Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue na iniimbestigahan na ng mga ito ang mga contractors na sangkot sa flood control projects.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Junior, binabantayan na nila ang lahat ng isinasagawang imbestigasyon ng Kamara at Senado na may kaugnayan sa sinasabing ghost flood control projects.
Kasalukuyan aniyang nagpapatuloy ang kanilang pagsusuri sa mga isinumiteng dokumento ng mga contractors upang mabusisi ang mga tax compliance nito.
Nilinaw din ng BIR na ang depinisyon ng ghost project ay mga proyektong hindi naipatupad at walang aktuwal na nagastos. Kung kaya’t kung walang ginastos ay wala ring dapat ideklara o i-disallow na expenses.
Maliban dito, titiyakin din ng BIR na tama ang ibinabayad na buwis ng mga nasabing contractors.