Siniguro ng Department of Budget and Management (DBM) na maibibigay sa pinakamahirap na pamilya ang unang dalawang buwan ng tag-500 pisong ayuda bago matapos ang administrasyong Duterte.
Ayon kay DBM acting Secretary Tina Rose Canda, pirmado na ang Memorandum Joint Circular na pinondohan ng apat na bilyong piso kada buwan na inaasahang maipapamahagi sa loob ng buwang ito.
Sa loob ng tatlong buwan mula Abril hanggang Hunyo nasa 1,500 pesos ang matatanggap ng bawat beneisyaryo.
Nabatid na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang ayuda para maipamahagi sa mahihirap na pamilyang Pilipino na naapektuhan ng serye ng pagtaas ng presyo ng langis.