Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na bumili ng gamot na tunay na generics at huwag iyong mga branded na generics.
Ayon kay Dr. Anna Melissa Guerrero, program manager ng DOH Pharmaceutical Division, maaari namang magsabi sa botika na ang pinakamurang generic ang bibilhin.
Generic anya ang tawag sa isang gamot na kinopya lamang ng ibang pharmaceutical firms.
Sa ilalim ng panuntunan, maaaring kopyahin ng ibang pharmaceutical companies ang isang gamot makaraang eksklusibo itong maibenta ng innovator sa loob ng 20 taon.