Home HEADLINES SPECIAL REPORTS

SPECIAL REPORTS

WIKA MO, ALAM MO?

Ang wika ay susi para tayo ay magkaunawaan.

Ang wika rin ang siyang nag-uugnay sa isang bansa kaya dito nagmula ang pagkakaroon ng pambansang wika.

1936 nang itatag ang surian ng wikang pambansa na ngayon ay mas kilala bilang KWF o Komisyon ng Wikang Filipino.

Itinatag ito alinsunod sa Batas Commonwealth bilang 104 na nilagdan ni Pangulong Manuel Quezon.

Ang KWF ang pumili sa Tagalog bilang wikang pambansa ng Pilipinas.

Pagsapit naman ng taong 1959 ay napalitan ito ng Pilipino.

At alinsunod sa Saligang Batas noong 1973, pinalitan ang Pilipino ng Filipino.

Subalit, sa kasalukuyan, may mga salitang naibaon na sa limot, may ibang salita na hindi na maunawaan ng nakararami, may umuusbong, may bumabalik ngunit may iba nang pakahulugan.

 

Ano ang Komisyon ng Wikang Filipino?

Sa kasalukuyan, Filipino ang kinikilalang pambansang wika ng Pilipinas.

Ang KWF o Komisyon ng Wikang Filipino ang siyang naatasan sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino at mahigit isandaang katutubong wika.

Ayon kay RR Cagalingan, tagapagsalita ng Komisyon ng Wikang Filipino, ang KWF ang natatanging ahensyang pang wika sa ilalim ng tanggapan ng Pangulo.

Tungkulin ng KWF na paunlarin ang wikang Filipino.

Agosto 14, 1991, itinatag ang KWF sa bisa ng Batas Republika 7104.

Ang Komiksyon ng Wikang Filipino ay nagsimula bilang SWP o Surian ng Wikang Pambansa o National Language Institute na kalaunan ay naging Institute of National Language.

Itinatag noong 1936, sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay naatasang magsagawa ng pag-aaral ng mga diyalekto sa bansa para magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.

Taong 1937, napili ng SWP ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wikang Filipino.

Matapos nito, naglathala ang SWP ng balarila ng wikang pambansa at mga diskyunaryo’t tesoro.

Ang SWP ay naging linangan ng mga wika sa Pilipinas o Institute of Philippine Languages noong 1987 nang pirmahan ni Pangulong Corazon Aquino ang Atas Tagapagpaganap o Executive Order No. 117.

Matapos ang apat na taon, pinalitan ng Komisyon ng Wikang Filipino ang LWP o Linangan ng mga Wika sa Pilipinas.

Binubuo ang komisyon ng iba’t ibang mga kinatawan ng iba’t ibang wika at ethnolinguistic regions sa Pilipinas.

Ilan lamang sa mga ginagawa ng komisyon ng wikang Filipino ay ang pagsasalin sa Filipino ng mga dokumento o teksto, at pananaliksik ukol sa wikang Filipino

Nagsasagawa rin ang KWF ng mga fora, palihan, at kumperensiya sa buong bansa.

Kasama rin sa tungkulin ng KWF ang paglilimbag ng mga diksyunaryo, manwal, gabay, at koleksyon ng mga panitikan.

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: ortograpiyang pambansa, manwal sa masinop na pagsulat, bisayan grammar and notes, gabay ng mga senior citizen, kaalamang-bayan ng cordillera, at panitikang meranaw.

Filipino ang ginagamit na wika sa lahat ng opisyal na komunikasyon ng KWF.

Sinusunod din ng KWF ang nakasaad sa Atas Tagapagpaganap Bilang 335 na lahat ng mga opisina ng pamahalaan ay magsagawa ng mga hakbang para magamit ang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.

Sinabi ni RR Cagalingan, dahil ang wika ay nagbabago, ang wikang Filipino ay nagkaroon ng pag-unlad bilang wikang pambansa.

Sa katunayan, aniya, ilan sa mga salitang katutubo ay naging bahagi na ng wikang Filipino.

Sa takbo po ng ating wikang pambansa halimbawa tignan natin yung focus ng wika ngayon, halimbawa po yung ginagamit po nating salita para sa hustisya o katarungan mula po yan sa mga Cebuano.

Ilan lamang po yan sa mga maaring talagang lumahok yung mga katutubong wika natin at yun po yung gusto naming mangyari kasi nga po araw-araw nagkakaroon ng pagbabago, araw-araw umuunlad yung wika at para sa mga kapatid [na katutubo] po natin ay sana po ay lumahok sila.

Binigyang-diin ni Cagalingan na dapat linangin ang wikang Filipino.

Magagawa lamang aniya ito kung tututukan ang tatlong “K”.

Una wika po ito ng KAISAHAN, dahil nga po ito ay national language wika po itong nagdidikit satin sa harap po ng pagkakaiba ng mga wika natin meron tayong isang wika na nauunawan ng karamihan at tumatayong lingua franca ng Pilipinas.

Pangalawa po wika rin po ito ng KAUNLARAN, kumakatawan dun yung gaano kalusog yung wika mo at mithiin mo para sa wika mo nakakabit din mithiin mo pang-ekonomiko at pangkaunlaran sa isang bansa.

At yung pangatlo po wika ng KARUNUNGAN ng Pilipino napakahalaga po nito na naipalaganap natin bilang wikang intelektualisado ibigsabihin ginagamit po siya sa ibat- ibang larangan, ibat- ibang field dahil katulad din po ibang bansa meron silang wikang pambansa na ginagamit nila sa teknolohiya na ginagamit nila sa industriya, ginagamit nila sa politika na ginagamit nila sa pilosopiya.

Hindi maikukubli na sa pag-usbong ng modernong teknolohiya at makabagong paraan ng komunikasyon tulad ng text messaging at social media gayundin ng jejemon at ilang terminong pang-milenyal, masasalamin pa rin ang pagiging malikhain ng mga Pilipino.

Ayon kay Cagalingan, patunay ito na buhay na buhay ang wika lalo’t may partisipasyon sa ibat ibang grupo sa ating lipunan.

Dagdag pa ni Cagalingan, katanggap-tanggap na rin ang wika ng mga LGBT o Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender.

Masasabing maunlad ang wika kung nagagamit sa iba’t ibang larangan.

Samantala, isusulong ng Komisyon ng Wikang Filipino na magamit ang wikang Filipino sa ilang asignatura tulad ng science o agham.

 

Guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino

Ayon sa artikulo na may pinamagatang “Ingles: Daluyan ng Diwang Pilipino”, ang wikang Pilipino ay nagbabago lalo na sa bokabularyo nito, unang-una dahil sa impluwensya ng Kastila at Ingles at ng ibang wika sa Pilipinas.

Ang bunga ng mga pagbabagong ito ay ang paglaki ng pagkakaiba ng Pilipino sa Tagalog at sa kabilang dako naman, ang paglaki ng pagkakahawig ng Pilipino sa mga wikang di-Tagalog.

Sa Pilipinas, ang pagtuturo ng Filipino bilang asignatura ay nakapokus sa gramatika.

Teacher Elin

Halos siyam na taon nang nagtuturo sa PCLC o Pagrai Community Learning Center si Elinor Olicia.

Taong 2009 nang nagsimulang magturo si Teacher Elin sa PCLC.

Karaniwan sa mga nahahawakan niyang estudyante ay mula ika-apat na baitang hanggang ika-anim na baitang.

Ayon kay Teacher Elin, kabilang sa mga asignaturang kanyang itinuturo ay Filipino.

Aminado si siya na mahigpit siya sa pagtuturo lalo na sa tamang paggamit ng bantas sa pagbuo ng pangungusap.

Aniya, sa paggawa rin ng sulating pansanay, kalimitan sa pagkakamali ng mga estudyante ay ang tamang paggamit ng indention.

Maging sa pag-i-spelling, halimbawa ng Tagalog word, siya ay mabusisi.

Ngayong nauso ang millenial word gaya ng pak ganern, beh, don’t me at hugot, sinabi ni niya na sinisikap pa rin nilang matutunan ng mga mag-aaral ang wikang pambansa.

Aminado rin si Teacher Elin na nahihirapan siya sa pagtuturo sa Filipino, pero ginagawa aniya niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maipaunawa sa mga mag-aaral ang bawat bahagi ng salita.

Teacher April

Nagtapos naman si April Perez ng batsilyer at masterado sa Linguistics.

Si April ay kasalukuyang assistant professor sa departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa Unibersidad ng Pilipinas.

Kasalukuyan siyang kumukuha ng doctorate degree sa Filipino, kung saan ang kanyang major ay istraktura ng wikang Filipino.

Sa pananaw ni UP Assistant Professor April Perez, batid naman ng lahat ng sambayanang pilipino ang wika.

Gayunman, hindi aniya lahat ay gumagamit ng ating sariling wika sa lahat ng pagkakataon.

Aminado si April na nakaapekto sa wika ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya.

Aniya, may pagkakataon talaga na ingles ang nangingibabaw.

Ang kagandahan, ayon kay April, may mga bagong salita na nadagdag sa ating bokabularyo bunga ng pagbabago.

Inihalimbawa nito ang paggamit ng hashtag sa social media.

Dito aniya makikita kung ang hashtag bang ginamit ay sa wikang Filipino o Ingles.

May impluwensya ang wikang banyaga kesa sa ating sariling wikang pambansa, bunga ng teknolohiya.

Idinagdag pa ni Teacher April na kung mataas ang exposure sa teknolohiya at madalas ay Ingles pa ang wikang ginagamit, mas madali itong naa-adapt ng mga kabataan.

Tiyak aniyang maaapektuhan ang pagkatuto ng mga kabataan sa sariling wika.

Binigyang-diin pa nito na may tamang paggamit ng salita na itinuturo sa mga paaralan at maging sa akademya.

Aniya, umiiral pa rin ang diskriminasyon sa wika.

Posibleng sa ilang lugar ay may mga tunog na nagpapalitan, halimbawa ang patinig na “e” at “i” at maging sa “o” at “u”.

Aniya, hindi dapat tignan na ito ay mali.

Halimbawa sa wika ng mga Bisaya, ganoon talaga ang pagbigkas at tama ang paraan ng pagbigkas nila sa isang salita.

Naniniwala si April na kaya’y mayroong diskriminasyon sa wika, ito’y sa kadahilanang may grupong mataas ang tingin sa wikang kanilang sinasalita.

Aniya, ang wika sa buong mundo ay pantay-pantay.

Dapat kilalanin ang bernakular na wika at hindi dapat tignan na ito ay mali.

Giit pa ni Teacher April, huwag ikumpara ang wika mo, sa wika ng iba dahil walang pang intelektwal o pang mang-mang dahil lahat ay pantay pantay.

 

“Filipino: Wikang Mapagbago”

Ngayong Agosto 2017, ang tema ng buwan ng wika ay “Filipino: Wikang Mapagbago”.

Ang temang ito ay nakaakma hindi lamang dahil sa ito ang nagsisilbing mantra sa kasalukuyang administrasyon.

Ito’y dahil na rin sa katotohanang ang wikang Filipino ay patuloy na yumayaman dahil na rin sa mga pagbabago sa ating lipunan.

Ayon kay Deaprtment of Education (DepEd) Undersecretary Jesus Mateo, batay sa inilabas na Memorandum No. 58 ng kagawaran, kabilang na sub-tema ng pagdiriwang ngayong buwan ng wika:

Una, wikang Filipino, susi sa pagbabago;

Pangalawa, pangangalaga sa wikang katutubo, pagpapayaman sa wikang Filipino;

Pangatlo, wikang Filipino: Wika ng maka-Filipinong saliksik;

At panghuli, pagsasalin, mahalaga sa bago at mapagbagong karunungan.

Binigyang diin niya na ang pagpapatupad nito ay alinsunod sa proklamasyon bilang 1041.

Gayundin, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay kinatatampukan ng sabayang pagbigkas, paglikha ng jingle, pagsulat ng sanaysay, paggawa ng slogan at poster, pagtatalumpati at iba pa.

Ani Mateo, ang wika ang dahilan kung bakit nagpatupad sila ng mother based multi-lingual education.

Ipinatutupad na rin aniya ang mother tongue mula kinder hanggang grade 3.

Batay aniya sa rekomendasyon ng UNESCO, mas mainam ang paggamit ng mother tongue sa pag-unawa ng mga kabataan sa mismong konteksto.

Kung nakasanayan na ipagdiwang ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga patimpalak, gaya ng sabayang pagbigkas, deklamasyon, at iba pang contest na kadalasang ginagawa sa mga paaralan.

Isa namang mas makabagong patimpalak at kampanya na rin sa social media na kapupulutan ng mga bagong kaalaman tungkol sa mga wika, akda, at kulturang Filipino ang sinimulan ng premyadong manunulat na si Edgar Calabia Samar.

Sa pamamagitan ng paggamit ng #BuwanNgMgaAkdangPinoy sa mga post sa social media na nagbabahagi tungkol sa mga paboritong akdang nilikha ng mga manunulat na pilipino, mas mabilis na makikita at madidiskubre ng iba pang netizens ang mga maaari pa nilang makilalang libro, tula, pelikula, teleserye, at iba pa.

Sa kanyang website na Santinakpan, hinihikayat ni Edgar Calabia Samar ang publiko na ipakita ang suporta at pagmamahal sa mga akdang Pinoy sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga ito.

Aniya, ipakita natin na hindi kayang lupigin ng mga digmaan at karahasan ang ating kamalayan at may mga positibong bagay na maaari pang pag-usapan sa social media tulad ng patuloy na pagkatha at paglikha ng mahuhusay na akdang Pinoy sa kabila ng mga hamon at limitasyon ng ating kondisyon at panahon.

Sinimulan ng makata at nobelistang si Edgar Calabia Samar ang kampanyang ito noong 2015 bilang pagbibigay-pugay sa mga manunulat na Pinoy at bilang pasasalamat sa mga akdang humubog sa kanya at kanyang nabasa sa kanyang pagtanda.

Maliban sa mga bagong kaalaman, nagbibigay rin ng papremyo para sa pinakamalikhaing larawan, pinakamahusay na written post, pinakamahusay na video, pinakamaraming share/like,RT, at pinakamahusay na themed post.

Ang nabanggit na patimpalak ay gaganapin nang isang buong buwan, araw-araw ngayong Agosto.

 

Alam mo na?

Nakababahala na mas bihasa sa INGLES ang mga kabataan kesa sa wikang Filipino.

Hindi dapat talikuran ang wikang pambansa dahil kapag nawala ang wika, kasabay nitong namamatay ang nililinang nitong kultura

‘Ika nga ng national artist na si Virgilio Almario, ang wika ay tinatawag na depository ng karunungan ng isang lahi.

Ang pagmamahal sa sariling wika ang siyang dapat mamayani at pagyamanin sapagkat may tatak tayo ng pagiging isang Pilipino.

PAKINGGAN: Kabuuang audio ng SIYASAT

By Meann Tanbio | Social Media Team
August 12, 2017 0 comment
4 Facebook Twitter Google + Pinterest
bells of balangiga
Isang maliit na bayan sa Samar ang Balangiga.
Kasabay ng pagsuko noong 1901 ni General Emilio Aguinaldo ay nagaganap naman ang pagsakop ng Estados Unidos sa Samar.
Ayon sa Historian na si Xiao Chua, naging napakahirap ng buhay sa Samar noong panahong sinakop sila mga Kano.
Hindi makapagtanim ang mga magsasaka at kung makapagtanim man ay sinusunog naman ito ng mga sundalong Amerikano.
Dahil dito, nagsimulang kumilos ang mga mamamayan sa pangunguna ni Valeriano Abanador, ang hepe ng pulisya sa bayan ng Balangiga.
Sinimulan niya ito sa pakikipagkaibigan sa kumpanya ng mga sundalong Amerikano na nakahimpil sa kanilang bayan.
Isang gabi, isang prusisyon ang isinagawa sa bayan ng Balangiga.
Dala ang mga karosa na tila mga kabaong ay nag-martsa ang maraming kababaihan patungo sa maliit na simbahan sa Balangiga.
Pagsapit sa simbahan ay pinatunog ang tatlong kampana ng simbahan ng Balangiga.
Ang pagtunog ng Balangiga bells ang naging hudyat ng pag-atake ng mga Pilipino sa pangunguna ni Abanador sa kampo ng mga sundalong Amerikano.
Nasorpresa ang mga Kano sa biglaang pag-atake sa kanila ang mga lumahok sa prusisyon na pawang mga lalake pala na nagbihis babae, tatlumpu’t pito (37) sa kanilang mga sundalo ang agad na nalagas at marami pa ang sugatan.
Hindi mailawaran ang galit at insultong naramdaman ng mga sundalong Amerikano sa pangunguna ni Jacob Smith.
“Kill and Burn” ang kanyang utos sa mga sundalong Amerikano bilang resbak sa mga Pilipino.
“The more you kill the more you burn, the more you please me,” ang di umano’y matigas na direktiba ni Smith batay sa nasusulat na salaysay.
Dito nangyari ang isa sa pinakamalaking masaker sa kasaysayan nang pagpapatayin ng mga Kano, maging ang mga batang may edad hanggang sampu o yung may kakayahan nang humawak ng baril.
Mahigit sa 2500 ang mga Pilipinong nalagas sa paghihiganti ng mga Amerikanong sundalo.
Sinunog ng mga Kano ang Balangiga Church at kinuha ang tatlong Balangiga bells.
Dalawa sa mga kampana ay nasa isang park sa 11th Infantry Regiment sa F.E. Warren Air Force base sa Cheyenee, Wyoming kung saan kabilang ang mga sundalong nakatalaga noon sa bayan ng Balangiga Samar samantalang nasa 9th Infantry regiment sa South Korea US base ang isa pa.
Ayon kay Professor Chua, ito ang dahilan kaya’t ayaw ng mga beteranong sundalong Amerikano na ibalik sa Pilipinas ang Balangiga bells.
Sumisimbolo aniya ito sa insultong kanilang natikman dahil sa sorpresang pag-atake sa kanila at matagumpay nilang paghihiganti nang halos ubusin nila ang mamamayan ng Balangiga.

 

“Malaking hugot ito, ang tawag nila noon doon ay minasaker ng mga Pinoy ang mga sundalong Kano, pero ang totoong masaker ay yung resbak.” ani Chua
Noong panahon ng Ramos administration, pumayag na si dating US President Bill Clinton na isauli ang Balangiga bells sa Pilipinas subalit matigas ang paninindigan dito ng mga beteranong sundalo kaya’t walang nagawa si Clinton.
Sinabi ni Chua na marami na ring naging panukala kung paano mareresolba ang isyu ng Balangiga kabilang na dito ang paggawa ng mga replica na iiwan sa Amerika subalit hindi rin ito napagkasunduan ng magkabilang panig.
Sa kanyang State of the Nation Address o SONA, iginiit ni Pangulong Duterte na dapat isauli na ng Estados Unidos ang Balangiga bells dahil hindi nila ito pag-aari.
Sinuportahan ito ng Simbahang Katoliko kung saan binigyang diin nila na hindi trophy of war ang Balangiga bells dahil ito ay banal na pagmamay-ari ng simbahan.

 

By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas (Interview)
July 26, 2017 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
Sa isang taon ng administrasyong Duterte, nasaan na nga ba tayo ngayon, at ano na ang ating hinaharap?
“It’s a mix of successes and pitfalls.”
Ito ang assessment ng political analyst at University of the Philippines Professor na si Ranjit Rye sa unang taon sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya may mga inisyatibong sinimulan na ang administrasyon na nagiging positibo naman ang resulta tulad ng peace process, pagbuo ng isang maayos na economic team at mga itinuloy na mga ‘existing policies’ na malaking bagay para sa isang magandang simula.
“Yung pag-host natin ng ASEAN meeting, yung relationship with China at iba pang bansa, andiyan din yung social development policies na nakatutok sa mahihirap, yung pag-fast track at pag-ayos ng prosesong pang-burukrasya at para sa mga OFW nang hindi na masyadong mahirapan, tourism, infrastructure programs, marami kasing insiyatibo at programa na nagsimula pa lang, of course yung initiative towards tax reform medyo controversial pero magandang nasimulan na yan.”
Kasabay nito ay pinapurihan ni Rye ang magandang pinatutunguhan ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng panunungkulan ni Duterte sa kabila ng bumababang halaga ng piso.
“I think medyo klaro na maganda ang grado ng Presidente sa ekonomiya, although tumataas din ang inflation natin pero then again maraming positive, yung investment tumaas, yung jobs medyo positive ang jobs market natin after a long time, at meron siyang programa na infrastructure development na very ambitious, mukhang hopeful ang lahat sa economy side, maganda ang nangyayari, very positive ang outlook.”
Mataas din ang ibinigay na grado ni Rye sa Pangulo na aabot sa 8 hanggang 9 pagdating sa mga basic services at paglaban sa katiwalian, samantalang 7 hanggang 8 naman pagdating sa giyera kontra krimen.
Gayunman binanggit din ni Rye ang ilang kontrobersiyang bumalot sa pag-upo sa puwesto ni Duterte lalo na ang madugong giyera kontra droga ng gobyerno.
“Andiyan yung war on drugs, maraming namatay, bumaba yung crime rate pero controversial talaga yan, andiyan din yung style ng Presidente, yung salita niya so laging may mix talaga yan.”
Pasado man para kay Rye ang laban ng Duterte administration kontra iligal na droga sinabi nitong kinakailangang ayusin pa ang nasabing kampanya.
“Siyempre papasa yan pero kailangang ibalanse yung law enforcement at human rights protection, yan ang challenge talaga sa gobyerno, pero malaki ang impact niyan sa pagbaba ng krimen, andiyan naman ang mga survey na suportado ang programa although may mga puna at kailangan lang ayusin ang programa.”
Idinagdag din ni Rye ang mga repormang dapat tutukan ng administrasyon dahil marami rin namang pagkukulang ang administrasyon sa kabuuan.
“Meron pa ring corruption eh, kailangang i-accelerate yung bureaucratic reforms, kailangan yung criminal justice system ma-reporma para bumilis ang mga kaso, pasado naman ang Presidente diyan kasi may mga inisyatiba nang sinimulan kagaya ng pag-simplify ng proseso sa government offices, red tape at pagtanggal sa puwesto sa mga corrupt officials.”
Ayon kay Rye, nailatag na ng maayos ng Pangulo ang mga nais niyang mangyari sa bansa, ang kailangan na lamang ay magandang pagpapatupad ng mga ito.
“Normal yan sa isang administrasyon, may hit and miss yan, pero para sa akin on the whole maganda ang unang taon, kailangan lang mag-focus on implementation, so kung may BUILD, BUILD, BUILD dapat may IMPLEMENT, IMPLEMENT, IMPLEMENT, we have to focus on that kasi mataas ang expectation ng taong bayan, na may mailalatag na magagandang programa at solusyon sa mga araw-araw na problema natin.” Pahayag ni Rye

 

Assessment ng ilang mga kasalukuyan at nagdaang opisyal ng pamahalaan

 

Binigyan ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto si Pangulong Rodrigo Duterte ng “8” na grado at sinabing kuntento siya sa naging performance ni Pangulong Duterte sa unang taon nitong panunungkulan. Anya, sa unang taon pa lamang ay naging matindi na ang hakbang ng Pangulo para labanan ang iligal na droga at banta ng terorismo sa bansa na aniya’y hindi ginawa ng nakalipas na administrasyon.
Para naman kay Senate President Koko Pimentel, isang ‘fundamental change’ ang ginawa ng Pangulo sa bansa.
Giit ni Pimentel kinakamayan na natin ang mga bansang hindi napapansin noon, katulad ng China at Russia na anya’y isang malaking pag-unlad sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at iba pang bansa sa mundo.
Dagdag pa ni Pimentel kung meron mang dapat pagtuunan pa ng pansin ang Duterte administration sa susunod na taon nito, ito ay ang pagpapatupad ng mga infrastructure projects at peace and order.
Samantala, nagbigay din ng komento si dating Congressman at National Security Adviser Roilo Golez hinggil sa mga naging hakbangin ng pamahalaan sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea kung saan inihayag nito na habang tuloy ang diplomatic at economic engagement ng Pinas sa China ay huwag din sanang kalimutan na ipaglaban ang ating karapatan partikular sa teritoryo.
Paliwanag ni Golez, sa mata ng International Law, pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea kaya ito ang dapat panghawakan ng kasalukuyang administrasyon.
Bagaman nananatili ang suporta ni dating Pangulong Fidel Ramos kay Pangulong Duterte, nanindigan pa rin ito na mas matimbang pa rin ang interes ng taumbayan.
Binatikos ng dating punong ehekutibo ang malaking bilang ng delegasyong binitbit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa state visit nito sa Russia.
Giit ng dating Pangulo, hindi dapat isinama lahat ng Pangulong Duterte ang halos lahat ng matataas na opisyal ng pamahalaan na dapat sana’y nagkokontrol sa sitwasyon habang nagkakagulo sa Marawi City.
Ayon kay Ramos, hindi pa naman ito ang unang pagkakataon na may banta ng karahasan sa bansa gaya ng nangyari noong bakbakan sa Butig, Lanao del Sur.
Matatandaang kasama sa biyahe ng Pangulo pa Russia sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Council Secretary Hermogenes Esperon, AFP Chief of Staff Eduardo Año at PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
*********
Muli nating balikan ang ilang mahahalagang kaganapan sa isang taong panunungkulan ng isa sa pinaka-popular at kontrobersyal na umupong pangulo ng Pilipinas…Si Rodrigo Roa Duterte.

 

duterts2

 

Unang taon, tila isang ‘roller coaster ride’

 

Tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng assessment ang kanyang naging unang taon sa puwesto.
Ayon kay Duterte, gagawin lamang niya ito kapag natapos niya ang kanyang termino.
Ngunit humirit ang Pangulo na kung hindi na niya aabutin ito ay sana ay maging parehas naman ang publiko sa kanilang gagawing assessment sa kanyang naging serbisyo.
Tinawag naman ng Pangulo na tila-roller coaster ride ang kanyang isang taon dahil sa high and lows na nangyari sa kanyang administrasyon.
At ngayon, sa darating na ikalawang State of the Nation Address ng Pangulo ngayong Hulyo, ano pa ang inaasahan mo sa kanyang administrasyon sa mga susunod na taon?

 

By Aiza Rendon and Ira Y. Cruz
June 30, 2017 0 comment
3 Facebook Twitter Google + Pinterest
119 years today, Filipinos continue to enjoy and cherish, our independence and freedom.
Also known as “Araw ng Kasarinlan” or “Araw ng Kalayaan, Independence Day is celebrated every June 12 as a national holiday to commemorate our country’s independence from colonial Spain, which ruled the Philippines for more than 300 years.
With this year’s theme “Kalayaan 2017:  Pagbabagong Sama-Samang Babalikatin,” let us go back and bring the history alive again in our hearts.
From 1946 to 1964 our independence day was celebrated every 4th of July, based on the date when American colonization in the Philippines has officially ended in 1946.
In August 1964, former President Diosdado Macapagal signed Republic Act 4166 that changed the date of commemorating our Independence from July 4 to June 12.
Thus, the annual observance of Philippine Independence Day has been put into a law.
The said act was based on the Declaration of Independence of June 12, 1898 led by General Emilio Aguinaldo and attended by Filipino revolutionary forces.
For the first time in 1898 the Philippine flag was formally raised and our national anthem was played.
The freedom from Spanish rule however was short because the United States and Spain ignored the declaration.
In 1898, due to the Treaty of Paris, Spain-US war has ended and Spain sold the Philippines to the US.
This resulted to a revolt of Filipinos who are triggered another revolt by the Filipinos – this time against the Americans.
US occupation of the Philippines stated in 1899 and the Philippines was granted independence on July 4, 1946 through the Treaty of Manila.
 
Ceremonies
Yearly, flag raising takes place simultaneously in various historical places in the Philippines nationwide to celebrate Independence Day.
Four of the prominent and historic landmarks visited during Independence Day celebrations are the Jose Rizal National Monument in Rizal Park, Manila; Barasoain Church in Malolos, Bulacan; President Emilio Aguinaldo Shrine in Kawit, Cavite; and the Andres Bonifacio Monument in Caloocan City.
The traditional vin d’honneur is also done at Malacañang Palace, where the members of international diplomatic corps join the President in honoring our Independence Day.

 

Images of Independence, Today

 

In modern time, we ask you this.
What is freedom for you?
Do we still value the sacrifices and lives of those who have fought against colonialism and dictatorship so that we can continue to enjoy our priceless freedom?
Is it having all the time in the world indulging in everything life has to offer?
Being free to choose and express what you want to say?
As we celebrate Philippines’ independence today, give us the freedom to show a different perspective…a different art…side…a different story of how much independence we savour every moment and every single day. 
Feel free to look from a different light!

children

       YOUNG AND FREE. High school students gleefully take the slide together during their spare time.

‘Childhood is special, as the wonder of new discovery gives way to the birth of independence

   and the choices they make that help them find their voice, moving towards to the realization of their dreams and live as an individual.’

vandal

FREEDOM TO EXPRESS. From the time when Andres Bonifacio along with others wrote

     Viva La Independencia Filipina or Long Live Philippine Independence on the walls of the Pamitinan cave in Rizal

  up to the modern writings and calligraphy on road walls in Manila.

Up to this date, contractualization is still prevalent in the Philippines and fighting for regularization, sometimes goes way beyond its boundaries.

churchchurch 2mosque

FREEDOM TO CHOOSE YOUR OWN FAITH. Quiapo, in Manila hosts two of the largest places of worship for Catholic and Muslim faith, Quiapo Church and Masjid Al-Dahab mosque.

freedom of navig 2

FREEDOM OF NAVIGATION. Protecting the integrity of our territory to assert our sovereignty.

BRP Gregorio del Pilar, patrolling near Pagasa Island. (Photo Credit: Jonathan Andal)

fb internet

FREEDOM TO EXPLORE modern technology. Innovation in mobility, the era when you can speak out those feelings and the whole world will know about it.

pride day

PRIDE AND PROUD. Having the liberty to show the world who you really are, confidently. June is also the Pride month, and even Facebook is one with the LGBT community in celebrating independence at its best.

lapu lapu

RULER OF MACTAN: Lapu-Lapu, first Filipino native to resist Spanish rule and defended our independence.

liwasan 2

ANG MAMATAY NG DAHIL SAYO: Andres Bonifacio y De Castro, Supremo, Father of Philippine Revolution.

He fought not only for our independence but also for equal rights for the proletariat.

militant 2

rizal

A genius and a patriot. Dr. Jose Rizal, our national hero, one of great heroes who led the Filipino independence movement.  

pasalamat 3supporter

DEMOCRACY. (Photo Credit: DWIZ reporters)

free

FREE-FLOWING. We move freely as the sun rises and sets every day. A simple yet good sign of freedom. 

flag 2

A WAVING FREEDOM: ‘From high above with only clouds as company, almost anything can seem possible.’

flag

With that moment of inspiration, we asked, and they answered!
Ano para sayo ang Araw ng  Kalayaan?

 “Ang Independence Day para sa akin ay selebrasyon kung saan tayong mga Pilipino ay malaya na mula sa mga sumakop sa atin noon. Ang pagiging malaya ay parang isang panibagong pagkakataon upang magsimula muli. The moment we become free from anything that hinders or that makes us a slave to it, brings a sense of peace and a sweet taste of something we long for (probably for a long time) – freedom. It gives us a chance to make things right or to fill up the time lost when we were still in bondage.”—Racel Jamisola, 21 years old, Mass Communication graduate

“Ang kalayaan para sakin ay ang kakayahang makapagpahayag ng sariling opinyon at damdamin. Ang paggunita sa araw ng kalayaan ay mahalaga sapagkat ang kagitingan at kagandahang loob ng mga lumaban para sa ating kalayaan ay nakikilala at nabibigyan ng pugay hanggang sa modernong panahon.”—Iana Cruz, incoming senior high school student

“Wala nang sasarap pa sa pagiging malaya, napapanatili natin ang ating kultura dahil may kalayaan tayong ihayag ang ating damdamin bilang mga Pilipino, kalayaang ipaglaban ang ating mga karapatan, kalayaang pumili, kalayaang iparinig ang ating mga boses, dahil tayo’y malaya, nananatili ang alab ng ating pagiging Pilipino, bilang isang bansa. Pero kasabay ng pagigigng malaya ay dapat rin nating isaisip na ang palaging kaakibat nito ay responsibilidad, pagmamahal sa bayan at respeto sa kapwa. Oo malaya tayo pero sana’y huwag nating abusuhin. Ang araw na ito ay isang magandang paalala na proud akong maging isang Pilipino.”—Nica Rodriguez, 19 years old, College student

Celebrating independence doesn’t have to be only every June 12…
when we stop waving our flag or organizing celebrations….we might be surprised by how far it can go.
This day reminds us of the undying self-determination of Filipinos for independence, of our thirst for liberty and freedom, and as a sovereign nation that is a proud member of the international community.
Happy Independence Philippines! 

 

By Aiza Rendon
Contributors: Ira Cruz / Race Perez

 

Surprising facts about Philippine Independence Day:

  • The original Philippine flag raised by Aguinaldo in Kawit was a sketch he personally gave to Doña Marcella Agoncillo who was living in Hong Kong at the time. It took her with two assistants five days of hard work to finish the flag.
  • The three stars in the flag actually represents Luzon, Panay and Mindanao. Panay was part of the Proclamation of Independence in Kawit, Cavite, referred to as “the archipelago’s three principal islands.”
  • The original flag was lost somewhere in Pangasinan during the Filipino-American war.
  • “Lupang Hinirang” was not the first national anthem but “Marangal na Dalit ng Katagalugan.” In 1987, national hero Andres Bonifacio requested musician Julio Nakpil to compose it.
June 12, 2017 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
attack fire
Huwebes pasado 12:00 ng hating gabi—Nabulabog ang ang mga empleyado at panauhin ng hotel – casino na Resorts World Manila dahil sa pagpasok ng isang armadong lalaki.
Ilang beses nagpaputok ng baril ang gunman sa ikalawang palapag ng gusali ngunit ayon sa mga saksi, walang pinapatamaan na tao ang suspek.
Dahil sa insidente, nag-panic at nagtakbuhan ang mga tao at ang ilan ay tumalon pa sa bintana. Isinugod naman sa ospital ang mga nasugatan.
Ayon sa ilang nakasaksi, kinuha ng suspek ang pera sa lamesa ng casino.
Biyernes, 1:30 ng umaga —Namataan ang sunog sa itaas ng hotel – casino na umakyat sa unang alarma. Agad namang rumispunde ang mga bumbero.
2:00 ng umaga—PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa dumating na sa lugar kasama ang miyembro ng Philippine National Police upang i-assess ang sitwasyon sa Resorts World.
Humarap din ang mga kinatawan ng Resorts World Manila at sinabing hindi pa matukoy kung paanong nakapasok ang gunman.
Lumabas naman ang ulat na inako na umano ng ISIS ang pag-atake sa hotel – casino ngunit hindi ito kinagat ng PNP.
Ayon kay Dela Rosa, pagnanakaw ang nakikita nilang motibo sa krimen dahil tinangkang tangayin ng suspek ang P113-M worth ng casino chips na isinilid nito sa isang bag at ‘di kalaunan ay naiwan sa isang restroom.
Nilagay sa lockdown ang buong lugar at pinalikas na rin ang lahat ng empleyado at guest habang isinasagawa ng PNP ang clearing operations.
7:00 ng umaga – Maliwanag na nang kumpirmahin ni Dela Rosa na namatay na ang suspek sa pamamagitan ng pagsunog nito sa sarili.
Natagpuan ang sunog na katawan ng suspek na sinasabing Caucasian-looking sa isang kuwarto sa ika-5 palapag ng gusali.
Dahil sa insidente, naantala ang ilang flights sa NAIA na katapat lamang ng Resorts World.
Sumunod rin ang pagpapalabas ng travel advisory ng Estados Unidos at Australia.
11:00 ng umaga – Ibinalita ng PNP na may narekober na silang 36 na nasawi sa loob dahil sa suffocation mula sa panununog ng suspek.
Pasado alas-12 ng tanghali – Nananatiling naka-lockdown ang Resorts World Manila at nagpapatuloy ang isinasagawang clearing operations ng PNP at Bureau of Fire Protection (BFP).
3:00 ng hapon – Hepe ng Southern Police District na si PSSUPT Tomas Apolinario kinumpirmang may hawak na silang person of interest hinggil sa pag-atake sa Resorts World.
COO ng Resorts World Manila na si Stephen Reilly humarap sa miyembro ng media at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima. Kinumpirma rin ni Reilly na 22 ang guests at 13 empleyado ang namatay sa insidente.
Kabilang sa mga panauhing nasawi ay sina:
- Caccam Katherine Cervantes
- P Ling Hung Lee
- Pacita Guillermo Comquilla
- Pomenciano Vargas Jr.
- Susan Abulencia
- Lai Wei Chung
- Jaime Gaboy Jr.
- Ariel Abrogar
- Lai Yu Cheeh
- Cliff Reyneira
- Rolando Pena Sison
- Eluterio Reyes
- Antonina Yuzon Allanigue
- Sheila Malicse
- Carmelita Taylo Delacruz
- Mielle Oliveros
- Pamela Silvestre
- Elizabeth Gonzales
(4 are still being identified)
Mga nasawing empleyado ng Resorts World:
- Hazel Yangco
- Jellah Ramos
- Melvin Herrera
- Arvi Gavino
- BJ Pagsibigan
- Rojie S Uy
- Jessica Alindogan
- Merylle Gwen Ala
- Lea Grace Mozo
- Loudette Santos
- Kay Nuguerra
(2 are still being identified)
Hepe ng Southern Police District humarap sa media at kinumpirmang lahat ng casualties ay namatay dahil sa suffocation, ngunit hindi inihayag kung sino ang person of interest kaugnay sa pag-atake sa Resorts World.
Mga bangkay ng nasawi sa nangyaring insidente sa Resorts World, isa-isa nang dumadating sa Veronica Funeral Homes sa Pasay City.
6:30 ng gabi - Sa panayam ng DWIZ, ibinunyag ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde na may narekober pang isang bangkay kaya’t umabot na sa 38 ang nasawi sa nangyaring insidente kasama na rito ang suspek.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa lugar.

By Aiza Rendon / Race Perez | DWIZ Reporters

June 2, 2017 0 comment
2 Facebook Twitter Google + Pinterest
duterte prrd
Si Pangulong Rodrigo Duterte ang ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nagdeklara ng Martial Law mula kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Taong 1972 nang ibagsak ni dating Pangulong Marcos ang Batas Militar sa buong bansa sa ilalim ng Presidential Proclamation 1081 bunsod umano ng banta ng komunismo.
Tumagal ito ng siyam (9) na taon hanggang noong 1981 kung saan, naitala ang iba’t ibang kaso ng mga umano’y paglabag sa karapatang pantao ng pamahalaan na ikinasawi ng daan-daang indibiduwal.
Diyembre 5 taong 2009 naman nang ideklara naman ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Martial Law sa lalawigan ng Maguindanao sa ilalim ng Proclamation 1959.
Ito’y matapos naman ang karumal-dumal na pagpaslang sa limampu’t walong (58) indibiduwal kabilang na ang tatlumpu’t dalawang (32) miyembro ng media sa bayan ng Ampatuan.
Pitong (7) araw lamang ang itinagal ng Martial Law sa Maguindanao batay na rin sa rekomendasyon ng gabinete ni Ginang Arroyo.
At ngayon dahil sa nangyaring engkuwentro ng militar at ng Maute Terrorist Group na kilalang tagasuporta ng ISIS sa Marawi City, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa buong isla ng Mindanao na tatagal ng 60-araw.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, layon nitong matuldukan ang problema ng terorismo sa nasabing lugar maliban pa sa presensya ng Abu Sayyaf, BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at iba pa na kumukubkob hindi lamang sa Marawi City kundi sa iba’t ibang panig nito.
TIMELINE: PAGSUGOD NG MAUTE GROUP SA MARAWI
May 23, 2017
2PM–Naglunsad ng surgical strike ang militar sa Barangay Basak Malutlut laban sa mga tinaguriang high value targets tulad ng Abu Sayyaf at Maute Group makaraang makatanggap ng ulat hinggil sa presensya ng labinlimang (15) armadong lalaki sa lugar.
Agad itong nasundan ng engkuwentro sa pagitan ng militar at ng armadong grupo malapit sa pinagkukutaan umano ni Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon na nagpapagamot sa lugar.
5PM–Sinimulan na umanong kubkubin ng Maute Group ang Amai Pakpak Medical Center na isang pampublikong ospital sa lungsod.
Nagkalat din sa lugar ang mga sasakyan na may nakataas na kulay itim na watawat, taglay ang insignia o simbulo ng international terrorist group na ISIS.
6PM–Nakubkob na rin umano ng Maute ang Marawi City Jail batay sa impormasyong ipinakakalat ng mga residente sa social media kung saan, sinunog din ito kalaunan.
7PM–Kinumpirma ng AFP o Armed Forces of the Philippines na limang (5) sundalo ang nasugatan sa bakbakan sa pagitan nila at ng mga armadong grupo.
8PM–Isang pulis ang kumpirmadong nasawi sa bakbakan at dalawang sunog ang naitala partikular sa Dasalan College at St. Mary’s Church.
10:30PM–Patuloy pa rin ang operasyon ng militar sa lugar laban sa mga high value target
Ayon kay Lt. Col. Jo-Ar Herrera, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine army, na-contain o kontrolado na umano ng militar ang mga suspek na pinaniniwalaang sympathizer ng ISIS.
11:30PM–Ganap nang inanunsyo ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsasailalim sa buong isla ng Mindanao sa Martial Law.
Kinumpirma rin ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na puputulin na ni Pangulong Duterte ang kanyang pagbisita sa Russia at uuwi na ito sa Pilipinas para tingnan ang sitwasyon.
By Jaymark Dagala
May 23, 2017 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
COVER
‘Kung kaya nila, kaya ko rin’.
Sa mga salitang ito nagsimula ang propesyon ni Ginang Nelly Perez o ‘Mam Nell’ bilang isang guro.
Isa si Mam Nell sa itinuturing na ‘Mother of Multi-Grade’ sa Libmanan South District sa rehiyon ng Bicol.
Ang multi-grade teacher ay ang mga guro na nagtuturo sa isa o higit pang baitang.
Taong 1988 nang ma-destino si Mam Nell sa una nyang assignment, sa paaralan ng Sta. Cruz Elementary School sa Libmanan na halos tatlong (3) bundok ang layo sa kabihasnan.
Dalawa lamang ang classrooms sa naturang paaralan kaya’t may tatlong (3) baitang sa kada room.
Sama-sama sa iisang classroom ang Grade’s 1 hanggang 3 at Grade’s 4 hanggang 6.
Mag-isa pa lamang siyang nagtuturo noon sa naturang paaralan at di kalaunan ay binigyan din sya ng tatlong (3) mga guro na kanyang makakatuwang.
14 taon na ang nakararaan nang umalis sya doon ngunit sariwa parin kay Mam Nell ang mga hirap na kanyang dinanas para lang makapagturo sa naturang eskwelahan.
Kwento niya, kailangan maglaan ng isang araw para makarating sa naturang paaralan.
Paputok pa lamang ang araw ay dapat bumabyahe na siya.
Dahil sa wala pa noong diretsong jeep papunta sa lugar ng naturang paaralan, dumadaan sila sa dagat gamit ang de-motor na bangka’t maglalakad ng ilang kilometro.
Malas na lang umano kung may malakas na ulan o bagyo na sasalubong sayo.
At dahil sa layo ng kanyang nilalakbay, pinili ni Mam Nell na mawalay sa kanyang pamilya kaya’t tuwing weekend na lamang siya nakakauwi o minsan ay isang beses sa isang buwan, upang makatipid na rin sa pamasahe.
Hindi rin umano madali ang gumawa ng lesson plans noon dahil hindi pa inaabot ng kuryente ang lugar kaya’t gasera lamang ang kaniyang katuwang.
Ayon sa kanyang mga naging estudyante, istrikto si Mam Nell lalo na pagdating sa mga aralin.
Kwento pa nila, anino pa lamang nito’y nagsisitakbuhan na sila sa kanilang classrooms.
Ngunit humahanga umano sila sa tiyaga ng kanilang guro kung paano sila turuan nito lalo na’t salat sila sa silid-aralan at mga libro.
Nakikita rin umano nila ang hirap na pinagdadaanan nito makarating lang sa kanilang paaralan kaya’t malaki rin umano ang kanilang utang na loob sa kanilang hinahangaang guro.
Nasaan na si Mam Nell ngayon?
Matapos ang 15 taon, nakita ng PSDS o Public Schools District Supervisor ng Libmanan South District ang matiyagang pagtuturo ni Mam Nell kaya’t sa tulong nito’y nailipat siya sa Palong Elementary School.
Malaking ginhawa na ito kay Mam Nell dahil nasa highway na ito, hindi na kailangan maglakbay ng malayo’t maaari na siyang makauwi araw-araw sa kanyang pamilya.
Hanggang mailipat muli siya sa paaralan ng Beguito Viejo noong 2006 at muli noong 2008 sa Duwang Niyog Elementary School.
Sa haba ng kanyang paghihintay, noong 2013 ay dininig ng Diyos ang kanyang panalangin na mailipat sa malapit sa kanilang tahanan.
Na-destino siya sa R. Malanyaon Elementary School sa distrito ng Pili, Camarines Sur.
Ngayon ay abot kamay niya nang binabyahe ang kasalukuyan nyang assignment.
Tila isang regalo umano ito sa kanya bago man lang siya mag retire.
Dagdag pa niya, isa rin sa kanyang ipinagpapasalamat sa Diyos ay ang gabay na binibigay sakanya para mabalanse niya ang kanyang mga responsibilidad sa paaralan bilang guro at sa bahay bilang isang ilaw ng tahanan.
At sa kanyang ika-29 na taon sa pagtuturo, patuloy umano syang tutulong sa mga batang mag-aaral na maging maka-kalikasan, maka-Diyos, maka-tao, makabayan at maging mabuting bata sa kani-kanilang mga magulang.
Nag-iwan ng limang (5) mensahe si Mam Nell sa mga gustong maging guro: a) mahalin ang ginagawa; b) continuous learning; c) maging innovative sa lahat ng bagay; d) maging malikhain at mapamaraan, at; e) bigyan ng effort ang lahat ng ginagawang pagtuturo.
Samantala, bilang guro ng tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo, bukas anya si Mam Nell sa makabagong teknolohiya ngayon.
Medyo mahirap man umano ito sa parte nila ngunit mas mainam umano na akapin ang mga makabagong pamamaraan na ito upang makasabay sa tugtugin ng mga bagong henerasyon na darating pa.

By Race Perez

April 22, 2017 0 comment
5 Facebook Twitter Google + Pinterest
COVER
Kapag ang ordinaryong tao ay naglakad sa initan ng 20 kilometro, asahang may hingal kabayo na ito.
Pero kakaiba ang mga miyembro ng Mariners Band, na naglakad ng 20 kms na hindi tumitigil sap ag-ihip at pagtugtog ng kanilang mga instrumento.
Sa temang “Pagkaburunyog, Lakaw Para Sa Sarong Tanog” o “Pagkakaisa, Lakad Para Sa Iisang Tunog”, isinulong ng Mariners Band ang kanilang kakaibang reunion na inialay nila sa Diyos nitong nakaraang Semana Santa.
Ito ay nilahukan hindi lamang ng mga kasalukuyang miyembro ng naturang banda kundi pati na rin ng mga alumni nito na hindi pa rin nakakalimutan ang pagtugtog.
Ang Mariners Band ang kauna-unahang banda na nag-alay lakad habang ginagamit ang kani-kanilang instrumento.
Nagsimulang maglakad ang banda ng Mariners mula sa Metropolitan Cathedral sa naga City hanggang sa Calabanga, Camarines Sur.
Sa dulo ng naturang alay-lakad matutunghayan ang pahalik sap aa ni ‘Hinulid’, kung saan makikitang nakahiga ang poon ni Hesus.
Sino ang Mariners Band?
Ang Mariners Band ay isang grupo ng mga musikero sa ilalim ng Mariners Polytechnic Colleges, isang kolehiyo sa Camarines Sur.
Ayon sa band director nito na si Mr. Edgar Esplana o “Sir Gagay”, ang Mariners Band ay kinabibilangan ng mga estudyante ng naturang kolehiyo na mga scholar na rin.
Ani Sir Gagay, tumutugtog ang banda ng Mariners hindi lamang sa loob ng kolehiyo bagkus iniimbitahan rin anya sila sa mga prosesyon maging sa mga parada.
Sa katunayan, ayon sa mga Bicolano, isa ang Mariners Band sa kinikilalang marching band sa rehiyon dahil na rin sa mga iniuwi nitong mga parangal mula sa regional at national competitions.
Ayon kay Sir Gagay, nakapag-uwi sila ng dalawang magkasunod na panalo sa Muntinlupa City at sa Bacoor, Cavite, at maging sa Subic din.
Hindi umano madaling manalo sa mga ganitong kumpetisyon dahil k ailangan ng puspusang training at mga sekretong sangkap para makamit ang tropeyo na kanilang inaasam.
Si Sir Gagay ay isang dating assistant band director ng naturang banda at sa tulong na rin ng kanyang passion sa pagtugtog ay natulungan nyang makapag-tugtog ang mga gustong maging musikero.
Bakit Alay-Lakad ang ginawang reunion ng Mariners Band?
Kakaibang pagtitipon-tipon ang naisip ng Mariners Band dahil sa totoong larawan ng isang reunion ay may magarbong handaan at magdamag na kasiyahan.
Iisipin ring kahibangan ang maglakad ng malayo’t bumuga ng hangin para patugtugin ang kanya-kanyang instrumento.
Ngunit posible aniya ito ayon kay Sir Gagay at mga miyembro ng naturang banda dahil sa bawat gawa ay dapat palaging numero uno ang Diyos.
Ani Sir Gagay, isang maliit na bagay lamang ito bilang pagbibigay pugay sa Maykapal sa pagbigay ng talento na makapag-tugtog.
Ito rin ang naging dahilan ng mga lumahok sa alay-lakad at kung bakit nila binabalikan ang kanilang ‘first love’ – ang pagtugtog.
Makikita na nag enjoy ang mga miyembro at naging miyembro ng Mariners Band sa kanilang reunion kung saan kanila na ring inialay ito bilang kanilang panata.
Maliban sa paglalakad, nagsilbing Visita Iglesia na rin ang kanilang alay-lakad dahil humihinto sila para magdasal sa bawat simbahan na nadadaanan nila.
Kabilang sa kanilang mga hinintuang simbahan ay ang simbahan ng Canaman, Magarao, Bombon at Quipayo.
Ang naturang reunion ng ay pangalawang beses nang isinagawa ng Mariners Band, ang una ay noong 2011.

PAKINGGAN: Mensahe ni Sir Gagay para sa mga alumni ng Mariners Band at sa mga musikero

By Race Perez

Mas kilalanin pa ang Mariners Band sa mga videos na ito na inupload ng mga netizens sa Youtube:

April 21, 2017 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
kawa
Panandalian mong makakalimutan ang mga mabibigat na pasanin kapag nakatapak ka na sa natural park ng Ligao City, Albay, ang tinatawag na Kawa-Kawa Hill.
Bubusugin ang inyong mga mata ng paikot na mga berdeng tanawin at mula dito ay tila abot-kamay mo na rin ang ganda ng Bulkang Mayon.
Swak na swak rin ang lugar na ito tuwing Semana Santa kung saan dinarayo ito ng mahigit 100,000 deboto dahil tampok sa park na ito ang Stations of the Cross na makikita sa palibot nito kung saan maaaring magnilay-nilay at magdasal.
Ngunit hindi lamang ito para sa mga kababayan nating Katoliko bagkus bukas ito sa iba pang relihiyon at ano pa man ang estado mo sa buhay; mapa-mayaman man o mahirap; may posisyon man sa gobyerno o ordinaryong mamamayan.
Pasok rin ito bilang isang summer destination dahil maaring makapag-bonding dito ang bawat pamilya at mga magbabarkada dahil sa lawak ng lugar.
Paraiso kung maituturing ang natural na ganda ng Kawa-Kawa Hill kaya’t hindi ito pwedeng mawala sa listahan niyo kapag nagawi kayo sa probinsya ng Albay.
Bakit ito tinawag na ‘Kawa-Kawa’?
Ayon sa pioneer ng Kawa-Kawa Hill na si Dr. Fernando V. Gonzalez (dating Mayor at dating Gobernador sa Albay), una itong tinawag na ‘lu-nad’, isang salita sa Bicol na ang ibig sabihin ay malalim.
Aniya, bigla na lamang tinawag na Kawa-Kawa Hill ang naturang natural park dahil na rin aniya umano sa hugis o hitsura ng burol na parang isang kawa kung saan may malalim na uka ito sa gitna.
Kuwento ni Gonzalez ang Kawa-Kawa ay isa lamang ordinardyong burol na puno ng talahib at wala pang mga puno noon ngunit nang magretiro siya sa pulitika, napagdesisyunan niyang pagandahin ang nasabing burol na pangarap aniya niya noong bata pa siya.
Itinayo na lamang umano ang mga punong nakapalibot dito, sa tulong na rin aniya ng mga gustong mag ‘Tree Planting’ sa lugar.
Sa kabilang banda, humingi naman ng pahintulot ang mga madre ng Carmelite para maitayo ang Stations of the Cross at ang simbahan sa paanan ng burol.
Ang simbahan ng Carmelite ay may isinusulong ngayong isang programa kung saan maaaring itatak ang paa ng gustong mag-donate sa simbahan sa isang semento na magsisilbing isang ‘tile’ na ilalagay sa hagdan paakyat sa simbahan.
Patuloy na pinapaganda ang naturang park dahil na rin umano sa demand ng mga taong bumibisita dito.
Isa na rito ang paglalagay ng mga konkretong hagdan para sa maginhawang paglalakad ng mga umaaakyat dito.
Ani Gonzalez, bagamat patuloy ang kanilang pagpapaganda sa park hindi pa rin nila pinahihintulutan na magkaroon ng mga food establishments sa itaas ng burol upang mapanatili ang natural na ganda nito.
Kaya’t tanging maliliit na sari-sari store lamang ang makikita sa piling parte ng Kawa-Kawa.
Sa kinang na linis ng paligid dito ay mahihiya kang magtapon ng basura kaya’t isa na rin ito sa nagiging sikreto ng lugar upang mapanatili nito kalinisan sa paligid.
Tampok rin sa lugar ang ATV ride, isang rest house, mga iba’t ibang uri ng ibon, maraming sunflowers at iba pa.
Mainam rin na makapunta sa tuktok ng burol bago pumutok o lumubog ang araw para masilayan ang sunrise at sunset.
Tulad ng nabanggit ni Dr. Fernando Gonzalez, bago umakyat ng burol ay iwanan na muna sa ibaba ang mga titulo dahil walang kongresista, mayor o gobernador, abogado o engineer, mayaman o mahirap sa mata ng Diyos.
Tunay na maituturing na God given ang Kawa-Kawa Hill na dapat nating pangalagaan at patuloy na mahalin.
Paano makakarating sa Kawa-Kawa Hill?
Kung galing ng Maynila o Naga City Bus Terminal
Sumakay ng bus na papuntang Legaspi City (Bicol) at sabihin sa drayber na ibaba kayo sa Seventh Day Adventist Church sa Tuburan, Ligao City.
Mula sa Tuburan, sumakay sa tricycle na magadadala sainyo papunta sa base point ng Kawa-Kawa Hill na may P10.00 na pamasahe kada isa.
Kung galing ng Ligao City Proper
Sumakay ng tricycle na magdadala sainyo papuntang Tuburan, Ligao City at sabihin sa drayber na dalhin kayo sa base point ng Kawa-Kawa Hill na may P10.00 na pamasahe kada isa.
Kung galing ng Legazpi City
Sumakay ng bus na papuntang Naga City at at sabihin sa drayber na ibaba kayo sa Seventh Day Adventist Church sa Tuburan, Ligao City.
Mula sa Tuburan, sumakay sa tricycle na magadadala sainyo papunta sa base point ng Kawa-Kawa Hill na may P10.00 na pamasahe kada isa.
By Race Perez
April 20, 2017 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
feature pic
Visita Iglesia.
Isang nakagawiang paraan ng mga Katolikong mananampalataya para gunitain at isabuhay ang panahon ng Kuwaresma o Mahal na Araw.
Ito ay ang pagbisita at pagdarasal sa hanggang pitong (7) iba-ibang simbahan na isinasagawa tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo bilang pakikiisa at pagbibigay parangal sa naging sakripisyo ni Hesu Kristo.
Nagsimula ang Visita Iglesia sa Pilipinas noong 1950 na dinala ng mga Augustinian missionaries sa bansa.
Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, hindi naging madali ang Visita Iglesia sa Pilipinas, dahil na rin sa kakulangan ng simbahan at malalayong distansya ng mga ito.
Ngunit sa pagdaan ng panahon at pagkakaroon ng maayos na transportasyon ay naging posible at mas madali na ang pagbisita sa mga simbahan.
Ang Maynila ang unang naging sentro ng Visita Iglesia sa bansa dahil sa 7 malalaking simbahan sa Intramuros noon.
Ngunit dahil sa giyera, ang tinaguriang Battle of Manila noong World War II ay nasira at hindi na naayos ang 5 sa pitong simbahan sa Intramuros.
Tanging ang San Agustin Church at Manila Cathedral ang nananatiling nakatayo hanggang sa ngayon.
Bakit nga ba may Visita Iglesia? Alam mo ba ang layunin nito?
Ayon kay Father Erick Santos, Director ng Catholic Charismatic Renewal Ministries ng Archdiocese Manila, ang Visita Iglesia ay isang tugon sa Panginoon na nagdamdam sa mga apostol noong unang Huwebes Santo kung kailan habang nananalangin si Hesus sa Hardin ng Gethsemane ay inanyayahan niya na samahan siya ng mga apostol ngunit natulog lamang ang mga ito.
Kaya aniya kapag ginagawa ang Visita Iglesia ay naglalaan ang isang mananampalataya ng oras para manalangin bilang pagbabayad puri sa naging pagkukulang kay Hesus sa unang Huwebes Santo.
Binigyang diin ni Father Santos na ang Visita Iglesia ay para sa pananalangin at para tugunan ang hiling ng Panginoon na samahan siya.
Sinabi ni Father Santos na ito rin ang tamang panahon para masabi sa Panginoon na, “Lord sasamahan kita… at Lord, andito lang ako.”
Kasabay nito ay hinimok ni Father Santos ang mga mananampalataya na isabuhay at isapuso ang kagustuhang makapiling ang Panginoon…aniya dapat malaman ng bawat isa na ang Visita Iglesia ay hindi lamang katuwaan kung hindi panahon para makapagnilay sa mga naging sakripisyo ni Hesukristo.
Sa panahon ngayon, ano na ba ang pananaw ng mga Kabataan sa Semana Santa?
“Hindi pa rin namamatay ang paggunita ng mga kabataan tuwing Semana Santa.”
Ito ang binigyang diin ni Kare Hendrick ‘Karr’ O. Pascual, isang sakristan sa Naga Metropolitan Cathedral, St. John Evangelist Parish sa Archdiocese ng Caceres.
Ayon kay Karr, maaaring akalain ng iba na namatay na ang banal na pagninilay-nilay ng kabataan ngayon dahil sa mga makabagong teknolohiya’t maraming pagbabago sa pailigid ngunit aniya, ipinapahayag ng mga millennial ang kanilang paniniwala sa iba’t-ibang paraan.
Tulad na lang aniya ng pag-popost ng mga banal na pahayag (bible verses) o mga repleksyon sa social media, dahil ani Karr, ganito na kabukas ngayon ang mga kabataan at ito na rin ang kanilang paraan para maibahagi ang kanilang opinyon.
Isa rin aniya ang pagda-download ng mga Bible applications sa mga cellular phones at doon na babasahin ang mga kasulatan sa Bibliya.
Idinagdag pa ni Karr ang pakikibahagi sa mga programa ng simabahan katulad aniya sa kanilang archdiocese na ‘Marian Youth Congress’ tuwing buwan ng Setyembre para sa paggunita sa patron na si Our Lady of Peñafrancia o ‘INA’, sa nasabing pagdiriwang umaabot sa 9,000 hanggang 12,000 youth delegates ang lumalahok.
At ngayon, aniya ang kanilang kinalahukan ay ang Visita Iglesia bilang paggunita sa Semana Santa.
May temang “A Journey of Prayer in the YEAR OF THE PARISH” at lenten theme na “Parish, Communion of Community That Believes in Remember and Celebrate the Pascal Ministry of Jesus”, ipinabatid ni Karr na umusad ito sa Diocese ng Camarines Norte sa pamumuno nina Father Roy Gueriña at Carol Rada at sa tulong na rin anya ng kanilang Parish Priest na si Rev. Msgr. Noe Badiola.
Base sa tema, kanilang nilibot ang pitong (7) simbahan para mabisita’t makita ang pangangailangan ng bawat parokya.
Ilan sa kanilang nilibot ay ang Nuestra Señora de Candelaria Parish sa Paracale, Cathedral of the Most Holy Trinity at St. John the Baptist Parish sa Daet, Our Lady of the Most Holy Trinity Seminary sa Labo, Our Lady of Fatima Shrine at St. Peter the Apostle Parish sa Vinzons, at St. Francis of Assisi Parish sa Talisay.
Ikinuwento ni Karr na hindi lamang ito pagkakataon upang mabisita ang iba’t ibang simbahan bagkus pagkakataon na rin anya na makasalamuha ang iba pang kabataan sa ibang lugar at ang kanilang komunidad.
Paliwanag pa ni Karr, isang maliit na bagay ito para makatulong sa anumang mga pangangailangan ng bawat simbahan katulad aniya ng St. Peter the Apostle Parish, na nasunog tatlong taon na ang nakararaan dahil aniya, tinitignan rin nila ang mga pasilidad na kailangang ikumpuni.
Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Karr sa mga kabataan na huwag anyang pabayaang may humadlang sa kanilang paniniwala sa simbahan.
Ani Karr dapat tingnan ito hindi bilang kalaban bagkus isang hakbang na lalo pang paigtingin ang kanilang paniniwala sa Simbahang Katoliko.

By Race Perez | Aiza Rendon

*Sakaling magagawi kayo sa Camarines Norte ngayong Mahal na Araw, narito ang ilang simbahan na pupuwede ninyong mabisita.

Cathedral of the Most Holy Trinity, Daet Camarines Norte

Our Lady of the Most Holy Trinity Seminary, Labo Camarines Norte

St. Peter the Apostle Parish Vinzons, Camarines Norte

Our Lady of Fatima Shrine Vinzons, Camarines Norte

St. Francis of Assissi Parish Talisay, Camarines Norte

St. John the Baptist Parish Daet, Camarines Norte

Nuestra Señora de Candelaria Parish Paracale, Camarines Norte

Photo Credit: Glenn G. Bongalos

April 10, 2017 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest