renew ng kanilang Seaman’s Book.

Pumapalo naman sa P800.00 ang bayad sa bagong Seaman’s Book na valid ng hindi hihigit sa isang taon.

Kaya naman ipinabatid ni Captain Espela na naging ugali na niya noong nagba-barko pa siya na itsek ang mga dokumento lalo na ang validity ng Seaman’s Book ng kanyang crew na aniya’y isang malaking obligasyon dapat ng kapitan ng barko.

Nilinaw naman ni Engineer Art Serafico ng MST Marine Services Philippines Incorporated na tanging ang mga opisyal ng isang barko lamang ang may lisensya o certificate of competency samantalang certificate of proficiency naman ang pinanghahawakan ng regular seamen, kaakibat nito ang mga kaukulang training requirements.

Ipinabatid ni Serafico na wala nang validity ang lisensya na katumbas ng certificate of proficiency subalit may expiration ang lisensya na ang katumbas ay certificate of competency.

Binigyang-diin pa ni Serafico na wala naman silang nagiging problema sa pagkuha ng lisensya ng seamen bagamat posibleng makalipas ang 3 hangggang 4 na taon ay dumagsa ang magpapa-renew ng kanilang lisensya.

Halos 400 seamen ang napapaalis kada buwan ng MST marine Service Philippines Incorporated dahil sa demand ng kanilang kliyenteng nakabase sa Singapore.

Ayon kay Serafico, mayroon silang halos 4,000 pool of seafarers na maaaring hugutin para sa pangangailangan ng kanilang contact.

Tatlong barko aniya kada buwan ang kailangan nilang punan ng tao o 22 seaman sa bawat isang barko.

Tumatakbo ng 9 na buwan ang isang regular na kontrata ng isang seaman maliban na lamang sa tinatawag na kadete na nasa isang taon ang kontrata na maaaring hatiin o tig-anim na buwan ang sakay.

Base ito ayon kay Serafico sa ruling ng international labor na ipinagbabawal ang mahigit isang taong kontrata sa kada sampa ng isang regular seaman.

Naka-depende aniya sa uri ng barkong sasakyan gayundin sa posisyon ang kontrata ng isang seaman.

Sinabi ni Serafico na nangangahulugang habang tumataas ang posisyon ng isang seafarer ay umiikli ang kontrata nito.

Ipinabatid ni Serafico na mas madalas na nagpapahinga muna ng 2 hanggang 3 buwan ang isang seaman matapos ang kanyang kontrata bago sumampa o maglayag muli.

Binigyang-diin ni Serafico na ayaw nilang makumpromiso ang performance ng kanilang seamen na maaaring idahilan ang sobrang pagod kapag nagtrabaho ng mas mahaba pa sa kanilang kontrata.

Ayon kay serafico, maging ang pamilya ng kanilang seafarers ay nakikinabang sa kanilang mga programa lalo na sa maayos na paghawak ng kanilang finances.

Samantala, pumapalo naman sa 405 manning agency tulad ng MST Marine Services Philippines Incorporated ang may license to operate mula naman sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).


WALANG KATAPUSANG TRAINING

Bakit kailangan ang tuloy-tuloy na training para sa seamen?

Sino ang kuwalipikadong magsagawa ng training sa mga mandaragat?

Ano ang proseso sa pag-accredit sa isang ahensya para magsagawa ng training?

Magkano ang bayad sa mga ganitong training para sa mga seamen?

—–

‘Ang Pilipinas ay tinaguriang Top Seafaring Nation’.

Ito ayon kay Engineer Sonny Dilag, kaya’t kailangan ang patuloy at mabusising training sa Pinoy seamen.

Si Engineer Dilag ay isang marine engineer by profession at training manager ng Excellence and Competency (EXACT) Training Center na 18 taon nang in operation.

Binigyang-diin ni Engineer Dilag na obligasyon ng EXACT Training Center na magbigay ng de kalidad na training para sa Pinoy seamen bago sumampa sa barko at makaabot sa international standards para sa kaukulang training and certification na naaayon sa International Maritime Organization (IMO).

Ayon kay Engineer Dilag, ang maritime training sa bansa ay nasa ilalim ng regulasyon at kinikilala ng MARINA – STCW, batay na din sa IMO.

Nilinaw ni Dilag na tanging ang mga kursong nasa ilalim ng mga ibinibigay nilang training ang inisyuhan ng permit ng MARINA – STCW at valid ang isang kurso kada 3 taon na isasailalim pa sa reevaluation bago mabigyan ng reaccreditation.

Ipinabatid pa niya na 25 kurso ang kanilang iniaalok na pinangungunahan ng basic training.

Ang Basic Safety Training aniya ay kailangang-kailangan ng lahat ng mga seafarer na unang beses pa lamang sasampa sa barko bago sumailalim sa iba pang training course, kung kinakailangan at iniendorso lalo na ng kanilang employers for promotion.

Ayon pa kay Engineer Dilag, mayroon din silang ibinibigay na specialized course para sa mga special vessels.

Tinukoy niya ang crowd and crisis management specialized course para sa mga sasakay sa passenger vessels na iba naman sa mga ibinibigay sa mga sasampa sa isang oil o chemical tanker.

Sinabi ni Engineer Dilag na P4,000.00 ang pinakamababang bayad sa kada isang training course nila sa exact training center.

Walong oras aniya ang maximum training hours sa kada isang kurso, batay na din sa direktiba ng MARINA – STCW.

Tumanggi naman ang MARINA na magbigay ng eksaktong bilang nang tinaguriang Maritime Training Institutions (MTI) bagamat nasa halos 100 ito.

Bukod sa MTI’s, ipinabatid ni Captain Danilo Espela na mayroon ding halos 10 practical assessment centers.

Tiniyak pa ni Captain Espela na tuloy-tuloy ang monitoring nila sa mga training centers bagamat mayroong ilan sa mga ito ang kanselado na ang permit subalit tumatanggap pa rin ng training.

Sa ganitong sitwasyon, sinabi ni Espela na pinapayuhan nila ang mga seaman na itsek sa MARINA ang accreditation ng isang training center bago mag-enroll dito.

‘Tanging in house training courses lamang ang ibinibigay ng MST Marine Services Philippines Incorporated’.

Ito ayon kay Engineer Art Serafico ay naka-depende sa ship management o nakabase sa documentary requirements at quality system.

Libre aniya ang accommodation at maging pagkain ng mga seamen nilang sumasailalim sa kanilang in house training courses.

Sinabi ni Serafico na ginagawa nila ito para i-develop ang kanilang mga seafarer.

Maging ang pakikisama sa kapwa seaman, dayuhan man o kapwa Pilipino, ayon kay Serafico ay isinasama nila sa kanilang in house training.

Gayunman, nilinaw ni Serafico na maituturing na investment na ng seafarers ang pagsalang sa training courses na nire-require ng STCW.

Naniniwala si Serafico na bilang dating seaman ngayo’y pangulo at general manager ng manning agency, na kailangan ang patuloy na training para sa mga seafarer lalo’t nakakaranas din ng iba’t ibang pagbabago sa mundo.

Binigyang-diin ni Engineer Sonny Dilag ng EXACT Training Center na sumusunod lamang ang bansa sa mga inaaprubahang training courses ng IMO kung saan miyembro ang Pilipinas.

Ang IMO aniya ang siyang pangunahing nagdidikta ng mga kinakailangang training at dagdag pang training courses.

Bukod sa STCW, sinabi ni Engineer Dilag na mismong ang mga ship owner na rin ang nag-i-invest para maging technically qualified ang kanilang crew lalo na’t nagbabago ang teknolohiya.

Bahagi na din ito aniya ng upgrading training na siyang susi sa pagiging No. 1 seafaring nation ng Pilipinas.

‘Quality at efficient training’

Ito ayon kay Engineer Dilag, ang pinakamalaking hamon nila kaugnay sa pagbibigay ng tuloy-tuloy na pagsasanay sa Pinoy seamen.

Mahigit 100 aniya ang training centers sa bansa na nasa ilalim ng Philippine Association of Maritime Training Institution (PAMPCI).

Sinabi ni Dilag na kailangang patunayan sa iba pang bansa na ‘world class’ ang mga training na ibinibigay sa mga Pinoy seafarer.


Tunay ngang maginhawang buhay ang bunga ng pagiging seaman.

Napatunayan ito sa kuwento nina John Cyrus Del Prado at Job Angelo Rollano bagamat kaakibat nito ang kalungkutan dahil sa pagiging malayo sa piling ng kani-kanilang pamilya.

Gayunman, sa mga karanasan ng seamen na ito gayundin ng mga dating pumapalaot na sina Engineer Art Serafico, Captain Danilo Espela at Engineer Sonny Dilag, makikita ang mahirap na prosesong dadaanan lalo na kung nakasalalay sa’yo ang isang malaking responsibilidad sa loob ng barko kasama ang kalahi o kung minsan ay hindi kalahing kapwa mandaragat.

Malinaw naman sa mga hirap na ito ang katumbas na sarap dahil sa magandang buhay na tinatamasa ng pamilya ng naturang seamen.

Subalit ramdam sa kuwento ng mga nasabing seafarer na nais na lamang nilang solohin ang hirap nang mawalay sa pamilya sa loob ng halos isang taon at hindi na hihimukin ang kanilang mga anak o kaanak na sumunod sa kanilang mga yapak.

Tunay ngang maituturing na isang ‘unending’ o walang katapusang karanasan ang kinakaharap ng mga seamen dahil sa mga training na dinadaanan bago at pagkatapos sumampa sa barko.

Ito naman ang susi para higit na maging competitive ang Pinoy seamen na dahilan ng taguri sa Pilipinas bilang Top Seafaring Nation.

Sa tulong ng Poong Maykapal, hangad ng SIYASAT na magtuloy-tuloy pa ang magandang buhay ng pamilya ng mga seaman, at magtagumpay naman ang mga nangangarap na maranasan ang BUHAY MANDARAGAT.

January 20, 2018 0 comment
2 Facebook Twitter Google + Pinterest
presidential photo train signing

Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinakamalaking regalo ang pagsasabatas ng TRAIN o Tax Reform Acceleration and Inclusion.

Tinukoy ng pangulo na higit siyamnapung porsyento ng mga Pilipino ang makikinabang sa naturang batas.

Sa mga nakalipas na panahon ay umaabot sa 300 bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa incentives at exemption na ibinigay ng pamahalaan.

Layon ng TRAIN na gawing simple, patas at episyente ang tax system ng bansa.

Target din ng TRAIN na mag-akyat sa gobyerno ng 90 billion pesos na gugugulin naman sa ambisyosong Build, Build, Build program ng administrasyon.

Sa taong 2020, tinatayang sampung milyong Pilipino ang matutulungang ibangon sa kahirapan dahil sa TRAIN.

Ang TRAIN law na dahilan ng pagsirit ng presyo sa merkado ay package one pa lamang, ngayong taon ay target na maipasa ang tax reform package 1B na susundan pa ng iba pang pakete na aabutin hanggang package 5.

Ngayon, ano nga ba ang nakapaloob sa nasabing batas na ito? Alamin sa aming infographics

January 15, 2018 0 comment
2 Facebook Twitter Google + Pinterest
SAMPLE COVER 3

Marawi—Ang noo’y sentro ng kalakalan at mayamang kultura sa Katimugang bahagi ng Pilipinas, sa isang iglap ay nasira, nabalot ng takot, dumanak ang dugo, at napuno ng luha at hinagpis.

Tumagal ng limang buwan ang walang humpay na labanan sa pagitan ng tropa ng militar at Maute – ISIS matapos na kubkubin ng teroristang grupo ang syudad.

Wika nga, “Walang nananalo sa anumang klase ng giyera, lahat ay talo”.

Sa pagtatapos ng giyera sa Marawi, ano ang naging kabayaran?

____

 “Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso, Sa dibdib mo’y buhay.”

“Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig, ‘di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok, sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal.”

 ____

 

Kabuuang isandaan at animnapu’t limang (165) mga sundalo ang nagbuwis ng buhay para mapalaya ang syudad ng Marawi.

Hindi sapat ang anumang salita para ibigay ang pagsaludo sa mga sundalong sumabak sa operasyon sa Marawi City.

Buhay man ang kinuha, ngunit hangga’t maaari ay ayaw ding buhay ang maging kapalit dahil nais lamang ng bawat sundalo ay maibigay ang kalayaan sa bawat Pilipino.

Martir man kung maituturing, pero sa sundalong katulad nina Captain Jeffrey Buada at 1st Lt. Gerson Garcia, walang giyera ang hindi kayang suungin kahit buhay pa ang maging kapalit.

_____

BUADA 1

CAPTAIN JEFFREY BUADA

Sariwa pa sa ala-ala ni Captain Jeffrey Buada, ang commanding officer ng 15th Scout Ranger Company, 5th Scout Ranger Battalion ng 1st Scout Ranger Regiment, ang mga kaganapan noong araw ng Oktubre 19, 2017.

Naaalala mo ba ang araw na ito?

Ito ang araw kung saan hindi nagdalawang–isip ang mga sundalo natin, kabilang na si Captain Buada, na ibaba ang kanilang mga armas para mailigtas ang hawak na mga bihag ng teroristang Maute.

“Hindi ko binalak ‘yun from the start, nangyari ‘yun noong nandoon na kami sa unahan.

Parang naging personal decision na lang ‘yun kasi nakita namin na mahirap na ‘yung sitwasyon ng hostages sa loob. ‘Yung iba sa kanila umiiyak tapos ‘yung iba mga bata kasi… tapos may mga sugat pa ‘yung iba.”

Dagdag pa ni Buada…

“So, kung kami is nahihirapan, how much more sa mga ganung kabatang edad? Nakaka – awa talaga ‘yung sitwasyon nila. Kailangan naming gumawa ng paraan kung paano sila mailabas.”

Batid ng tropa ni Buada na simula pa lamang, mas malaki na ang porsyento na maaaring hindi tumupad sa usapan ang kausap nilang mga terorista.

“Actually, may mga situation din talaga na hindi sila tutupad sa usapan. Magwi – wave sila ng flag pero hindi pala sila su–surrender… lalaban pa rin.

That time, kung walang gagawing paraan para mailabas ‘yung hostages, siguro… hindi na talaga sila makakalabas. DO OR DIE. KAILANGAN TALAGANG GUMAWA NG PARAAN.”

Aniya, para mapakita ang sinseridad sa pakikipag–usap sa terorista, nag–desisyon silang ibaba ang kanilang armas at hubarin ang protective gears.

“Bumalik ‘yung tropa ko doon para pasuotin ako ng mga protective gear pero napansin ko naman na parang nagiging okay man ‘yung resulta, so, hindi ko na rin sinuot.

Noong nakaharap ko sila, una is… galit kasi sila, ‘yung iba galit, ‘yung iba sumisigaw, sinisigawan ako sabi, ‘Hanggang d’yan ka lang, ‘wag kang lalampas dito’.

Pero dinahan – dahan ko ‘yung approach ko, so, nagpakilala man din ako tapos sinasabi ko lang sakanila na ‘yung sitwasyon ng hostages na sobrang hirap na hirap na.”

BUADA 5

Kasabay nito, nakita din ng tropa ni Captain Buada ang paghihirap ng mga terorista sa nangyaring giyera kaya’t imbes na galit ang maramdaman dahil sa pagkamatay ng mga kapwa sundalo, nakaramdam umano sila ng awa.

“Makikita man sa mga mukha nila na nahihirapan din talaga sila sa nangyari sa Marawi.

Sa mga itsura nila, ‘yung iba nagugutom, humihingi ng tubig.”

May pagkakataon din na isang pader na lamang ang pagitan ng mga sundalo sa mga terorista o kaya’y nasa iisang gusali lamang sila.

“Iba – ibang araw, iba – ibang situation. May times na magkaharap na kayo, may times na nasa loob kayo parehas kalaban saka mga sundalo… nasa loob ng isang structure, may times din na pader lang ‘yung pagitan ninyo, may times din na mula sa malayo nag-i-snipe sila.”

Matapos ang naturang buwis-buhay na pagliligtas, saka lamang aniya nila napagtanto na napaka–delikado ng kanilang ginawa.

“Bale pagbalik namin parang doon namin naramdaman or na-realized ‘yung threat na ginawa namin. Ganun pala kadelikado ‘yun, buti na lang ‘di tayo binaril doon.

Kasi… nagputukan pa nung pagkatapos nung rescue. So, ‘yun nagpasalamat din ako na nailabas namin ‘yung hostages tapos nung nagputukan nakalabas din kami.

MASARAP SA PAKIRAMDAM NA NAKAPAG – LIGTAS NG BUHAY.”

Ani Buada, mahirap din para sa kanila ang makipaglaban habang nagluluksa sa pagkawala ng mga kapwa sundalo.

“Namatayan din ako ng tropa doon, so, alam ko talaga ‘yung… naramdaman namin ‘yung lungkot. Nasaktan kami… nalungkot… nabawasan kami ng mga ka-buddy namin pero… kailangan pa rin naming mag – push or gawin ‘yung tungkulin namin kahit nakaramdam kami ng mga hirap… nasaktan kami ng ganun.

KAILANGAN PA RIN NAMING GAWIN ‘YUNG MGA DAPAT GAWIN BILANG SUNDALO.”

Mahirap man ang pinagdaanan, aniya…

“Huwag na muna namin isipin ‘yung comfort. Kung anong meron dito, pagtitiyagaan natin.

KUNG ANO ‘YUNG TUNGKULIN NAMIN BILANG MGA SUNDALO, HANDA PA DIN KAMING GAMPANAN ‘YUN.”

Walang paglagyan ang kanilang saya nang madeklara nang malaya ang Marawi laban sa mga terorista ngunit ipinabatid ni Buada ang malaking panghihinayang.

“Masaya… na malapit nang matapos ‘yung mission at the same time, kung titingnan natin ‘yung naging resulta is nakakapanghinayang. Nakakalungkot din na maraming nagbuwis ng buhay, maraming nasira.”

Nagpasalamat ng lubos si Captain Buada sa lahat ng mga Pilipinong nagbigay ng suporta’t dasal para sa mga sundalo.

“Ramdam na ramdam namin ‘yung support ng tao. So, na – inspire kami na ang daming sumusuporta sa atin. Nababasa din namin sa mga social media na ang daming nagdarasal para sa mga sundalo. Malaking bagay ‘yun sa amin.”

Mensahe ni Captain Buada sa mga nasugatang sundalo:

“Doon sa mga nasugatan pa… PAGALING LANG TAYO, LABAN ULIT!”

Nagpahayag din ng pag–saludo si Buada sa mga sundalong sinawing palad sa naging bakbakan sa Marawi.

“Very proud ako na ‘yung tapang nila, ‘yung sakripisyo nila is hindi talaga matatawaran.

Saludong – saludo kami.”

Hiling ni Captain Buada ngayong Pasko:

“PEACE. Peace para sa lahat.”

_____

 

GARCIA 6

FIRST LIEUTENANT GERSON GARCIA

Naging salamin din ng katapangan si 1st Lt. Gerson Garcia, ang company commander ng 15th Division Reconnaissance Company sa ilalim ng 1st Infantry Tabak Division, at isa sa mga nakasama ni Capt. Jeffrey Buada sa buwis – buhay na operasyon para mailigtas ang mga bihag ng teroristang grupo.

Tunay na nasa dugo na nila ang pagsu–sundalo at pagmamahal sa bayan.

Ang panganay niyang kapatid na si 1st Lt. John Melvin Garcia na nasa Philippine Air Force (PAF) at bunsong kapatid na si 2nd Lt. George Bernard Garcia na nasa Philippine Army, ay kapwa niya nakasama sa pagkikipag – bakbakan sa Marawi.

Lubos na pasasalamat ang ipinabatid ni Gerson sa publiko dahil sa sa suportang ipinadama nito noong panahon ng Marawi siege.

“Pasalamat na din namin sa mga binibigay na support ng mga kababayan natin kasi during the Marawi siege doon namin naramdaman talaga na full support ‘yung mga kababayan natin. Talagang marami kaming natanggap na donations like mga bottled water, mga iba – ibang food stuff, medicines, toiletries, shirts, ultimong underwear.”

Nahirapan man noong una sa sistema sa pakikipag – bakbakan, nakasanayan na din kung paano makaka – survive sa battle field.

“Noong una nang hindi pa kami nakaka – establish talagang mahirap ‘yung tubig, umaasa na lang kami sa tubig – ulan, pero eventually naman medyo naka – established na kami, may time naman na nakakapag – igib ‘yung mga support group namin.

May mga naka – designate na ibang tropa na ‘yun lang ‘yung task nila. Sa’min po kasi sa company namin, ang nangyari is rotation. Hindi naman necessarily na lahat ng tropa kapag may mission kami is lahat nandun sa harap.

Kaya maganda ‘yung takbo ng operation namin kasi may time na nakakapag – pahinga ‘yung tropa, hindi naman masyadong babad dun sa harap.”

Pursigido nang tapusin ng tropa ng pamahalaan ang giyera sa Marawi kaya inilunsad na nito ang ‘final push’ para tuluyan nang mapuksa ang mga kalaban.

Ngunit, hindi inakala ng unit ni Lt. Garcia na hindi pala ganun kadali ang gagawin nilang hakbang para makuha ito.

“During that time, final push na talaga ‘yun, may mga hinahabol na kaming mga deadline.

Talagang ginawa namin lahat ng makakaya namin para mapabilis ‘yung movement namin noon, although talagang napaka – delikado nga.

Nung nangyari na may mga na–rescue kaming hostages, hindi namin inexpect na ganun kadami ‘yung nandun pa sa loob. Parang ‘yun na ‘yung pinaka – final span nila, ‘yung sa building 10. ‘Yung mga building kasi doon nilagyan namin ng mga number para coordinated sa ibang attending units namin.”

 

 

GARCIA 2

Dahil batid nila ang matinding hirap ng hostages, walang pasubaling isinugal nila ang kanilang buhay para mailigtas ang naturang hostages.

“Na – corner namin sila dun, napapalibutan na namin ‘yung building na ‘yun.

May napansin kaming gumagapang mula doon sa mga rubbles.

At first, hindi namin alam kung sibilyan siya or terrorist pero makita mo naman na ‘di na siya makakalaban kung terrorist man siya.

Gusto niyang lumabas dun, hirap na hirap siya, so, siyempre kami tao lang din kami, maaantig ‘yung damdamin mo na gusto mong tulungan ‘yung tao makalabas dun.

By the time na nilapitan na namin, doon na namin nakita na meron pa palang mas madaming hostages sa loob.”

Kwento ni Garcia, napaka – delikado ng kanilang tinahak na operasyon lalo pa’t nahati sa dalawang grupo ang mga terorista.

“Ako, si Sir Buada, tsaka ‘yung ibang mga tropa namin kasi nung lumalapit na kami, ayaw kasi nung ibang mga terrorist na magsilapitan talaga lahat.

Kasi nahati po ‘yung mga kalaban, meron ‘yung nakakausap namin ng medyo matino, ‘yung iba naman parang war shock, parang anytime babarilin ka.”

Hindi na ininda ng tropa ni Garcia ang nababadyang kamatayan bagkus ay pinanindigan ang tungkulin bilang sundalo.

“Iba kasi ‘yung situation, ‘yung ambiance doon sa lugar during that time, makita mo ‘yung mga batang umiiyak, may mga matatanda na rin, mga babae, so, KAPAG NAKITA MO MAAANTIG TALAGA ‘YUNG DAMDAMIN MO, kahit na sabihin nating nandun kami para ubusin ‘yung mga terorista, parang sinet-aside muna namin ‘yun.

Kinontrol muna namin ‘yung sarili namin para makuha namin ‘yung hostages nila.”

Ayon kay Garcia, may mga kondisyon ding hiningi ang mga terorista bago pakawalan ang mga bihag, at dito nila ipinakita na tutupad sila sa usapan.

“Ang ginawa namin is binaba namin ‘yung mga baril namin para mapatunayan sa kanila na wala kaming intent na barilin sila. ANG PRIORITY NAMIN NOON AY MAKUHA ‘YUNG HOSTAGES.

Wala na rin silang pagkain at tubig. During the negotiations, isa sa mga hinihingi nila sa’min, bago daw nila pakawalan ‘yung hostages nila bigyan muna sila ng pagkain at tubig kaya binigay namin lahat ng hinihingi nila.”

 

 GARCIA 5

Aniya, hindi siya kinabahan sa pakikipag – usap sa mga terorista ngunit katulad ng inaasahan ay nagpaputok ang ikalawang grupo ng terorista, kung saan hindi na naituloy ang pagsagip sa ilan pang hostages.

“Nung nakikipag – usap kami hindi naman kinabahan.

Siguro… kinabahan lang ako nung nagkaputukan na ulit kasi diba nahati sila sa dalawang grupo, ‘yung isa gustong makipag–usap tapos ‘yung isang grupo is ‘yung nagmamatigas na ayaw makipag–usap. Nung nandun na kami sa loob, biglang may nagpaputok na naman ng baril nila.”

Handa nang mawala sa mundo ang isang 1st Lt. Gerson Garcia.

Kasama ang isa pang sundalo mula sa unit ni Capt. Buada naiwan sila sa loob nang magsimula ulit ang putukan para makuha pa ang ilan pang hostages.

“Naiwan kasi ako doon sa loob nung nagkakaputukan na kasama ko ‘yung isang tropa ni Capt. Buada, si Sgt. Sumalpong, sinabihan ko ‘yung mga kasamahan ko na umatras na kasi wala silang cover that time.

Hindi naman po kami makaalis agad – agad kasi meron pa kaming kinakausap na terrorist dahil may iba pang mga hawak na hostages.

We tried our best pa din na i-convince ‘yung mga terrorist na ibigay ‘yung nandun sa bungad na pero nung masyado nang lumakas ‘yung putok at to the point na kami na din ‘yung binabaril, dun na din kami umatras. Dun na din nagpatuloy ‘yung encounter with the terrorist.”

Gayunman, sa hindi inaasahang pagkakataon, ang kausap nilang terorista din ang tumulong sa kanila para makalabas sa gusali.

 

‘Yung grupo na kinakausap namin, wala na silang threat that time, ‘yung sa kabila lang ‘yun yung bumabaril sa amin.

So, kahit papaano may cover na konti at nakatakbo naman kami agad.”

Matapos ang naturang operasyon, maging sila ay hindi makapaniwala sa ginawa…

“Kami ‘yung na – task nun na… kung baga kung may resistance, dun sa building na ‘yun, nakahanda kaming i-assault na talaga ‘yun, without knowing na may hostages pa dun.

Hay ewan ko… kami nga din mismo parang nabigla nga lang din kami dun sa ginawa namin na talagang pumunta kami doon sa harapan.”

Masama mang ikatwa ang kamatayan ng isang tao, malaking tagumpay ang pagkumpirma na patay na nga ang mga lider ng mga terorista na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon na siyang naging utak ng paghahasik ng kasamaan sa Marawi, at kung hindi napigilan ay maaaring nasakop na ang ‘Perlas ng Silanganan’.

 

“Siyempre masayang – masaya, lahat naman kami that time doon sa block.

Masuwerte din kami kasi isa kami sa mga unit na nandun sa block na ‘yun, kung saan napatay si Isnilon Hapilon tsaka si Omar.

WORTH IT DIN ‘YUNG MGA SACRIFICE NG MGA IBA NAMING TROPA NA NAUNA NA.”

Ani Garcia, wala silang ideya na ang dalawang lider na nga ang kanilang napatay.

‘Yung ibang mga ka-buddy namin from Ranger units, sa LRR, sila po kasi ‘yung binigyan ng task na mag – snipe during night time. Sila po ‘yung nakapagbigay ng reports na sa ganitong oras may confirmed na namatay.

So, sa thermal namin na talagang may natumba dun sa may bandang kalsada tapos nung umaga na, doon na na – recover ‘yung naiwan na bangkay and then, later on na – find out na lang na si Isnilon pala ‘yun at si Omar.”

Dagdag pa sa magandang balita ang pagkaka – deklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi ngunit nakatatak pa din sa isip ng mga sundalo na hindi pa ito ang katapusan ng lahat.

“Siyempre masayang – masaya kami.

Although sinasabi ng relatives namin, ng family namin na, ‘Oh, tapos na pala, dineklara na ni President Duterte na na – liberate na ‘yung Marawi’.

Sinasabi pa rin namin sa families namin na hindi pa rin tapos kasi meron pa rin silang naiwan.

Tuloy – tuloy pa din ‘yung operation namin hanggang sa makuha namin ‘yung pinakahuling terorista na involved doon sa Marawi siege.”

 

GARCIA 3

Gayunman, kung mauulit man ang ganung pangyayari ay uulitin pa rin niya ang ginawang buwis – buhay na operasyon, kahit pa hindi niya noon nakita ang sarili na magagawa niya iyon sa hinaharap.

“Ang mga sinsasabi ng upper class ko, ng mga under class na ‘wag ko na daw ulitin pero… judgement call mo kasi ‘yun eh.

MASASABI KO SIGURO NA KAHIT SINONG SUNDALO NAMAN NA NANDUN SA SITWASYON NAMIN NI SIR BUADA GAGAWIN DIN SIGURO ‘YUNG GINAWA NAMIN.”

Ngunit, may kasabihan nga na maging ang mga bayani o super hero ay nakakaramdam pa din ng sakit at lungkot.

Malalim na buntong hininga at nangingilid na luha sa mga mata, ito ang mga ipinaramdam ni Garcia sa DWIZ bago niya sabihin ang mga salitang ito:

“Ako din kasi may namatay din kasing katropa ko, honestly, nung katatapos lang ng Marawi siege, maraming nagme–message sa’kin kung pwede ma-interview, pero parang ilang pa ako that time, wala po talaga akong pinagbigyan.

Kasi inexpect ko na ganito, ipapa–kwento, until now po masakit pa rin eh… kapag inaalala mo ‘yung nangyari lalo na ‘yung mga kasama namin na nauna na.”

Tiniyak din ni Garcia na hindi masasayang ang mga naging sakripisyo ng mga kapwa sundalo para makamit ang kalayaan ng bansa.

“We make sure naman na hindi mauuwi sa wala ‘yung sacrifices nila na binigay para ma-maintain natin ‘yung kalayaan ng bawat kapatid nating Pilipino.

Napasukan na kasi tayo ng ISIS, ibig sabihin nun gusto na nilang ma-claim ang territory nila, so, ‘pag naging successful ‘yung ginawa nila, sigurado uunti – untiin na nila ang bansa natin.

Unfortunately, hindi naman sila nagtagumpay at na supressed natin ‘yung threat na dala nila.”

Kasabay ng pasasalamat sa mga Pilipino dahil sa mga suporta nito sa mga sundalo, nakiusap si Garcia sa publiko na manatiling vigilant at makipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kaligtasan ng lahat.

“Sana po maging cooperative po sila na maging security conscious din po para din po matulungan kami sa AFP. ‘Yung simpleng pagre – report ng presence ng mga terorista kasi malaking bagay na po ‘yun, security naman is everybody’s concern naman po ‘yan.”

Ipinabatid ni Garcia ang kanyang kahilingan ngayong Pasko, hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kapwa sundalo at pamilya ng mga nasawing sundalo.

“Sana lahat ng mga pamilya ng mga kabaro namin na hindi masyadong pinalad is maka – cope up ng mas mabilis o maka – recover sa lungkot na dinaranas nila ngayon, at sana mapabilis ‘yung recovery ng mga kasama naming kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.”

 

Dagdag pa ni 1st Lt. Gerson Garcia…

“SANA PO AY MAGISING ‘YUNG PATRIOTISM NG BAWAT PILIPINO para din po kahit papaano ay matulungan kami sa AFP sa paglaban sa terorismo dito po sa bansa natin.”

 

 

 ____

“Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya kailan pa ma’y di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta, buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa iyo.”

____

Hindi pa rin maituturing na tagumpay ang pagkaka – sugpo sa mga terorista sa Marawi City.

Ito ay dahil hindi lamang Maute – ISIS ang nawalan ng mga kabaro, nalagasan din ang tropa ng gobyerno para mapadapa ang kasamaan.

Gayunman, sa kabila nito, hinding – hindi matutumbasan ng anumang halaga ang pagbubuwis – buhay ng ilan nating mga sundalo para makamit ang naturang kalayaan.

Sabi nga nina Captain Jeffrey Buada at 1st Lt. Gerson Garcia, sisiguraduhin natin na hindi masasayang ang mga buhay na nawala, mapa – sibilyan man o sundalo.

Kabilang na dito ang mga kabayanihang ibinahagi nina Corporal Rolan Sumagpang, Private 1st Class Sherwin Canapi at 1st Lt. John Frederick Savellano.

_____

 

SUMAGPANG 4

CORPORAL ROLAN SUMAGPANG – MARINE

“Pangarap niya talagang maging sundalo at mai-ahon kami sa kahirapan.”

Ito ang emosyonal na lahad ni Evelyn Sumagpang, ang ina ni Corporal Rolan Sumagpang.

Si Corporal Sumagpang ang isa sa mga naka – rekober sa milyong pera ng teroristang grupong Maute sa Marawi City.

Ngunit sinawing palad na mamatay si Sumagpang nang mabaril ng teroristang grupo noong Hunyo.

Kuwento ni Nanay Evelyn, hindi na bago na ma–assign si Sumagpang sa Mindanao pero hindi nila inakala na noong Hunyo 1 ay ang simula na ng hirap ng kanyang anak sa pakikipagbakbakan.

Aniya, ikinikwento ni Rolan ang hirap nila sa pakikipagbakbakan lalo na sa paliligo at sistema ng pagkain.

Hindi umano sila pwedeng magluto dahil posibleng matunton ng Maute ang kanilang kinaroroonan.

“Miyerkules, petsa 7 tumawag, ‘Mama, grabe ang namamatay dito… doon nga may namatay, tinamaan sa ulo, sabog.

Sabi ko, ‘Nonoy mag – iingat ka’

Sabi niya pa, ‘Pero Mama nakita mo sa balita ‘yung nakuhang mga pera, kung ano – anong armas?’

Sabi ko’y ‘Oo’

Sabi niya, ‘Kami ang nakakuha noon’.

Sabi niya kahit sa paligo mahirap dahil mahirap ang sitwasyon nila. ‘Yun na ang huling kausap ko sa anak ko.”

Hunyo 9 naman nang ibinalita kay Nanay Evelyn na nasawi sa bakbakan si Rolan.

Ani Nanay Evelyn, nang malaman niya na magsu – sundalo pa lamang ang kanyang anak ay agad niya itong tinutulan.

Ngunit…

“Ang sabi naman ng asawa ko, ‘Ang tao kahit saan kung mamamatay ‘yan, mamamatay ‘yan.

Pero itong anak kong ‘yan, ‘yan talaga [ang pangarap niya].”

Wika ni Nanay Evelyn, ngayon ay batid na niya ang dahilan ng kanyang anak kaya napili nito ang propesyon, dahil hindi ito takot na mamatay para sa bayan.

Masakit man aniya pero tanggap na niya ang kaloob ng Diyos sa kanyang anak na si Rolan.

Hiling ni Nanay Evelyn ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak sa pamamagitan ng tuluyang pagdurog sa mga terorista.

“Minsan talaga bumuka sa bibig niya na, ‘Mama kapag ako namatay, sa’yo lahat ‘yan.

Sabi ko, ‘Hindi na ako hihingi kung ganyan ang sasabihin mo’.

Pero talagang malambing ‘yung anak kong ‘yun.

Sabi ko lang lagi siyang mag – pray dahil ‘yan ang armas natin pero hanggang dun na lang talaga.

NAGING BAYANI NGA SIYA, TUNAY NA IPINAGLABAN NIYA ANG BANSA PARA SA KAPAYAPAAN.

Kaya sana nama’y maging mapayapa na talaga at matapos na ng lubos talaga ang giyera dyan sa Marawi at magkaroon na ng kapayapaan ang lahat.”

_____

 

CANAPI 6

PRIVATE FIRST – CLASS SHERWIN CANAPI

Noong nakaraang Undas ay inalala ni Ginang Anna Violeta Canapi ang pagkamatay ng kanyang anak na si Private First – Class Sherwin Canapi.

Si Sherwin ay isa din sa mga nasawing sundalo sa bakbakan sa Marawi.

Ani Ginang Anna, masakit pa din para sa kanya na isiping wala na ang kanyang anak lalo pa’t napaka – bata pa nito.

Hindi naman mapigilan ang anak sa ambisyon nito kaya’t lagi na lamang umanong ipinagdarasal ito.

“Sabi niya po sa akin, ‘MAMA KAHIT SAAN AKO NAROROON, MAY SINUMPAAN KAMING TUNGKULIN, KAILANGAN PANINDIGAN KO’.”

Kwento ni Nanay Anna, pagkatapos ng bakasyon ni Sherwin ay agad na itong nagtungo sa Marawi at muling inulit sa kanya ang mga katagang “sinumpaang tungkulin” aniya niya ang pagsu–sundalo na dapat gampanan.

Aniya, para siyang pinagbagsakan ng mundo noong malaman niyang nasawi ang kanyang anak.

Ngunit kasabay nito ay ang pagiging sobrang proud niya sa kanyang anak sa pagtatanggol ng sa bayan.

Lalo pa’t hindi lamang aniya ang Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang iba pang military officials ang nagsasabing napaka–sipag at mapapag–katiwalaan ang kanyang anak, ngunit nanghihinayang umano sila dahil sa pagkasawi nito.

“Pinanghihinayangan niya po ang anak ko… ‘yung iba pong humawak sa kanya… marami daw po siyang skills, pwede kahit saan dalhin.

Napakatapat po talaga nyan [ng anak ko] sa tungkulin niya po.”

 

Sa huli, ipinabatid sa DWIZ ni Ginang Anna na labis na katuwaan ang kanyang naramdaman nang malaman niyang hindi nasayang ang pagkamatay ng kanyang anak dahil isa ito sa mga nagbigay ng kalayaan sa Marawi City.

Aniya, ipinagdasal niya ang paglaya ng Marawi para na din makamit ang hustisya para sa kanyang anak na si Sherwin.

_____

 

SAVELLANO 2

FIRST LIEUTENANT JOHN FREDERICK SAVELLANO

“It’s not ‘CONDOLENCES’, it’s ‘CONGRATULATIONS’, because we produced a HERO.”

Ito ang nakaka – antig na mensahe ng ina ni 1st Lt. John Frederick Savellano, na si Ginang Mercy Savellano na ipinost niya din sa social media.

Si Lt. Savellano ay ang namuno sa isang operasyon sa Marawi City kung saan narekober ng kanilang batalyon ang milyong pisong pera at mga armas ng teroristang grupo na Maute.

SAVELLANO 1

Bilin ng ina…

“Sabi ko sa kanya, ‘Don’t do anything that will harm your career’, sabi kong ganun.

Sabi niya sa akin, ‘It’s not about my career Mama, ang pagkatao ko ang nakasalalay dito’

Ngunit, sinawing palad si Lt. Savellano nang atakihin ang kanyang tropa ng naturang mga terorista na siyang kumitil sa kanyang buhay.

Ayon kay Ginang Mercy, natural na kay Lt. Savellano ang pagiging responsable, ma–prinsipyo at makabayan.

“’Nung bata siya ‘di namin siya nakitaan sa kanya ‘yung pagiging sundalo pero naglalaro – laro siya ng mga baril – barilan pero ‘di sumagi sa isip namin na magsu–sundalo siya kasi wala naman s’yang binabanggit.

Until such time na… nitong namatay siya, nalaman namin na gusto niya pala talagang mag – sundalo at magsilbi sa bayan.”

Huling linggo ng Mayo nang malaman nila na ipapadala ang kanyang anak sa Marawi City at nito ngang Hunyo ay nakarating ito sa lungsod.

“To pray then mag – ingat siya, the usual na sinasabi namin sa kanya, alagaan niya ang sarili niya, mag – ingat siya, ‘wag mag – isip.

We pray for him. Pini – pray over namin siya every time he is deployed, ganun ang ginagawa namin.”

Lagi umano silang magkausap simula nang madestino ito sa Marawi, nakikwento din ng anak ang hirap na dinadanas sa battlefield.

Nang malaman ang masamang balita tungkol sa kanyang anak…

“At first there was a denial kasi hindi ko inaakala na uuwi ang anak ko na bangkay. Matalino siya, malakas siya, at ready siya, hindi ko inaakala na mangyayari sa kanya ito.

Later on, when the battalion confirmed to us about the incident, ayun… wala na kaming magawa kundi ang tanggapin ito.”

Noong una din ay naisip niyang tutulan ang kanyang anak sa pagiging sundalo ngunit dahil sa pursigido ito, sinuportahan nila ito sa ambisyon.

“Kasi kaming mga magulang, we support our children in their endeavour na gusto nila.

At first sabi ko sa kanya, ‘pag nag – sundalo ka anak, possible na mamatay ka agad, possible na mabaldado ka, okay ba sa’yo ‘yun? Are you aware with those things?

Sabi niya, ‘Oo Mama, gusto ko mag – serve, gusto ko mag – sundalo’

So, wala kaming magawa. We support our children kasi ayaw naming later on kami ang sisihin nila sa kung anuman ang hindi nila nagawa sa buhay nila.”

 

Dagdag pa ni Ginang Mercy…

“Kasi itong anak namin, masyadong patriotic. He loves the country so much.”

Nang mabalitaan ang paglaya ng Marawi laban sa mga terorista ay labis na katuwaan ang naramdaman ni Ginang Mercy …

“Okay lang… kasi ‘di ko akalain na magiging parte ‘yung anak ko, mayroon siyang contribution to save the country.

Pero siyempre masakit… dahil nawalan ako ng anak… nawalan ako ng anak dahil sa terorista…

Masakit… it’s so painful… to lose ‘A GOOD SON, A GOOD MAN, A PRINCIPLED MAN’

Hangad ng ina ni Lt. Savellano na maging silbing inspirasyon ito sa henerasyon ngayon at sa mga susunod pa.

“Sana itong millennials… ‘yung mga kabataan ng henerasyon na ‘to, magsilbing inspirasyon ‘yung anak namin. ‘Yung kanyang integridad na nai – share, ‘yung legacy na naiwan niya dito sa atin… sainyo… sa henerasyon na ito…”

Sa huli, hinangad din ni Ginang Mercy ang tuloy – tuoy na kapayapaan sa bansa, na s’yang pangarap din ng kanyang anak.

“Hindi lang ‘yung anak namin, sana lahat ng mga namatay doon… mabigyan ng halaga ‘yung kanilang naging pagkamatay. Sana ay magtuloy – tuloy na ang kapayapaan dito sa ating bansa.”

 

_____

Maraming buhay man ang nawala, marami man ang nawalan ng matitirhan, ari-arian at mahal sa buhay, mahirap man ang muling pagbangon ngunit nananatili pa rin ang pag-asa ng bawat isang Pilipino, ng buong bansa… na sa pagsikat ng panibagong araw ay may kaakibat itong bagong buhay—buhay na kayang ibangon anumang giyera ang dumating.

 

_____

Writer’s Note:

Lahat tayo ay mamamatay pero hindi lahat tayo ay handang mamatay.

Sa unang pagsabak pa lamang sa pagsasanay ng ating mga sundalo, isa na itong pahiwatig na ang isa nilang paa ay nasa hukay na.

Batid na sa unang destino pa lamang nila ay nakikipag – harap na sila kay kamatayan ngunit wala nang atrasan para sa kapayapaan.

Ipinabatid ko sa ina kong isang guro na nakapag – interview ako ng mga sundalong sumabak sa giyera sa Marawi at sinabi kong naramdaman ko ang hirap ng mga ito.

Isa sa mga tumatak sa isip ko ang sinabi ng nanay ko na, “Hindi nila priority ang suweldo dahil hangad nila ang kapayapaan, kaya saludo ako sakanila”.

Mga salitang galing sa isang bayani para sa isang bayani na nakaka – antig ng damdamin.

Ang mga kwento ng kabayanihan ng mga sundalo natin ang nagpapatunay na panahon na para buhayin ang pagka – Makabayan natin.

Ito ay hindi para labanan ang kapwa Pilipino, kundi para tapusin ang kasamaan.

Saludo po kami sainyo!


By Race Perez and Aiza Rendon / DWIZ Social Media Team
Edited By Jun del Rosario

 

 

 

December 26, 2017 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kung mayroon mang isa sa mga kapana-panabik na pagdiriwang o ‘season’ sa isang taon, ito na marahil ang Pasko.

Pagsapit pa nga lang ng ‘ber’ months o simula sa buwan ng Setyembre ay samu’t sari na ang mga kumukutikutitap na palamuti sa kalye at mga kulay berde at pulang mga kasuotan ng mga kabataan ang namumutangi.  Naging tradisyon na nga ng mga Pinoy ang iba’t ibang gawain tuwing sasapit ang Pasko.

Ngunit paano nga ba nagsimula ang pagdiriwang ng Araw ng Pasko?

Ayon kay Fr. Aris Sison, Kura Paroko ng Cathedral of Immaculate Concepcion sa Cubao, Quezon City, wala talagang nakakaalam kung ano ang eksaktong petsa kung kailan ipinanganak si Hesukristo.

ust christmas tree

“Walang nakakaalam ng eksaktong araw kung kailan naipanganak si Hesukristo. Noong mga panahong iyon, wala pa tayong mga reporter noon na magdo-document ng mga ganung bagay. Hindi naman December 25 mismo ang kapanganakan ni Hesukristo, pero may mga indications sa banal na kasulatan na around this time ito naganap.”

Dagdag pa ni Fr. Sison, ang Pasko ay isang orihinal na paganong selebrasyon na noong kinalauna’y, naging isang Kristiyanong pagdiriwang.

“Mayroon isang bagay sa kasaysayan na ‘yung Dec. 25 ay kapistahan ng isang ‘god’. It was a pagan feast na naging Christian feast. Dati Kapistahan ‘yan ng pagan god of the sun, at doon na nag-develop na naging tradisyonal, doon ipinagdiriwang ang Araw ng Pasko. Sa ating Christian tradition, ‘yung May 1 nauna talagang Labor Day. Sa simbahan, naging feast siya ni St. Joseph the Worker. Na-Christianize ang kapistahan na ito at naging Christian feast.”

 

Chr

Tuwing sasapit din ang Pasko, isa ring tanyag na ‘icon’ o ‘figure’ ay si Santa Claus. Sikat na sikat si Santa Claus, lalo na sa mga kabataan, bilang isang persona na nakadamit ng kulay pula, may mahabang puting bigote at may dala-dalang regalo sakay ng isang sled na tinutulak ng mga reindeers. Bukod sa simbolo ng Pasko, ayon kay Fr. Sison, hindi din dapat kalimutan ng Pilipino na si Hesukristo ay isa ring simbolo ng mga ginawa ni Hesukristo.

“Ang origin ng Santa Claus ay si St. Nicolas. Si St. Nicholas ay isang bishop na kilalang kilala dahil sa pagbibigay niya ng tulong sa mga mahihirap. Ito ang dahilan kung bakit siya naging favorite image kapag Pasko. Parang ang nangyayari ngayon sa atin sa secular world, parang nahiwalay si Santa Claus sa religious symbolism. Si Santa Claus ay isang simbolo ng mga ginawa ni Hesus, pag-aalay ng buhay, pagbibigay buhay para sa ating mga kapwa na isa sa mahalagang bagay na gugunitain natin tuwing araw ng Pasko.”

Tradisyonal na rin sa mga Katolikong Pilipino ang pagdalo sa siyam na araw na misa na kadalasan ay isinasagawa bago magbukang liwayway o mas kilala bilang Simbang Gabi. Ang tradisyong ito ay dinala ng mga Espanyol. Nag-umpisa sa Pilipinas ang tradisyon ng “Misa de Gallo” taong 1669 nang magsagawa ang mga pari ng misa para sa magsasakang gustong dumalo ng misa pero hindi maiwan ang sakahan. Ito rin ay idinaraos sa paghahanda ng araw ng pagkakasilang ni Hesus na tinatawag ring “Advent”. Ayon sa karamihan, kapag nakumpleto nila ang siyam na araw na misa ay magkakatotoo ang mga hiling nila. Ngunit bakit nga ba ito ay idinadaos sa loob ng siyam na araw?

SimbangGabi_LA_CBCPNews_

Paliwanag ni Fr. Sison, ang Simbang Gabi ay ang panahon ng pagno-novena, novena na ang ibig sabihin ay siyam, siyam na araw na pagdarasal at pagsasakripisyo sa nalalapit na rin na pagdating ni Hesus.

“Kasi novena, nove, nuwebe means nine. Walang novena na walo. Ang Simbang Gabi ay pag-nonovena. 9 na raw na paggising ng maaga upang mag-alay ng misa bilang pagahahanda natin sa pagdiriwang ng Pasko. Kaya naging madaling araw kasi ‘yung mga ninuno natin, mga nasa bukid. Maagang gumigising kaya naging madaling araw. Nandito ‘yung element ng sacrifice.”

Ayon naman sa isang Theology expert na si Dr. Adonis Gorospe, pinuno ng Theology Department ng Asian Theological Seminary, karamihan sa mga nakagawian ng mga Pilipino tuwing sasapit ang Pasko ay nagsimula sa Europa, partikular sa Espanya.

“Ang Kristiyanismo ay kumalat sa buong Europa, tapos pumunta na ng Africa, hindi lang ito nag-stay sa Middle East. Kaya noong pinag-isa na ang gobyerno at simbahan noong 4th century, malayo na ang naabot ng Kristiyanismo. ‘Yung parol, unique sa atin ‘yan pero may pinanggalingan sa Mexico ‘yung Piñata na tinatawag. Na-Filipinize na. ‘Yung Noche Buena, galing ‘yan sa Espanya. Dinala sa atin thru sa pananampalataya ng Catholicism. Karamihan ng tradisyon natin sa Pasko, nanggaling sa mga Kastila katulad ng ninong, ninang na kadalasan ay hinihingan natin ng Aguinaldo.

Dagdag pa ni Gorospe, ang German theologian at religious reformer na si Martin Luther ang maaaring nagpasimula ng Christmas tree, ngunit ito ay hindi direktang may kaugnayan kay Kristo.

‘Yung Christmas tree, noong nagbabasa ako, nagre-research ako, nanggaling ‘yan kay Martin Luther. Noong pauwi daw siya nakita niya ‘yung mga bituin na sumisilip sa mga sanga ng puno. Sabi niya ang ganda nito, inuwi niya ‘yung puno at nilagyan ng mga kandila at doon nagsimula ang Christmas tree. Pero hindi ito directly related kay Kristo.”

Sa paglipas panahon, napatunayan na may mga naging pagbabago sa kung paano ang nagiging paghahanda ng mga Pilipino sa tuwing sasapit ang Pasko, ngunit napatunayan din na ang katangi-tangi at pinakamahalagang mensahe ng Kapaskuhan ay ang siyang pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesukristo na nagligtas sa sanlibutan.

 By Ira Y. Cruz and Kristel Mae Deang of DWIZ 882 Social Media Team
December 17, 2017 0 comment
2 Facebook Twitter Google + Pinterest