Aabot sa tatlong libong (3,000) residente na inilikas dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon ang nabigyan ng trabaho ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ito ay bahagi ng kanilang ‘cash-for-work program’ kung saan bibigyan ng mapagkakakitaan ang mga evacuees sa loob ng sampung (10) araw.
Ilan sa mga trabaho na kanilang iniaalok ay paglilinis ng mga eskwelahan, pagtatanggal ng mga damo at pagtatanim ng mga halaman.
Sa ilalim ng 10-day program ay makakatanggap ang bawat benepisyaryo ng dalawang daan at siyamnapung piso (P290) kada araw bilang kanilang suweldo.
—-